[Lucy's POV] Kahit sabihing madalian ang kasal naming dalawa, alam kong malaki pa rin ang ginastos nito para sa mga palamuti at reservation ng chapel. At kung hindi ako nagkakamali, hindi man lang umabot ng bente ang mga taong dumalo sa kasal namin at mukhang mas madami pa ang mga tauhan nitong nagbabantay mula sa loob at labas ng simbahan. Nalalapit na ang oras kung kailan mangangako ako sa harapan ng Diyos na mamahalin at pagsisilbihan ang lalaking mamahalin ko habambuhay. I should be happy but I can't. Sinubukan kong ngumiti ngunit hindi ko magawa dahil ramdam kong nakatuon sa akin ang paningin ng lahat habang naglalakad ako papunta sa altar kung saan matiyagang naghihintay si Raizel. Nakatingin sa akin ang pamilya nito, lalo na ang mommy niyang si Ma'am Christy at ang kanang kamay