Hindi kaagad ako nakatulog pagkatapos nangyari sa party ni kuya Chie.
Bumangon ako para magpahangin sa labas ng bahay namin dahan-dahan ako naglakad pababa ng hagdanan.
Sumandal ako sa poste katabi ng malaking gate namin napatingala ako sa kalangitan.
Tama naman siya kaso, dun lang ako takot.
Tinignan ko ang wallpaper ng cellphone ko napangiti na lang ako. Nang biglang umilaw ang screen at nakita kong tumatawag siya.
Calling...
Jeree: He—
Chielle: Aalis na kami mamayang madaling araw.
Jeree: Ah?
Chielle: Aalis na kami mamayang madaling araw.
Jeree: Ingat ka!
Chielle: Salamat sa tulong mo nung hinatid-sundo mo ako, ingat ka.
Jeree: May sasabihin ako sa'yo, pwede ba magkita tayo ngayon?
Chielle: Oo, nandito ako sa hotel.
Jeree: Sa lobby lang tayo magkita.
Chielle: Hihintayin kita.
Binaba ko kaagad ang cellphone ko at pumasok para kunin ang mountain bike ko. Malayo man ang hotel na tinutuluyan nila pupuntahan ko pa rin siya para masabi ko ang nararamdaman ko.
"Jeree!" tawag niya sa akin.
Nagulat ako ng yakapin niya ako muntik na ako matumba.
"Hey!" gulat aniko sa kanya.
"Payakap muna bago ako humiwalay sa'yo," aniya sa akin hindi na lang ako umimik tumugon na rin ako ng yakap.
"May sasabihin ako.." bulong ko sa kanya.
"Ano ang sasabihin mo?" tanong niya sa akin kahit nakayakap pa rin siya sa akin.
"—Ma—" putol kong sasabihin hindi ko masabi sa kanya.
"Anong ma?" tanong niya sa akin.
"Mag-iingat kayo sa byahe pagbalik sa America at—mahal na mahal kita," amin ko sa kanya humigpit ang pag-yakap ko sa kanya.
"I'm sorry, hindi pa ako pwede—" mahinang bulong niya sa akin bago siya humiwalay sa akin at tumakbo siya palayo.
Sinundan ko siya ang sakit na ma-reject ka ng taong mahal ko. Kaagad akong umalis ng hotel at umuwi na ako sa bahay namin.
Nang makarating na ako sa bahay pinarada ko sa tabi ng pader ang bike ko at nagpunta ako sa underground para mag-training dun ko ibubuhos ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
Kinabukasan
"Ate, nasaan si kuya?" tanong ko nang mapansin wala ito sa kanilang bahay.
"H-indi ko alam, J–eree..." amin ni ate Jia umiiling na tumingin sa akin.
"Wal–a na kami ng kuya mo papatayin ko ang taong dahilan para iwan ako ng kuya mo." amin ni ate Jia sa akin umiiyak hindi na nakakain ng pagkain na sa lapag nya.
"Bakit?" tanong ko na lang sa ate ko may kakaiba talaga.
"May taong pumasok sa bahay kagabi pagkatapos ng party, —" aniya sa akin at yumuko na lang maalala ko ang nangyari kagabi sa kanya.
"Sino gumawa?" tanong ko sa kanya narinig ko ang sigawan mula sa kwarto nila kuya Chie ng pabalik na ako sa kwarto ko nun.
"Si Vi–ncent ang gumawa sa akin ng —naabutan kami ng kuya mo nung madaling-araw nakita niya kami walang damit," aniya sa akin umiiyak lalo nang maalaala niya ang nangyari.
"Putang ina!" sigaw ko at bigla ko hinampas ang upuan.
Nakita ko ang takot sa mukha niya si kuya Chie lang ang makakagawa sa kanya nang ganito.
"Ipakulong natin siya, ate isusumbong ko ito kina mommy at daddy sila ang kakausap sa magulang ng lalaking 'yon." sigaw ko sa kanya.
"Babalik tayo ng U.S ngayon din kukuha tayo ng plane ticket para kinabukasan aalis na tayo makakuha sana tayo." aniya sa akin nagulat ako sinabi niya.
"Per-o, paano ang pag-aaral natin?" tanong ko sa kanya.
Bakit nagkasabay-sabay ang nangyayari sa amin ni ate, siya iniwan ni kuya kahit alam na buntis ito.
At ako...
Ni-reject ng babaeng mahal ko.
"Okay." aniko inaalo ko ang ate ko para tumahan sa pag-iiyak nang sundan ito.
Yumakap ako sa kanya at ramdam ko ang pighati nararamdaman niya sa pagkawala ni kuya Chie.
"Ate, bakit hindi tayo sa China babalik?" tanong ko sa kanya.
Kaso, nasa New York City kami pupunta hindi sa San Francisco, California, USA.
Nagpunta kaming dalawa sa lumang classroom para dun mag-usap.
"Umalis na siya pagkatapos niya ako pag-samantalahan pupuntahan natin siya sa US sa para patayin nang dahil sa kanya sinira niya ang mabubuong pamilya namin ng kuya mo." aniya sa akin.
"Magbabalik na ba ang The Great Princess Gangster ng pamilyang Li? I miss you as gangster at mysterious hero of many people outside or inside the world," aniko sa ate ko naalala ko nung panahon hindi siya si Jia Li ngayon.
"Hindi, isang araw at isang gabi lang siya muling magpapakita at 'yon ang huling pagpapakita niya saka ako lang ang magiging head ng private organization nang pamilya natin papalit sa trono ni mommy at ikaw kay daddy tradisyon na ito sa pamilya natin mula sa ninuno ng pamilyang Li." aniya sa akin.
Tumango ako sa kanya at lumabas na kami sa lumang classroom. Sumunod sa ako sa kanya nagpunta sa principal office.
"Mag-transfer kami sa US—buntis ako at nahihiya sa inyo na may estudyante kayong buntis sa school nyo," amin ni ate sa kaharap namin.
"Ganyan din ako kay Paulo noong nag-aaral pa ako sabay nga kami nag-aral wala akong pakialam sa sinasabi ng mga kapwa ko estudyante noon basta masaya ako na kasama ko ang anak ko," wika ni Ma'am Xyra sa kapatid ko.
"Ito na ang final desisyon namin, ma'am Xyra aalis kaming dalawa ng kapatid ko dito sa school para dun ituloy ang pag-aaral namin sana lang wag ito kumalat lalo na ang pagbubuntis ko." sambit ni ate kay ma'am Xyra binigay ang dropping form.
"Alam ba ito ng kaibigan mo na sina Kecha at Jong?" tanong ni ma'am Xyra sa ate ko.
"Sasabihin ko na lang kapag aalis na kami ng Pilipinas, ma'am Xyra." sambit ni ate nakikinig lang ako.
"Thursday o Wednesday hmm ... bukas ang huling araw nyo dito sa school at bukas nyo rin makukuha ang confirmation ng dropping form nyo sa asawa ko ito bibigay." sambit ni ma'm Xyra.
Lumabas na kaming dalawa sa principal office
After 3 hours
Tumunog na ang bell tahimik na tumayo ako sa upuan at lumakad palabas ng classroom.
"Jeree!" tawag ng kaibigan ko hindi ko siya pinansin.
Tumuloy ako sa classroom ni ate Jia na seryosong nakatingin ako sa kanya.
"Anong gusto mong gawin, ate?" bungad ko sa kanya.
"Bumili tayo ng vitamins para kay baby pagkatapos natin pumunta sa OB ko tapos mag-impake na tayo pagkauwi nating dalawa sa bahay," aniya sa akin tumango na lang ako sa kanya.
"Totoo ba na nag-drop na si Chie?" bungad ni ate Thea sa amin ni ate Jia.
"Oo, totoo nag-away kaming dalawa pagkatapos ng birthday niya." aniya kay ate Thea.
"Paano na kayo?" tanong ni kuya Vhenno.
"Kailangan namin ng space napuno na kasi ang galit namin sa dibdib hindi na maayos ng madalian," wika ni ate sa kanila.
"Nasaan na ba siya?" tanong ni kuya Vhenno.
"Bumalik na siya sa China," sabat ko sa kanila.
"Iniwan niya kayong dalawa dito? Susundan nyo ba siya dun?" tanong ni ate Thea sa amin.
Umalis na kaming apat sa tapat ng classroom. Nagpunta kami sa tapat ng parking area at dun tumambay.
"Aalis na rin kami ni Jeree dito sa school," sambit ni ate Jia sa kanila.
"Bakit?" tanong ni ate Thea.
"Kung kailan naging magkaibigan tayo dun pa mag-hihiwalay," nasambit ni ate Thea napasimangot bigla.
"Ate? Pupunta pa tayo sa OB-GYNE." sabat ko.
"Aalis na kami ni Jeree, bye bukas na lang tayo magkita." sambit ni ate Jia at lumakad na kami.
"Ingat," wika ni ate Thea sa amin.
Sa huling araw namin ni ate Jia nakasabay namin sina kuya Jong at ate Kecha sa hallway.
"Bakasyon? Ang aga naman Valentine's Day ngayon," wika ni ate Kecha kay ate Jia.
"Hindi, sa US na kami mag-stay ni Jeree at dun na namin itutuloy ang pag-aaral namin." aniya kay ate Kecha.
"Bakit? Napansin ko nga hindi nyo kasama si Chie, nasaan ba siya?" tanong ni ate Kecha kay ate Jia.
"Shi de, ta kan dao wo hewen sen te Vincent chiluo, wo fashengle shenme shi, wo wufa zai zhandoule, yinwei wo huaiyunle." sambit ni ate Jia sa kaibigan niya.
