"Being able to stare at you like this is a dream come true to me." Napabuga ng marahas na hininga si Raizel nang hindi nito namalayang natulala siya habang pinagmamasdan ang asawa. Oras pa lang ang nakakalipas pagkatapos nilang sumakay sa isang private plane pero nawala na siya sa sarili. Fvcking sh't! Mabilis na nanlamig ang tainga nito nang lumingon si Lucy at puno ng pagtataka itong tinitigan. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Muntik na siyang mapamura habang pinagmamasdan ang galaw ng labi nito. Parang gusto niyang sigawan ang piloto na mas bilisan ang lipad ng eroplano at nang magawa na nito ang gusto niyang gawin kay Lucy. Iniyukom niya ang kamao saka mabilis nag-iwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi walang araw na hindi siya natutukso sa kagandahan nito? "Nothing. I'm just t