[Lucy's POV] Hindi ko inaasahang gano'n ang magiging reaksyon ng kanang kamay nitong si Trace sa una naming pagkikita. Sadya namang kinilabutan ako sa mga tingin n'ya at hindi ako makapaniwalang kabaliktaran ang ugali nito sa mga nabanggit ni Calix kanina. Pero sa kabila no'n, alam ko namang ginagawa nito ng mabuti ang trabaho n'ya bilang kanang kamay ni Raizel at hindi siya tulad ni Calix na puro babae lamang ang inaatupag sa isang tabi. Masyado lamang itong seryosong tingnan kaya siguro napaka-intimidating ng dating n'ya kanina. "Should I prohibit you from staring at other people while you're me?" aniya saka madiing napaigham sa tabi ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang manahimik at maglakad na lamang sa tabi nito kahit nahihiwagaan pa rin ako sa katauhan ng kanang kamay n'ya.