KABANATA 1

2509 Words
“DOC! Doc! Bilisan mo! May pasyente na tayo!” Mula sa pagkakayukyok sa aking lamesa ay napa-angat ako ng tingin. Para ako'ng nakainom ng sandamakmak na energy booster nang marinig ang sinabi ng assitant ko—si Piyang. Agad kong hinila ang aking Doctor's uniform sa swivel chair at patakbong lumabas ng opisina. “Where‘s the patient?” hinihingal kong tanong kay Piyang. “Nasa emergency room, Doc.” Maagap na tugon niya sakin. “Any symptoms?” Nakasunod sa'kin si Piyang sa paglalakad habang tinitingnan ang kanyang chart. “Ang sabi ng owner Doc ay ilang araw na itong nagsusuka at hinihingal. Nawalan din ng malay bago dalhin dito. Matindi rin ang paglalaway.” She enumerated all the symptoms that I wanted to hear. Mabilis na-diagnosed ng aking utak ang sakit ng pasyente. It was an heat stroke. Sa tindi ng init ng araw ngayon ay may posibilidad na lahat ay tamaan talaga ng naturang sakit. Even the animals are prone to this illness. Natanawan ko sa entrada ng emergency room ang babaeng umiiyak habang hinihimas ang alagang aso. Isa iyong lahi ng chihuahua—the smallest breed of dog. Kaagad na tumayo ang babae nang makita ako. “Doc, please pagalingin mo ang alaga ko...” I hold her shoulders tightly and gave her an assurance smile. “Huwag kang magalala. Mabuti at maaga mo'ng dinala dito ang alaga mo. Your dog is now experiencing the initial symptoms of heat stroke. Na kapag nalate ng madetect ay nagreresulta ng pagkasira ng kanilang internal organs at pagkamatay.” “Ibig sabihin Doc, mabubuhay pa ang alaga ko?” May pag-asang tanong niya. Lumapit ako sa aso at sinuri itong mabuti. Matamlay lang ang aso pero mukhang makakasurvive naman dahil wala pa ito sa last stage ng symptoms. “Definitly yes.” Sinimulan kong punasan ng basang towel ang katawan ng kakawang aso. Inutusan ko rin na kumuha pa ng ice cubes si Piyang at alcohol pad. Paraan iyon para mag lessen ang high temperature na nararamdaman ng aso. Nang matapos kong gawin ang karampatang first aid para sa aso ay sunod ko namang pinalalahan ang dog owner sa mga prevention na dapat nitong sundin. Prevention is better than cure. Hinding hindi ako magsasawang ipaalala iyan sa mga pet owner. Panay naman ang tango niya sa akin habang nakikinig mabuti. Hindi ko na rin pinaconfine pa ang aso dahil baka mas lalo lang itong manghina kapag malayo sa may-ari. After talking to the owner ay pumasok uli ako ng opisina. I rested comfortably my head in the chair at dahan dahan kong ipinikit ang mata. Sakto naman ang pagpasok ni Piyang sa aking opisina ng walang pasabi. “Meryenda ka muna Doc, mukhang napagod ka sa unang pasyente natin.” Sinipat ko ang pagkaing dala niya. Isang juice at lasagna. Kahit pagod ang aking mata at gusto ko pag ituloy ang pagtulog na naudlot kanina mas minabuti ko nalang na kainin ang pagkain na hinanda ni Piyang. “Salamat, Pe,” ani ko sa aking assistant na nakaupo sa maliit na sofa ng aking opisina. Naubos ko na rin ang pagkain sa isang saglit lang. “Galing mo talaga Doc. Hanga talaga ako sayo. Habang tinitingnan kita kanina sa pagaasikaso ng pasyente hindi ko maiwasang bumilib sayo.” Natawa naman ako sa kanyang sinabi. “Talaga ba? Unang pasyente palang natin ‘yon pero bumibilib ka na kaagad?” “Bakit naman hindi? Unang pasyente mo ‘yon sa sarili mong Veterenarian clinic. Ang tagal mo ring nagipon para makapag patayo ng sarili mong clinic noh.” She proudly stated. Si Piyang ay hindi lamang isang simpleng assistant. Siya ang kasa-kasama ko sa Maynila nang magkolehiyo ako. She was a nursing student that time. Ako naman ay Doctor of Veterinarian