KABANATA 2

2099 Words
“MANANG! Manang!” kalampag ko sa pintuan ng aking landlady. I am so pissed right now. Sinadya ko talaga siya rito sa apartment unit niya kahit gabi na, para kausapin at malaman kung bakit biglang nalang sumulpot si Dylux sa unit ko. He's a tresspasser and an asshole for being invador to my privacy. Idagdag pa na, binosohan niya ako! I should sue him!  Sa wakas ay bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng naka-cream facial mask. “Doctora, napasadya ka. Anong kailangan mo?” Hindi ko maulinigan ang reaksyon nito sapagkat ang kapal ng inilagay niyang mask sa mukha. Semento ata iyon at hindi facial mask. “Manang, naman. Bakit niyo naman po pinahintulutan ang lalaking iyon na ibigay ang duplicate ng susi sa unit ko?" Pagmamarkulyo ko sa kanya. Wala sa kontratang pinirmahan ko na basta-basta na lang niyang ibibigay kung kaninong estranghero ang duplicate ng susi. “Eh kasi iha—” Magsasalita pa lamang ito nang rumepeke na naman ang aking bibig. “Alam niyo po ba ang ginawa sakin ng lalaking iyon? Binosohan lang naman ako!” Mangiyak-ngiyak na ako sa harapan ng landlady. Napapadyak pa ako dala ng frustration. “Nagawa niya ‘yon? Ang sabi ni, Mr. Montevista ay fiance ka niya kaya bakit ka niya bobosohan?” Muntikan na akong tumimbuwang sa narinig. Fiance ako ni Dylux? Paano at kailan? Kaninong tadyang niya hinugot ang kasinungalingan na iyon? “Naniwala naman po kayo sa kanya? Kahit gaano pa ka-gwapo ang lalaking iyon hindi dapat kayo basta-basta naniniwala.” Panibagong tadyak na naman sa sahig mula sa aking mga paa. Hindi ko maiwasan manggalaiti. Kung makikita lang ako ng ibang tao ay aakalaing isip bata ako. Pero, pinaguusapan ang dignidad ko dito. Nasilayan ng lalaking iyon ang puri ko! “Makinig ka muna sa akin, iha. Kumalma ka.” Sa wakas ay sabi ng landlady. “Hindi ka nakapunta ng mag pa-meeting ako sa mga tenants kanina. Kaya hindi mo alam na ang lalaking sinasabi mo‘ng pumasok sa kwarto mo, ang bagong may-ari ng buong apartment na ito.” Natigil ang pagpadyak ko. Tila umurong ang sipon ko sa pagtulo. Panandaliang namayani ang ingay ng mga kuliglig sa paligid. “S-seryoso po ba ang sinasabi niyo?” Pagsisigurado ko. “You heard it right.” Mula sa kung saan ay sumulpot na naman ang barotinong tinig na iyon ilang metro ang layo sa amin. Si Dylux na nakasandal sa balkonahe. Standing like a gorgeous god from Athens. Pinatapon para maghasik ng ka-gwapuhan sa buong sangkatauhan. Eksaheradang inismiran ko siya upang itago ang mga papuring naglalaro sa aking isip. “I owned this apartment from now on,” aniya, kalakip ang pagyayabang. “So? Kahit ikaw pa ang may-ari ng  spratly islands wala ka paring karapatang pasukin ang kwarto ko dahil nakapirma ako ng kontrata!” “I don't care about the contracts. Kaya kong pira-pirasuhin ang papel na 'yon. I have all the rights. Binigay mo na sa akin lahat ng karapatan noon pa.” Habang sinasabi niya iyon ay naramdaman ko na wala na akong magagawa pa. Na para bang nabili na niya ang buong pagkatao ko. “Nakakainis ka!” tili ko. Nilampasan ko siya sa abot ng aking makakaya pero isang hakbang lamang niya ay agad akong naabutan. Hinablot pa ang aking braso. “Don't walk out on me when I‘m talking to you!” he hissed. Nagdala iyon ng panginginig sa'kin. Isang malalim na tinig at babala sa dulo. Naumid ang aking dila nang makita ang nakakamatay na tingin niya sa'kin. “I told you that we need to talk...about us.” Nanunuot ang init ng mga tingin niya sa akin. Nakita ko ang paglandas ng pilit na ngiti sa sulok ng kanyang labi. I dont know if it just me, but i can see how lonely his eyes is. It's like they are begging for legit love and care. “B-bakit ka kasi nanghahablot e, maguusap lang naman pala. Tara usap tayo.” Saad ko nang makahuma at mabilis na naglakad. Nasapo ko ang noo habang sunod sunod na mura ang pinaulan ko sa isip. Nang makabalik sa unit ko ay agad akong dumeretso sa ref para uminom ng malamig na tubig. Somehow, naipababa nito ang tensyon sa aking dibdib. Ang akala kong mapayapang pagtulog ay isa palang disaster sa piling ng damuhong si Dylux. Bakit ba ako napadpad sa ganitong sitwasyon? Nang dahil sa lintik na pustahan na iyon ay mukhang mapapahamak pa ata ako. Pustahan na hindi ko