Hindi ako mapakali sa inuupuan ko napansin ito ng mommy ko.
"Hindi ka mapakali riyan, anak?" tanong ni Mommy sa akin nang mapansin niya ang muling paggalaw ko.
"Nag-aalala ako sa anak ko, mom hindi ako sanay na hindi siya kasama kapag ganitong event kahit alam kong high school na siya ngayon," nag-aalalang aniko sa mommy ko.
"High school na nga sabi mo, anak dalaga na ang anak mo kaya na nga niya ang sarili niya hindi ka lang sanay na malayo ka sa kanya San Francisco to Los Angeles lang," wika ng mommy ko sa amin.
"Hija, noong ka-edad mo ang anak mo ay wala na kami sa tabi mo alam mo 'yan, hinayaan ka namin maging independent dahil may tiwala ako sa 'yo, hayaan mo ang anak mo na gawin ang gusto niya at saka sinabi niya sa'yo na nasa school lang siya ngayon noong kausapin mo kanina hindi nga siya magala katulad mo," wika ng daddy ko sa akin at ngumiti ako sa kanya.
"Oo nga! Kung kaya't hayaan mo siya, hija, kokontakin ka naman niya siguro kung napahamak siya," anila sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi nila. Tama naman ang sinabi ng mga magulang ko. Dalaga na ang anak ko, hindi na siya minor. Hindi ko pa nasasabi sa ama niya ang tungkol sa kanya. Tatlong taon din ang lumipas nang sinabi ko sa anak ko ang tungkol sa daddy niya.
Bumaling ulit ang tingin ko sa nagsasalita at nagulat ako sa nakita.
"Ang shareholders ng increase money tataas kung tayo magkakaisa at hindi mangkukurakot sa kaban ng kompanya," aniya sa lahat nakikinig lang ako sa kanya.
I miss him so much!
Alam ko, imposible na kami magsama dahil may pamilya na siya ngayon. Mahal ko pa rin siya kahit na masakit na iniwan niya ako noon.
"Daddy!" sigaw ng dalawang batang babae.
Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko rin ang babaeng pumalit sa pwesto ko sa buhay niya.
"Hindi siya nagbago nakapanghihinayang kung kayo sana ang nagkatuluyan ay ang saya sana ninyong tatlo ngayon, lalo na ang apo ko," bulong ni daddy sa akin.
Hindi ko namalayan na sinundan niya kung saan ako nakatingin.
"Ilang porsyento ang itataas natin?" nakataas ang kamay na tanong ng Filipino-American businessman sa kanya.
"Thirty to forty percent," aniya sa Fil-Am businessman umupo ulit ito sa upuan.
"If thirty to forty percent, where would we get the budget when it runs out?" tanong ng isang Fil-Chinese businesswoman sa kanya.
Hindi siya sumagot sa sinabi ng Fil-Chinese businesswoman at tumingin sa aming lahat at saka siya nagsalita.
"Ito ang proposal ko sa inyo pansamantala," aniya sa lahat maraming taong pumalakpak sa kanya.
"I'm happy now, we are just being civil, he's happy now," aniko sa daddy ko.
"Nin yuanyi gen women yiqi qu ma, women hui jiejin ta ma?" pag-aayang wika ng mommy ko sa akin.
(Will you come with us, we will approach him?)
"Hao ba, wo xianzai hen nan jian dao ta." aniko at tumayo na kami para lapitan namin si Jeree.
(All right, it's hard for me to meet him now,)
Nang malapit na kami sa kanya biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin sa akin ang mga katabi ko kahit din si Jeree.
Umiwas ako ng tingin at tumingin ako sa magulang ko na kaagad tumango sa akin. Tumakbo ako papunta sa restroom ng mga babae. Kaagad kong sinagot ang tumatawag sa akin. It was my daughter, it was Odelia.
Calling...
Sweetie (Odelia): Mommy, nandito kami sa labas ng mga kaibigan ko.
Pupunta kami sa cafe para mag-kwentuhan.
Chielle: Anong oras kayo mananatili
riyan, sweetie?
Sweetie (Odelia): Hindi ko pa sigurado pero hindi ako magpapagabi sa daan, Mom.