Medicine ang napiling kurso. Nagkabanggaan lang kami sa hallway then we just clicked right away as a friend. Iniwan ko ang hacienda ng Montevista nang mamatay si tatay para ituloy ang aking pangarap na makapag-aral ng kolehiyo. Dahil kung mananatlili ako roon ay wala ng mangyayari pa sa buhay ko. Kung saan saan ako nagtake ng scholarship sa mga universities para lang makapag aral ng libre pero bigo. Until one sweet day came, may isang sulat na dumating sa boarding house na aking inuukupa at galing iyon sa isang kilalang university. May sponsorship akong nakuha galing sa kanila. Laking tuwa ko ng mga oras na iyon dahil makakapagaral na ako at matutupad na rin ang mga pangarap kong umahon mula sa kahirapan ng buhay. Nagpapasalamat din ako sa napakabait ko'ng benefactor. Kahit hindi ko pa siya nakikita sa tanang buhay ko. Nang nakatapos ako ay nagtrabaho ako ng doble at kumayod ng walang humpay. Sapagkat na sa puso at isip ko parin na babalik ako dito sa probinsya kung saan ako lumaki upang magtayo ng isang clinic. Those blured dreams of mine before are finally became vivid. Naiiling nalang ako kapag naalala ko ang mga sinapit kong hirap. “Sa tingin mo Pe, dadagsain tayo ng mga pasyente rito sa clinic?” I was just curious so I decided to asked what's inside my mind. I'm not questioning my capability but the reality. Korodanal is not just a rural city anymore. Makikitaan na rin ng pagiging urbanisado at moderno ang probinsya. Napapaligiran na rin ang mga building sa kabayanan at hindi na rin siguro mahirap makakuha ng profit. I'm just being practical. Ayoko naman sumugal na alam kong dehado ako sa huli. Dugo at pawis ang puhunan ko sa pagtatayo ng aking clinic. Binigyang pag-asa ko lang ang probinsya na ito dahil malapit ito sa puso ko. “Tingin ko naman, mabisa ang kinuha kong fengshui expert bago tayo nag soft opening.” Matatag na wika ni Piyang sa akin. “Lehitimong chinese fengsui iyon, at hindi lang basta bastang shaman.” I nodded at her as I slowly closed my eyes again. Nakontento naman ako sa kanyang sinabi at isinandal ang ulo sa headrest. Pero bakit parang pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari? SUMAPIT ang closing hour hindi na nasundan pa ang mga pet owner na gustong magpakunsolta ng kanilang mga alaga. May mangilan ngilang nagtangkang pumasok pero para magtanong lang kung magkano ang consultant fee. “Atlis may isa, hindi na rin masama para sa bagong bukas palang na clinic.” Pakunswelo de bobo ni Piyang sa akin habang isinasara ang slinding grills ng naturang lugar. Tumatagos ang liwanag ng sunset sa pareho naming mukha. Tanaw na tanaw mula dito sa aming pwesto ang napakagandang view. Panandaliang lumarawan ang mga nakaraan. “All numbers will always start with one.” Wika ko. Hindi naman ako nalulungkot kahit isa lang ang patient namin kanina. Lahat ng nagsisimula, sumusuot talaga sa butas ng karayom. Bigla nalang pumalatak si Piyang. “Alam mo, why don't we just celebrate today? Kailan ba ang huli nating inom sa bar? Maybe it's time to taste another tons of alcohol.” kumukutitap ang mata niya sa kanyang suhestiyon. Napaisip naman ako. Gusto ko'ng pagbigyan siya ngunit kanina pa sumisipa ang antok sa utak ko. I have so many sleepless night this past few days. Patuloy kasi ang daloy ng mga plano ko tungkol sa aking animal clinic kung kaya't hindi ako maka buwelo ng tulog. Ngayon lang ako makakabawi ng tulog kung saka sakali...sana. “Look Pe, you know how much i wanted to go with you but... I'm really tired and sleepy. All I want is to rest my body and soul.” Apologetic akong