[Lucy's POV] Naging alerto ang isip ko sa anumang pwedeng mangyari, hindi tulad ng mga lalaking nasa tabi ko na walang ibang ginawa kung hindi ang magbangayan. Mahal ko pa ang buhay ko, noh! Hindi ako pwedeng mamatay ng hindi ko nakakamit ang mga pangarap ko sa buhay, at kahit sabihin nasa wastong edad na ako ay ngayon pa lamang nag-uumpisa ang buhay ko mula sa pagiging breadwinner ng aming pamilya. "Pwede bang huminto muna kayong dalawa? Mamamatay na tayong lahat pero enjoy na enjoy pa rin kayo sa pagbabangayan." Bumuga ako ng marahas na hininga habang nakatuon pa rin ang paningin sa pinakahuling lalaking pumasok ng venue. Sa klase ng pananamit at angas pa lamang nitong gumalaw ay hindi maipagkakailang siya ang leader ng grupong pumasok kanina. May tattoo din ito sa kanang kamay na h