Chielle: Mag-iingat ka, sweetie text mo ako kung saang cafe kayo pupunta.
Sweetie (Odelia): Sige, mom text ko sa'yo.
Chielle: Sige, babalik na ako kasama ko pa sina daddy at mommy dito sa event.
Sweetie (Odelia): Ingat kayo nina lolo at lola, mommy, I love you.
Chielle: I love you too.
Nang binaba ko ang cellphone at binalik sa loob ng bag, nagulat ako dahil paglingon ko ay nakita ko ang lalaking mahal na mahal ko.
"Long time no see..mhie," aniya tinititigan niya ako umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Malaki kumpara noong iniwan mo ako sa ere.
"Ang laki ng pinagbago mo noong huli tayong nagkita." aniya.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Malaki talaga ang binago ko sa sarili ko, Mr. Li. Pupuntahan ko na ang magulang ko—" naputol ako sa linyang sasabihin ko dahil bigla niya ako niyakap.
"I'm very sorry kung iniwan kita noon, mhie, sana mapatawad mo pa ako kahit magkaiba na ang buhay natin ngayon," bulong niya sa akin.
"Twelve years, pagbalik mo ay hindi na ako ang kasama mo, Mr. Li hindi madaling magpatawad," aniko sa kanya itinulak ko siya palayo sa akin.
"Ikaw pa rin, kahit iba na ang kasama ko ngayon...kahit pamilyado na ako ay ikaw pa rin. Alam kong mali pero sana pwede pa rin kitang mahalin," aniya sa akin at napahinto ako bigla sa sinabi niya.
"Kung mahal mo ako ay dapat binalikan mo ako rito tayo sana ang magkasama ngayon at hindi ang asawa mo," sumbat ko sa kanya.
Naiinis kong binalya ang kamay niya na nakahawak sa akin at umatras ako.
"S-Sorry, mhie, alam mo naman ang dahilan kung bakit nabuntis ko siya noon. Nasaktan kita at nasaktan ko ang sarili ko, pati siya ay nasaktan ko rin, mhie alam niya na hindi talaga siya ang mahal ko kahit kasal na kami, mahal ko man siya 'yon ay dahil nahulog na ako sa kanya at may dalawa na kaming anak," aniya sa akin tumitig siya mata ko.
"Bakit mo nga ba ako iniwan? Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin sasabihin sa akin ang dahilan? May dapat ba akong malaman? Alam kong may dapat kang sabihin akin. Hindi ako bobo para hindi ko malaman ang ginawa mo sa akin sana huwag ka na lumapit sa akin na nag-iisa, maghaharap lang tayong dalawa kapag kasama ko ang pamilya ko o pamilya mo bilang respeto sa asawa mo," aniko sa kanya tuluyan ko na siyang iniwan nakita kong naghihintay ang magulang ko sa labas.
"Nag-usap ba kayong dalawa?" tanong ni Daddy sa akin. Umiling na lang ako.
"Hindi kami nag-usap huwag ninyo rin ipilit sa akin na mag-usap kami," aniko sa magulang ko.
"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya na may anak kayo, anak? May karapatan siyang malaman ang tungkol sa apo ko," wika ng mommy ko.
"Ayaw ko makasira ng pamilya, kontento na kaming dalawa ng anak ko alam niya ang kalagayan ng ama niya bilib nga ako dahil hindi na niya pinipilit ang sarili na mapalapit kay Jeree sa tuwing nagkikita sila, sinadya niya mag-aral sa kung saang school nag-graduate ang daddy niya dahil kahit 'yon lang daw ay may malaman siya sa kaniyang ama," aniko sa magulang ko.
Hindi nakasagot ang magulang ko sa sinabi ko.
"Ba, women jintian yao qingzhu ma?" tanong ng anak niya sa kanya.
(Dad, we going to celebrate today?)
"Of course, baby, we will celebrate." sambit ng asawa niya sa kanilang anak.
Nakita kong napagawi ang tingin nito sa amin.
"Let's go? Ang anak ko ay maghihintay sa atin sa bahay, mom at dad nabanggit niya na kasama niya ang mga kaibigan niya ngayon," aniko nang tumingin ako sa magulang ko.
Tumango sila sa akin at kumaway sila sa kanya na ngumiti lang sa amin.