ngumiti sa kanya. “Okay. I understand. Sa isang kondisyon, huwag kang magagalit kapag nalate ako bukas ah...” sa tono niya ay parang nagpapaalam siyang mag half day. “Why? Sa bar ka ba matutulog magdamag?” Duda kong tanong. “Nope. Ipapasira ko na kasi ang selyadong hymen ko.” She said boldly na sinundan ng malaswang hagikhik. “Bente otso na ako pero may bar code parin ako. At hindi magandang senyales iyon Heina. Baka tumandang dalaga akong hindi natitikman ang luto ng langit.” Napapailing ako habang nakikinig sa kanya. “Seriously? Bakit doon pa? Sa bar lang ba makikita ang makakasira ng hymen mo?” tanong ko pa. “Sa tingin mo ba, may makikita ako sa simbahan na sasagasa sa p********e ko?” balik tanong niya. “Baka imbis na ma-virginan ako e, maging santa ako ng tuluyan. Gusto ko sa bar para warak kung warak. Madalian, wala ng dasal dasal. Malay mo, doon ko makita ang tadhana ko.” “You desperate b***h!” 'Di ko mapigilang humalakhak. Ibang iba talaga si Piyang kapag hindi suot ang uniforme ng pagiging nurse. “Yes. I admit. I am b***h and horny! Ibandera ang pagiging tigang!” sigaw niya na mas lalo ko'ng ikinaloka. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga pagkatapos sumakit ng tiyan ko kakatawa at dinukot ang wallet sa aking bag. Kinuha ko ang ilang lilibuhin rito at inabot sa kanya. “Tanggapin mo ‘to. Magagamit mo ‘yan pambayad ng hotel. In case lang na, walang pera ang gigiba sa balwarte mo.” Malutong naman ang tawang nakuha ko sa kanya. “Itago mo na nga lang ‘yan. May pera naman ako noh. At saka, 'di ako kukuha ng lalaking walang pera tapos makakalibre lang, kapal niya.” Ang lakas ng tawa naming dalawa habang naglalakad sa kanya kanya naming kotse. Binusina muna niya ang kotse tanda nang pag-alis niya. I even waved at her kahit hindi ko alam kung nakikita pa niya iyon sa side mirror. Pumasok na ako sa kotse at pinaandar iyon pauwi sa aking apartment. Excited na akong itulog ang mga kalibugang narinig ko sa bibig ni Piyang. THE apartment is just a few meter away from my clinic. Hindi inabot ng ilang oras lang ang binilang at narating ko agad ito. Ipinarada ko muna sa bakanteng lote ang aking kotse dahil wala naman parking space ang nirerentahan kong lugar. I didn't bother to switch the light of my apartment as I enter inside. I can see it everything clearly. May konting liwanag naman na binibigay ang buwan na tumatagos sa aking bintana. Kampante ang aking paggalaw habang isa isang hinuhubad ang saplot. Nasa panghuling saplot na ako nang may nakita akong anino ng isang tao. Sa tulong ng buwan ay mas nakikita ko pa'ng lalo ang aninong iyon malapit sa pintuan. Saglit akong kinabahan dahil baka napasok na ng kung sino ang apartment ko. And worst ay magahasa ako. Mas pinanatili ko ang maging kalmado nalang muna at huwag magpahalatang nakikita ko siya. If everything became worst ay baka lalo akong mapahamak. I acted normal. Itinuloy ko ang paghuhubad pagkatapos ay tinungo ang banyo. Binuksan ko ang ilaw roon kasabay ng dutsa. Hinayaan kong rumagasa ang tubig sa aking buong katawan. Sa kabila ng aking kaba ay nagagawa ng tubig pawalain iyon. Nanginginig ang aking labi na hindi ko mawari. Fo god sake! There is someone inside my room! Huwag naman sanag rapist ito or kung ano! Hinahagod ko ang aking katawan nang mapatingin ako sa salamin. Ganoon nalang aking gulat nang makitang bukas na ang pinto ng CR at isang pares ng mga mata ang nakikita kong madilim na nakatunghay sa akin. Kinilabutan ako nang makita ko ang kanyang pagngisi. Taranta kong nahila ang tuwalya sa aking gilid at itinakip sa aking