(Yes, he saw me naked with the man Vincent, and something happened to us and I couldn't fight anymore because I'm pregnant.)
"Ano? Sino ang nag-balak na gumawa sa'yo?" gulat na tanong ni ate Kecha kay ate Jia.
"Si Vincent, ang gumawa sa akin NUN at sumagad ang galit ni Chie nahuli niya kami, hindi 'yon gusto, papatayin ko siya wala akong pakialam kung magalit sa akin ang magulang niya council ng underground arena." sambit ni ate Jia sa kaibigan niya.
"Ibabalik mo siya dito, Jia?" sabat ni kuya Jong sa kaibigan.
"Oo, para patayin siya! Kung saan niya ginawa 'yon dun ko siya papatayin!" sambit ni ate Jia sa kaibigan niya.
Hinatid kami nina kuya Jong at ate Kecha sa NAIA terminal 2. Kumaway na lang kami ni ate sa kanila bago pumasok sa departure area ng airport.
Bagong adjustment sa bagong pamumuhay sa ibang bansa ulit.
Kamusta na kaya siya ngayon?
After 5 months
"Ate, hindi ka na ba naduduwal?" tanong ko habang nasa loob kami ng van.
Makalipas ng limang buwan naging ganito ang routine ko sa buhay. Mabuti na lang naituloy ko pa ang pag-aaral ko kahit alanganin na dahil may kakilala kami sa University ng New York City.
I-message ko sana siya sa f*******: niya kaso, wala na siya sa listahan ng friends ko sa f*******:.
Nag-deactivate siya ng account nya? Bakit kaya?
"Ako rin, ate tuturuan ko kaagad sila." aniko sa kanya.
"Turuan mo sila kapag nasa tamang edad na 'yong kambal kaya na ng katawan nila makipag-bugbugan," aniya sa akin kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
Akala ko ba ayaw niya mapasama sa ganito ang magiging anak niya.
Bakit nabaliktad ang mundo?
Nang makarating kaming dalawa sa hospital. Pinarada muna ng driver ang van sa parking lot bago bumaba sa van.
"Ikaw ah! Tigilan mo si Mitchielle nahuli kita kausap mo siya sa laptop mo." aniya sa akin.
Nalaman kong na-hack pala siya at gumawa ulit siya ng f*******: account niya.
"Kahit mahal mo siya at torpe ka manligaw sa kanya wag muna wag kang tumulad sa akin," aniya sa akin.
"Hindi ako tutulad sa'yo, ate." aniko sa kanya huminga lang ako ng malalim.
Hindi naka-imik si ate Jia sa sinabi ko sa kanya. Nang makarating kami sa hospital kung saan ang clinic ng doctor niya.
"Me? It's so ridiculous, ate you are married to me no way! Incest relationship I help you hahaha..." natawang aniko sa ate ko nang makapasok kaming dalawa.
"Huwag mo na sila pansinin pa, inaakala nila lang 'yon." aniya sa akin ngumiti lang ako sa kanya.
"Na-search mo na ba ang f*******: account ni kuya?" tanong ko sa kanya.
"Oo, wala naman bago sa recently posted niya dito palagi niyang kasama ang pamilya niya at lumipat sya ng school nag-aaral na ulit siya pagkatapos niya umalis ng Pilipinas." aniya sa akin.
Nang nasa second floor na kaagad na lumabas silang dalawa ng elevator at lumakad sa isang kwarto. Nagpa-lista si ate Jia sa receptionist ng kwarto bago pinapila sa mga nakaupo.
Ilang oras ang nakalipas tinawag na si ate Jia ng doctor.
"Jia Li, are you there?" tawag ng doctor.
"I'm here, doc!" wika ni ate Jia at tumayo inalalayan ko siya papunta sa clinic.
Bakit nakikita ko kay ate ang mukha ni Chielle tapos buntis rin siya at nilalagyan ng gel.
Pinilig ko ang ulo naging limitado na lang conmunication namin dahil sa schedule sa school namin.
Dapat graduate na ako sa high school dahil iba ang corriculum sa America. 11th grade pa lang ako at siya senior high graduating na siya sa high shool.
"Yes, doc." aniya at tumingin sa monitor kung saan may tinuturo ang doctor.
"Your child will be, baby boy and baby girl because one is dangling haha!" natawang wika ng doctor at may tinuturo.
"Nice one! Hahaha...thank you, doc our family will come to the new part of it, my niece and nephew." aniko sa doctor.
Natawa na lang si ate Jia sa itsura ko dahil sa sinabi ng doctor sa akin.
Nagulat ang doctor sa narinig akala niya asawa ako ni ate Jia matured lang ang mukha at tindig ng katawan ko pero hindi pa matanda. Nagpasalamat na lang kami ni ate sa doctor niya bago umuwi sa bahay.