inakalang uungkatin pa dahil larong potpot lang naman iyon. “Are you calm now?” Gumapos ang mga braso ni Dylux sa aking baywang. Parang ahas na pumulupot sa aking katawan. Napataas na naman niya ang lebel ng aking tensiyon at kumabog na naman ang tambol sa aking dibdib. Humigpit iyon nang mag-tangka akong pumiglas. Sinong kakalma sa ganitong lagay? “Ang sabi mo, usap lang. B-bakit kailangan may ganitong ganap?” “Masasanay ka rin. Hindi lang ito ang makikita mo sakin.” Ipinatong niya ang mukha sa ibabaw ng aking balikat. Nasipat ko ang itsura namin sa harapan ng salamin. Para kaming si Eba't Adan na gagawa ng kasalanan. “Mag hunos dili ka nga muna...” ani ko at tinanggal ko ang braso niyang nakalingkis sa akin. “Mag-usap muna tayo tungkol sa sinasabi mo.” His lustful images turns into emotionless beast. Pinagitan niya ang dalawang kamay sa akin. I am now his prison. Refrigerator naman ang nagsilbing sandalan ko. “Hindi mo pa rin talaga naiintindihan Heina? Naniningil na ako ng utang mo ten years ago. And don't ever think that's a joke.” Babala niya. Napalabi ako. Disidido talagang singilin ako sa pagkakautang ko'ng hindi naman nailista miski sa tubig. It was a worthless bet. “Fine. Magkano ba ang kailangan ko'ng bayaran para manahimik ka na? Willing to pay naman ako. Iyon nga lang, hindi isang bagsakan, baka pwede namang installment muna.” Pagsuko ko. Ang mayayaman talaga, gusto pa lalong yumaman kahit na umaapaw na ang mga salapi. “Tingin mo talaga pera ang kailangan ko?” aniya. Napalunok na naman ako dahil bumababa ang kanyang labi sa aking leeg. “I am richer than you think. Iba ang kailangan ko. At ikaw lang ang makakapagbigay sakin no'n.” Lumandas ang labi niya sa aking leeg at marahang sinisipsip iyon na tila isang uhaw na bata na kulang sa gatas. Sinisilaban naman ang aking katawan sa init na nagsisimulang tumupok sa loob ko. Dylux is making his own fire at baka kapag nagtuloy-tuloy ay hindi ko na mapuksa. “Mas maigi kung lilinawin mo. Hindi ako manghuhula para hulaan kung ano ang gusto mo'ng palabasin,” usal ko sa mahinang tinig dahil hindi ko mapigilan ang  mapasinghap nang kagatin niya ang nape ko. Nagdulot iyon ng kakaibang sarap sa pakiramdam. Tinatakam ng kanyang mga mumunting halik ang gilid ng labi ko. Inaamin kong nadadala naman ako sa ginagawa niyang pang-aakit. Ang matipuno niyang dibdib ay idinidikit niyang lalo sa akin. Matigas iyon at mabango. Naramdaman ko naman ang isa niyang kamay na humahaplos sa tiyan ko paitaas sa aking dibdib. Pumasok ang kamay niya sa likod ng aking bra at narinig ko ang malakas na paglagatik ng strap ko. Mukhang sinira ata niya. Parang nangamatis ang pisngi ko sa ginawa niya. Lumuwag ang pagkakakapit ng bra ko sa aking dibdib at malaya niyang nahahaplos ito. Nakagat ko ang ibabang labi sa sensasyong naguumalpas. Kusang umangat ang mga braso ko sa kanyang leeg upang ilapit pa siya sa akin. “Nauuhaw ako...” bulong niya pagkaraan ng sandali sa aking tainga. Umawang naman ang bibig ko nang buksan niya ang pinto ng ref na sinasandalan ko, bahagya pa akong natabig niyon. Walang bakas ng kung ano ang emosyon niya habang tinutungga ang pitsel ng tubig. Natameme ako at inis na tinungo ang sofa. Shutakels, nakakahiya! I almost beg for more. Tigang na tigang na ba ako? Bakit ang dali ko'ng bumigay sa mga halik at hawak niya? Lumubog ang sofa nang umupo siya sa tabi ko. Umurong ako. “Pwede ba Dylux, sabihin mo na ang kailangan mo. Gusto ko ng magpahinga. Maraming pasyente ang nakaschedule sakin bukas.” Pagsisinungaling ko pero sana magdilang anghel ako at dagsain kami sa clinic. “You mean, those animals?” at saka niya pinulot ang Doctors uniform ko na nakakalat sa sahig. Naka-indicate sa patch nito ang specialization ko. Inirapan ko siya ng ilang degrado. Padarag kong inagaw sa kamay niya ang uniporme ko. Naiinis na talaga ako sa kanya dahil ginagawa niyang laro ang pang-seseduce at ang mas kinasama pa niyon ay bumibigay ang katawang lupa ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at maangas na sumadal sa sofa. “I'm sick, Heina.” Marahas ang ginawa kong paglingon sa kanya. Hinintay ko kung tatawa ba siya pero hindi, matigas ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin. I examined