[Lucy's POV]
"What the hell! Why are you stripping?" galit na bulyaw ng amo ko kasabay ang malakas na paghagis sa hinubad kong white bodycon dress pabalik sa akin.
Natamaan pa nito ang balikat kong presko pa ang sugat mula sa tattoo na ipinalagay niya sa aking balikat. Wala naman akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto nito dahil kasama iyon sa requirements na hiniling niya bago ang una naming pagkikita.
Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nagkamali ako nang iniisip. Akala ko isang spoiled brat or teenager ang magiging amo ko ngunit iyon pala ay ang panganay na anak ni Ma'am Christy na si Raizel Blaire Sebastian.
Napahawak na lamang ako sa hubad kong dibdib while staring at his back. Mabilis siyang naglaho sa paningin ko at iniwan akong mag-isa sa loob ng isang condo unit na pinagdalhan nina Ma'am Christy sa akin pagkatapos n'yang mabayaran ang hospital bills ng Mama ko.
Mali ba ang pagkakaintindi ko nang sinabi n'ya sa aking, "I'll let you meet my son? I hope you'll have a good time?"
Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Patakbo kong hinabol ang bago kong amo dahil alam kong hindi maaring mawalan ng bisa ang pinirmahan kong kontrata sa pamilya n'ya.
"Ano bang problema ng lalaking iyon? Napakainit ng ulo!" naiirita kong sambit sa sarili.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa labas ng ground floor ng condo building.
Hindi ko maipaliwanag ang kahihiyang nararamdaman ko ngayong nakabukas sa harapan ko ang pintuan ng isang pulang limousine. Seryoso namang nakatingin sa akin ang masungit kong amo na si Raizel Blaire Sebastian.
Mukhang tama nga ang sinasabi nilang first impression lasts, dahil napakasungit lang naman nito sa personal at kahit titig pa lang ay sadyang mangangatog na ang mga tuhod mo sa takot.
Siya lang naman ang kinatatakutang Mafia Lord sa aming lugar, ang tagapagmana ng Sebastian Group of Companies at ang nagmamay-ari ng RBS Construction Firm.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, mukhang siya rin ang lalaking magpapahirap sa buhay ko.
Bumalik lamang ako sa aking sarili nang mapansin kong nagtaas siya ng isang kilay at tinapik nito ang bakanteng pwesto sa tabi niya. Tahimik naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo sa tabi nito. Sinigurado ko pa ngang mabuti na may distansya sa pagitan naming dalawa dahil ayokong mahawa ng magaspang n'yang ugali.
Mahirap na at baka mamaya nakakahawa pala ang kasungitan ng lalaking ito.
"Hey, you!" Parang sasabog yata sa kaba ang puso ko dahil sa bigla n’yang pagsinghal sa akin.
Napatingin lang ako sa direksyon nito saka lihim na napasinghap. Sinadya kong tumagos ang titig ko dahil hindi ko kayang tumingin sa mukha nito, lalo't higit sa nakakakilabot niyang mga mata.
Magkasalubong kasi ang makakapal n'yang kilay at masama itong nakatingin sa akin.
May nagawa ba akong mali sa kanya? Nababasa kaya nito ang iniisip ko? Impossible!
"Sit on my lap!" madiing utos n'ya na ikina-bagting ng aking tainga.
Nanlaki agad ang mga mata ko.
"Ano?!" Bahagya pang napataas ang boses ko dahilan para biglaang tumigil ang sasakyan sa isang tabi.
Syet! Pakiramdam ko'y katapusan ko na.
Takot ang unang naramdaman ko nang may tumutok sa aking mga baril. Sandali pa akong nagpigil ng hininga habang nanginginig na pinagmamasdan at pinakikiramdaman ang mga taong may hawak ng baril saka ako napapikit at taimtim na nanalangin.
"Diyos ko! Ano ba itong napasok ko?" bulong ko sa aking sarili. "Alam ko namang pamilya sila ng mafia at normal na sa kanila ang ganyan pero ang maranasan kong matutukan ng armas, Diyos ko! Hindi ko na alam!"
Napalunok ako saka dahan-dahang lumapit kay Raizel. Mabilis naman akong naupo sa kandungan nito habang nakatuon ang kanyang mga daliri sa sentido nito at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
Mayamaya pa, I heard him chuckle saka siya sumenyas sa mga tauhan n'ya. Isa-isa naman nilang ibinaba ang mga hawak na armas.
Para naman akong nabunutan ng tinik. Halos sumabog ang puso ko sa kaba kanina. Alam ko kasing isang maling galaw ko lang at maaari kong ikamatay ang naging desisyon ko.
Kung hindi ba naman kasi maliit ang sahod ko sa kompanyang pinasukan ko noon. Overworked na nga, underpaid pa at mas lumala pa ang sitwasyon nang magkaroon ng malubhang sakit si mama.
Pero sa kabila ng takot na nararamdaman ko ngayon, hindi mawala sa isip ko ang maganda at maaliwalas na mukha ni Ma'am Christy nang tinulungan nito ang pamilya ko.
At bilang kapalit, ninais kong magsilbi sa kanila bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanya. At ayun, ang inialok n'ya sa akin ay ang trabaho na maging tamer ng anak nito.
She was so happy when I accepted the offer dahil matagal na raw siyang naghahanap ngunit walang may gustong tumanggap kahit anong laki ng sahod.
Syempre ako namang hindi nag-iisip, grab agad! Mabilis pa sa alas-cuatro ko itong tinanggap sa pag-aakalang bata lang ang aalagaan ko. Hindi ko naman alam na ang panganay niya pa lang anak ang kailangan kong paamuhin.
"You better be careful, babe. Nakamamatay magulat ang mga tauhan ko."
Napalunok ako dahil sa sinabi niyang 'yon. Mahal ko pa ang buhay ko at kahit anong mangyari ay tutuparin ko ang pangako kong babalik ako ng buhay sa aking pamilya at nang mayroong narating sa buhay.
"Bagay pala sa 'yo ang tattoo na ipinalagay ko."
Nabigla ako nang maramdaman kong nakasandal na ang ulo nito sa aking balikat. Hindi ko man nakikita pero alam kong nakatingin nang mabuti ang mga mata nito sa tattoong ipinalagay niya.
Kunot-noong napapikit na lamang ako nang lumapat ang daliri nito sa kinaroroonan ng tattoo.
Gusto kong maihi dahil sa ginagawa n'ya. s**t na malupit! Ang sakit! Presko pa ang sugat niyan, mahal na mafia lord!
"I can't wait to examine you later."
He grinned and the next thing he did was unexpected. Hinalikan lang naman nito ang kinaroroonan ng tattoo ko.
"You're a Mafia Lord's tamer now. Do you have any request?"
My heart skipped a beat nang marinig ko ang sinabi n'ya. Hindi na lamang ako umimik dahil mas naunang nanginig ang buong kalamnan dala ng matinding takot sa kanya.
Parang inabot din ng kalahating oras ang byahe bago namin narating ang mansyong pagmamay-ari nito. Sinalubong pa kami ng mga nakapilang kasambahay pagpasok namin sa loob.
Daig pa nito ang isang convention hall sa lawak ng sala, at ang bawat sulok ay mayroon ding naglalakihan at makikinang na chandeliers na ayon sa isang kasambahay ay gawa sa tunay na crystals. May dalawang hagdan sa dulo ng palapag at mga paintings na nakasabit sa pader.
Nakalululang pagmasdan ang paligid at halos mabali na rin ang leeg ko sa paglingon at pagtingin-tingin sa mga muwebles at dekorasyon na aming nadaanan.
Hindi pa rin tuluyang nagsisink-in sa utak ko na I will live inside this place. Mula sa isang payak na pamumuhay at isang kahig, isang tuka ay makapagtatrabaho ako sa ganito kayamang pamilya.
Ano nang mangyayari sa buhay ko ngayon? How will I serve him? How can I repay his mom?
Magiging katulong din ba ako rito o magiging personal assistant n'ya?