katawan. “Y-You!” sigaw ko sa lalaking maangas na nakatayo sa aking harapan. I will never forget this man. How can I forget him? He's one of the famous heir of Montevista clan! Walang iba kundi si Dylux Montevista. “Why you so shocked? Don‘t you miss me?” aniya at marahang lumapit sa akin. “You've changed so much. Hindi na ikaw iyong dating dukha na nakikita ko kamalig.” Tomotore ngayon ang kanyang katawan sa akin. Napakatangkad na niya kumpara noon. Para siyang higanteng nakatingin sa isang kuting. “Ba-bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?” Gulat kong tanong. He tilted his head, still eyeing me. This is ridiculous! Miski sa hinagap ay hindi ko nakikita ang sarili kong nakikipagusap ulit sa kanya o makipagtitigan man lang ng ganito! “I have my own pretty ways...” aniya at kumalansing ang susi sa kanyang daliri, nilalaro ito. Tila ba ipinagmamalaki pa ang kanyang pamamaraan. “Ano bang kailangan mo? Bigla ka nalang sumusulpot! Kina-career mo na rin ba ang pagiging rapist?” nagpupuyos ko saad sa kanya. He even have the guts to smile devilishly. Napaatras ako nang mas lumapit pa siya. “Rapist? Iyon na ba ang tawag kapag naningil ng pagkakautang sa isang tao?” “U-Utang?” Basa at malamig na tiles ang bumanda sa aking likuran. Wala na akong aatrasan pa. “Yes. Your debt has been reached the maximum level of interest.” Nanunuya niyang nilapit ang mukha sa akin. Sa kanyang itim na balintataw ay nakita ko ang sariling repleksyon. Hubad at hindi makapaniwala. “Ano ba ang pinagsasabi mo?! Wala akong pagkakautang sa‘yo!” Kaagad na napipil ko ang labi nang lumapit ang bibig niya sa dulo ng tainga ko at mapaglarong kinagat-kagat. Marahas akong napasinghap at napatakip ng bibig. Ilang boltahe ng kuryente ang nagunahang umalpas sa katawan ko. Nagumpisang mag-alab ang init sakin. “Gusto mo pa ba‘ng ipaalala ko sayo kung paano at kailan ka natalo sa pustahan?” Nararamdaman ko ang mahinang buga ng hininga niya sa aking balat. Hanggang sa umangat iyon sa aking mukha. Isa-isang lumarawan ang mga ala-ala ilang taon ng lumipas. Isang pustahan at ako ang pobreng talunan. “Bakit ba kailangan mo pa akong guluhin at pasukin rito? Kaya kong magbayad!” Isinangga ko sa nakalapat niyang didib ang aking siko. Tila bakal itong hindi natinag. “Bayad? Lubog na lubog ka na sa pagkakautang sakin Heina. Tingin mo makakabayad ka pa? Hindi na. Sisiguraduhin ko'ng, hindi kana makakaahon pa,” bulong niya lamang iyon ngunit naghatid iyon ng ilang daang kilabot sa balahibo ko. He pushed away himself from me. Harabas niya akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakagat ko naman ang labi nang pumasada ang tingin ko sa kanyang pigura. Lihim akong napamura sa kagandahang lalaki niya. Mas lalo siyang naging kaakit akit sa mata ko ngayon. Mas lumaki ang kanyang katawan at mas naging karismatiko. Naging firm ang bawat sulok ng kanyang mukha. “A-anong klaseng pag-iisip yan? Mga bata pa tayo no'n. Hindi mo dapat seneseryoso ang pustahan na ‘yon.” Nagiwas ako ng tingin at hinigpitan ang pagkakahawak sa tuwalyang bumabalot sa akin. Pakiramdam ko ay sinusunog ako ng kanyang mga tingin. “As I've told you before, it's not just an ordinary bet for me. It's more than that.” Madiin niyang sabi bago binato sa akin ang isang damit na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Nasalo iyon ng mukha ko. Napasimangot ako habang nagngingitngit ang loob na isinuot iyon. “Fix yourself and we're going to talk...” ma-otoridad niyang utos bago ako binigyan ng madilim na sulyap. “About us.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD