[Lucy's POV] "Siguradong magtataka ang mga tao kung bakit naka-wheelchair na akong lalabas ng hotel," madiin kong sabi habang masama ang tingin sa kanya. Maaliwalas naman ang mukha nitong humarap sa akin kahit kulang na lang may lumabas na liwanag sa likuran niya at kaladkarin ito papuntang langit. Happy and fresh 'yan dahil nakapag-change oil? Mas lalong sumama ang timpla ko dahil ako lang talaga ang mukhang haggard sa aming dalawa. Hindi ba dapat fresh din akong tingnan dahil ako naman ang nadiligan sa aming dalawa? Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinitingnan ang aking sarili, mahapdi pa rin ang pagitan ng hita ko at kulang na lang humiwalay ang mga buto ko sa tadyang. "You're with a Mafia Lord. They don't have the right to ask why. This is my world, my rules, Lucy," may