Ano ba ang ginagawa ng isang tamer? Kailangan ko bang kumembot nang kumembot para pakalmahin ito?
Argh! Naloloka na ako sa dami ng tanong na gumugulo ngayon sa isipan ko.
"Uhm... Can I ask you something, Mr. Sebastian?"
May pag-aalangan sa tono ng boses ko ngunit gusto ko ring malaman kung ano ba talaga ang magiging role ko sa buhay nito.
"Ano pong kailangan kong gawin simula ngayon?" Natatakot man ay nilakasan ko na ang loob ko. Mas mabuti ng alam ko kung saan ako lulugar, 'di ba?
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako ng may baong ngiti sa labi.
"Wala," naniningkit ang mga mata n'yang tugon.
"Anong wala? Magagalit po ang mommy n'yo sa akin. Hindi pwedeng—"
Natigilan ako nang mapansin kong kumunot ang noo ni Raizel.
Na-trigger ba siya dahil sa tanong ko?
Hello! Gusto ko lang naman malaman kung ano ba ang magiging trabaho ko dahil parang napaka-vague naman yata ng salitang tamer.
"Tss. Follow me. I'll show you my room," saad n'ya habang nakapamulsa na naglalakad.
Mabilis ko naman siyang sinundan ay baka mamaya salvage pa ang abutin ko sa mga katulong n'ya tulad ng nangyari kanina sa sasakyan.
Hindi pa man kami nakakapasok sa kwarto nito ay ramdam ko na ang namumuong tensyon sa paligid. I can even hear my own footsteps, nakikipagkarera ito sa bilis ng t***k ng puso ko.
What will he do to me? Bakit dadalhin n'ya ako sa kwarto n'ya at hindi sa magiging kwarto ko?
Masyado yatang malalim ang mga iniisip ko at hindi ko na namalayang nasa isang sulok na kami ng mansyon.
"Dalhin mo na lang ako sa kwarto ko," mahinang ang boses kong sabi sa kanya.
Biglang napahinto si Raizel sa paglalakad at mabilis na humarap sa 'kin. Gagawin n'ya ba ang request ko kaya s'ya humarap?
Inalis n'ya ang isang kamay na nakapamulsa sa kanyang pantalon and lightly scratched the tip of his nose.
He let out a sigh and smirked. "You'll be staying in my room. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko kanina? I'll examine you tonight."
Humakbang pa ito papalapit sa akin na siya namang awtomatikong pag-atras ng mga paa ko. Napasandal na lamang ako sa malamig na pader at namilog ang mga mata, when he suddenly leaned on the wall.
His free arm blocked me from escaping his clutches. He went in closer at ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa.
Ramdam ko ang malalim niyang paghinga at napagmasdan ko ring mabuti ang labi nito na sobrang lapit na sa akin.
Magsasalita pa sana ako nang walang pasabi nito akong siniil ng isang mapusok na halik. Hindi ko maipaliwanag ngunit para bang uhaw at sabik ang mga labi n'yang inangkin ang bawat sulok ng bibig ko.
Ang mga kamay naman nito ay nagsimulang himasin ang batok ko at ramdam ko ang dahan-dahang pagbaba ng mga palad n'ya hanggang sa tumigil ito sa aking puwitan. Walang anu-ano'y pinisil n'ya iyon dahilan para magulat ako.
Nagpaulit-ulit s'ya sa kanyang ginagawa. He groped me. He grabbed one of my breasts. May panggigigil ang ginagawa n'ya sa aking katawan, na tila ba sinusukat talaga nito kung tatagal ba ako sa anumang naisin n'ya.
Hindi nagtagal ay umakyat na ang init ng palad nito papunta sa hita ko. Pinisil n'ya iyon nang dahan-dahan, dinama at hinimas pang muli ang aking balat.
He was about to touch me there when I heard a groan from him.
Mabilis siyang huminto. Nagbago bigla ang ekspresyon ng mga mata nitong nakapako sa akin. It became dark and emotionless...pero halatang nagpipigil pa rin ito.
In a serious tone, he whispered.
"How do you want me to change your life, Lucy?"