his body. Hindi naman siya makikitaan ng sakit. Bulky ang mga muscles niya sa katawan pero may napuntahan akong seminar dati na ang mga terminal patients daw ay hindi ipinapahalatang may taning na ang buhay nila. Maybe in Dylux case, ay ganun rin siya. “Anong stage na?” kaswal kong tanong. Itinago ko ang panghihinayang sa boses. Sayang ang isang ito, marami pa sanang magagandang lahing mapoproduce pero heto at mamamatay na. “What stage you are talking about?” Salubong ang kilay niya. Nakakaunawang nginitian ko siya. “Doctor ako Dylux. At naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Kalimitan talaga sa mga terminal patients na kagaya mo ay indenial parin.” He stared at me as if i said something horrible. “I know my case, Heina. At isa pa, doctor ka ng mga hayop at hindi ng tao, paano mo maiintindihan ang sakit ko?” Pinakalma ko ang sarili sa nagbabadyang pagkainis. May sakit siya at mamatay na. Intindihin ko nalang. Iritable talaga ang mga taong may pinagdadaanan. “Pareho lang iyon no. May animal instinct rin ang mga tao tulad ng sa hayop. Kaya sabihin mo na kung anong stage na ng cancer ang sakit mo.” Pilit ko'ng usisa. “You thought I have a cancer?” aniya na malapit ng matawa. “Hindi ba?” “Damn! You got a wrong conclusion Heina!” he laughed at me while holding his tummy. Napakurap-kurap ako sa kanyang pagtawa. First time kong makita siyang tumawa ng ganito ka careless. Panandaliang nawala ang dominanteng awra niya. “Ano ba talaga ang sakit mo?” kapagkuwan ay tanong ko ulit. This time I'm serious. Hindi dapat tinatawanan ang mga ganitong usapin. He became serious either. “Impotence,” diretsong sabi niya ng walang kagatol gatol. “Baog ka?” bulalas ko. Napatikhim siya. “Don't take it literally Heina. Kaya ko parin makabuntis ng babae kung gugustuhin ko pero ang problema... wala sa mga babaeng nakakadate ko ang...” “Hindi ka tinatayuan.” Mabilis kong analisa sa kanyang pahayag. Obviously, he has erectile dysfunction. Now I get it! Mas malala pa sa cancer ang problema niya. Gusto kong matawa. Isang sumpa sa puri ng kalalakihan ang dinadanas niya. “Kailan pa nagsimula iyan?” Kuryuso kong tanong.  Tinaasan niya ako ng kilay habang tinatantiya ang sasabihin. “When I was in college. It was an accident. Nagkaroon ng karera ng kabayo ang buong angkan namin at isa ako sa mga kasali. Hindi sinasadyang nahulog ako sa gitna ng laban. Sakto naman ang pagdating ng sinasakyan na kabayo ng pinsan ko at hindi na niya nakontrol pa at naapakan nito ang p*********i ko.” Sunod sunod ang pagtango ko. Mahilig parin pala siya makipagkarera. Nagsimulang umusbong ang simpatya ko para sa kanya. “Alam ba 'yan ng parents mo?” “No and I don't have plan to tell them.” “Kung ganon, ano ang kinalaman ko sa sakit mo na ‘yan? Doctor ako ng mga hayop at hindi ng...” hindi ko maituloy ang sasabihin dahil parang bumabara sa bibig ko ang imahinasyon ng kanyang p*********i. “I wan't a child. And no one can do that but you, only you, Heina.” Walang hiyang deklara niya. “Sa ganung paraan ka lang makakabayad sa'kin.” Laglag ang panga ko sa narinig. Hinayaan ko munang salain ng utak ko ang mga salitang sinabi niya. Gagawin niya akong factory ng mga magiging anak niya? Ano ako? Guinea pig? Di ata't tumirik pag function ng utak ko. Every words that he said was absurd and unacceptable! “Why me?” “Because you can easily make me aroused with just words.” Mabilis na nag-panting ang tainga ko at saka nagpakawala ng malulutong na mura. “Bwisit ka, labas! Lalabas ka o puputulin ko ‘yang p*********i mo ng hindi mo na talaga mapakinabangan!” Wala akong pakialam kung marinig man ng kapitbahay ang pagsigaw ko. Mabilis naman ang naging pag-ilag niya nang batuhin ko siya ng figurine. “s**t! Muntik na ako dun!” Matigas niyang mura pagkatapos ay kumaripas ng takbo sa pintuan. “Bastos!” nahablot ko naman ang malaking vase at akmang ibabato ulit sa kanya pero nagsalita ito. “f**k!” Ganting mura niya. “You cannot say no to me, woman! If you keep refusing, you'll gonna taste your nightmare, tomorrow!” Banta niya bago padabog na isinara ang pinto. That manwhore! Ang lakas ng loob bantaan ako! Wala na ngang kakayahang tayuan, napakabastos pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD