[Lucy's POV]
“Masaya ka bang maging member ng family namin, Lucy?” nakangiting tanong ni Ma’am Christy nang inilapag nito ang ginawa n'yang strawberry moist cake sa gitna ng dining table.
“O-opo.” Muntik pa akong masamid habang umiinom ng tubig dahil sa pagsisinungaling ko.
Kung alam niya lang, abot na hanggang pantog ang nerbyos na naramdaman ko ngayon dahil napapalibutan na naman kami ng mga katulong ni Raizel.
What's more? Kailangan ko pang maupo sa tabi n'ya habang nasa likuran namin ang mga bodyguard nito. Wala din naman akong ibang choice kung hindi ang sumunod sa kanya at baka mas lalo pa akong malintikan mamaya.
Mabuti na lang at naisipan ng mommy nito na bumisita sa unang araw ko sa mansyon ng kanyang anak. Kahit papaano tuloy ay nagkaroon ako ng pag-asang magiging maganda at tahimik ang araw na ito.
Ang malala pa doon, nagmistulang fiesta ang dami nang ipinahanda ni Ma’am sa “Welcome and Thanksgiving party” na ayon sa kanya ay ginawa nito para sa akin.
Kung alam lang siguro ni Ma'am Christy kung ano ang mga nangyari kahapon, baka himatayin siya sa sobrang stress Malala pa naman sa pinakamalala ang ginawa ng anak n'ya.
Bahagya na lamang akong napailing habang tinutusok ng tinidor ang marble potatoes sa plato ko. Bumabalik kasi sa isipan ko ang lahat ng nangyari, sadya namang tinakot ako ng sobra ng anak nito hanggang sa hinliliit ng mga paa ko.
Pwede pa ba akong umatras? Pwede pa bang bawiin ang tulong na ginawa nila sa akin? Kasi pakiramdam ko ngayon, mali yata ang naging desisyon ko sa buhay.
Bigla na lamang akong napahinga ng malalim na siyang ikinalingon ni Raizel dahil napalakas pala ang boses ko. Natigilan pa ito at pinagtaasan ako agad ng isang kilay. Literal na ma-attitude talaga ang lalaking ito.
"What?" he mouthed.
Napatingin din ako sa kanya. "Wala," bulong ko sa harapan nito.
“Ngayon ko lang nakitang ganyan kasaya ang anak ko. Thanks for making him happy, hija,” nakangiting sabi ni Ma’am Christy.
“Kasi po may…”
Halos bumara na sa lalamunan ko ang karne na nilunok ko dahil sa sama ng titig sa akin ni Raizel.
As if sinasabi nito sa aking, talk about me and you're dead. Mabilis ko tuloy na tinapos ang sinasabi ko.
“Kasi po may nakakasama na ang anak n'yo. Hindi naman po mahirap pakisamahan si Sir.”
Syempre, mananahimik ako at gagawin ko ang lahat para rito matulog ang pamilya n'ya ngayong gabi.
“Get me some water." Utos n'ya habang nakatingin sa akin.
As in wala man lang kahit "please" ang masungit na Mafia Lord.Talaga namang nakakaurat ang ugali n'ya! Hanep!
Mabilis namang gumalaw ang mga kasambahay nito para kumuha ng tubig pero natigilan na lamang silang lahat nang sumigaw si Raizel ng stop.
Binaling n'ya agad ang atensyon sa akin.
Nananahimik ako rito, eh.
“I want MY HONEY to GET ME SOME WATER!” madiing sabi ni Raizel habang nakatingin pa rin sa akin.
Tutuloy pa sana ako sa pagkain ngunit naramdaman kong lahat ng mga katulong na nasa likuran ay nakatingin na din sa akin. Nagpalinga-linga pa ako at hindi ko naunawaan na ako pala ang tinutukoy n'ya.
Kabado akong lumingon sa kanya at nanlaki ang mga mata nang makitang hindi na talaga maipinta ang mukha nito.
"A... Ako po ba, Sir?" nauutal na tanong ko. Halos mabulunan ako sa pagkaing nasa loob ng bunganga ko.
Tumango naman ito kaya ko naunawaan ang lahat at dali-daling tumayo at sinunod ang utos n'ya. Ngumuya pa ako sa takot at napilitang lunukin ang kinakain. Mukhang maiimpatso talaga ako dahil sa amo kong ito.
Narinig ko ang nakakalokong hagikgik ng katabi ko na tila ba aliw na aliw sa kanyang mga nakikita. Napalingon ako at kitang-kita ko ang kanyang pagngiti.
Hindi ko naman ide-deny na sobrang gwapo niyang tingnan. Sayang lang dahil napakasama ng ugali nito.
Dahan-dahan kong ibinuhos ang tubig mula sa pitsel sa babasaging baso na nasa harapan n'ya. Mula sa kanan ko ay nakita kong nakamasid ang mommy nito na kung hindi ako nagkakamali ay abot tainga ang mga ngiti sa sandaling iyon.
Marahil ay dahil narinig n'yang magsabi ng honey ang anak niya at ngumiti pa.
Mukha ba akong jester sa paningin nila?
Pambihira talaga!
“s**t!”
Nahimasmasan ako nang marinig ko ang nakagugulat na boses ni Raizel. Hindi ko namalayan na umapaw na pala ang tubig mula sa baso nito sa sobrang kaba ko.
Ah, bwisit! Parang gusto ko na lang maging patatas dahil sa sobrang takot!
“Sorry! Sorry po talaga!” Halos lumuhod ako para magmakaawa.
Sa mga sandaling sumunod ay naging emosyunal ako. Nangingiyak na ako sa takot dahil baka ikamatay ko na ang kapalpakang nagawa ko sa kanya.
Dumagdag pa sa nerbyos ko ang katahimikang ipinapakita ni Raizel at ng mga tao sa paligid. Nakatingin lang sila sa akin.
I'm doomed! Titig pa lang n'ya ay nanginginig na ang mga kalamnan ko.
“Sorry po talaga, Sir. Nabasa ko tuloy ang itlog mo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa mga salitang naibulalas ko.
Tinakpan ko kaagad ang bibig ko. Wala naman akong ibang nais sabihin at ang tukuyin kung hindi ang itlog na nasa plato n'ya.
Mukha namang pinag-alala ko din si Ma’am Christy dahil napatayo rin s'ya mula sa kinauupuan. Lahat sila ay nakatingin na sa akin, maging ang mga kapatid ni Raizel.
Ngayon ko lang tuloy napagtanto na nakakatakot silang lahat, wala bang babaeng anak ang ginang?
Nanginginig na ang buong katawan ko sa takot na nararamdaman. Parang gusto ko na lang maglaho na parang bula sa kinatatayuan ko.
Mabuti na lang at naunang mag-reach out si Ma'am Christy sa akin.
“It’s okay, hija. Don’t worry.” Sinubukan akong pakalmahin ni Ma’am Christy pero naninigas na talaga ako sa takot dito. “Hindi naman magagalit sa’yo ang anak ko. I think he actually likes you.”
Ang lupit!
He likes me?
Kung alam mo lang Ma’am. Ibang level ang anak n'yo.
Halos maibuga naman ng dalawa pang kapatid ni Raizel ang mga kinakain nila dahil sa sinabi ng kanilang ina. Binalot kami ng sandaling katahimikan bago tuluyang napuno ng tawa ang paligid.
“Ezekiel! Mikey! Stop laughing!”
Sinaway ni Ma’am Christy ang dalawa ngunit hindi sila nakinig. Patuloy pa rin sila sa pagtawa, habang hindi ko naman maipaliwanag ang pagmumukha ni Raizel.
“Raizel is an idiot, just like her. He’s just playing with her mom. Imposibleng magkagusto s'ya sa isang babae.”
Natahimik ako ng marinig ang sinabi ng kapatid ni Raizel, kung hindi ako nagkakamali ay siya si Ezekiel.
Pilyo rin pala ang isang ito tulad ng kuya n'ya. Ngayon alam ko na ang reason kung bakit kinailangan ng mom nila ng tulong ko.
"Pero, ano bang ibig sabihin ni Ezekiel? Bakla ba si Sir Raizel?" patanong na bulong ko sa aking sarili.
Pakiramdam ko tuloy unti-unting nawala ang kabang nararamdaman ko. Sa halip, gusto ko tuloy matawa sa naisip ko ngunit pinigilan ko lamang ang aking sarili.
Natapos ang lunch party at buhay pa naman ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ko ngunit mas kailangan ko ng pera kaya dapat iyon ang maging focus ko.
Nang dapithapong iyon, abala ang ilang mga katulong sa mansyon. Narinig ko na lang ang utos ni Sir Raizel sa kanila.
Nakaupo s'ya sa isang sofa, prenteng nakataas ang isang binti sa ibabaw ng coffee table at may hawak na broadsheet at tutok na tutok sa pagbabasa ng business section ng dyaryo nang bigla s'yang nagsalita, “Pagmukhain n'yo s'yang tao.”
Nabigla ako sa sinabi ni Raizel sa mga katulong niya bago nito isinara ang dyaryo at ipinatong sa mesa. Saka siya tumayo at umalis na upang ihanda ang sarili.
Dinala ako ng mga katulong sa loob ng main room. Magkakaroon daw ito ng meeting with a client at kailangan ay kasama ako. Malungkot naman akong tumango. Dahil sa kapalpakan ko ay kinailangang umuwi ng pamilya n'ya ng maaga.
“Miss, maghubad na po kayo,” mahinang utos ng isang katulong ni Raizel.
Nagulantang naman ako sa kanyang sinabi. "Ano?!"
“Ito po ang ipapasuot namin sa inyo.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Erza. S'ya ang kauna-unahang nakilala ko rito nang maghanap ako ng walis tambo kahapon.
Ipinakita n'ya sa akin ang isang itim na sling dress. Maiksi ito, hindi ko pa man naisusuot ay alam kong hindi ito aabot hanggang tuhod ko. Backless ang istilo sa likod at napakasexy talaga ng pagkakagawa.
“Sorry, Erza. Masyado naman yatang revealing ang damit na ‘yan.” Pagtanggi ko sa damit na hawak n'ya.
Napailing naman siya at napabuntong hininga. “Pasensya na ho, Miss. Si Sir Raizel po ang pumili niyan kaya hindi natin pwedeng tanggihan. Baka mamaya ano pa pong ipagawa n'ya sa 'min kapag nalaman niya na ayaw ninyong isuot ito.”
Lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ni Erza. Kahit may hawak na damit, high heels at ilang make-up set ay hindi pa rin pala ako pwedeng makampante.
“Sasabihin na po ba namin kay Sir na ayaw niyo pong isuot ang damit na ito?" tanong ni Erza.
Teka! Bakit parang bina-blackmail na nila ako?
Pilit akong ngumiti sa kanila sabay hablot sa damit na hawak hawak ni Erza.
“Hindi! Gustong-gusto ko nga, eh! Ikaw naman, hindi ka na mabiro. Saglit lang at ako na ang magsusuot nito. Nakaka-excite kaya!"
Taena! Mahihibang yata ako sa mga nangyayari.
Hingal na hingal akong pumasok ng CR. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa kahibangan ko. Daig ko pa ang pumasok sa isang kagubatang punong-puno ng mga mababangis na hayop.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang inabot ko para lamang maisuot ang damit. Basta ang alam ko lang ay panay ang hila ko pababa dahil napakaiksi nito.
Pagkalabas ko ay pinaupo agad nila ako sa upuan sa harap ng salamin at sinimulan ng ayusan. Malakas pa ang pagkakasabi ni Erza na bilisan daw nila dahil naiinip na raw si Raizel.
Anim silang lahat na nag-aayos sa akin. Dalawa ang nagkukulot ng buhok ko, tatlo ang naglalagay ng make-up at isa naman ay naglagay ng cream sa paa ko bago n'ya tuluyang pinasuot sa akin ang five-inches black heels na matching sa damit ko.
Sinubukan kong kilalanin ang repleksyon ko sa harapan ng salamin ngayon. Ibang-iba ito sa Lucy na nakagisnan ko. Ang mga mata ko ay nakakaakit pagmasdan dahil na rin siguro sa smokey style na ginawa nila sa eyeshadow ko. Perpekto ang pagkakahugis nila ng kilay ko, mapula ang mga labi ko at pansin na pansin ang kulay ng aking balat na sumasalungat sa kulay ng suot kong damit. Lumitaw ang kurbada ng katawan ko dahil na din sa hapit ng dress sa katawan ko. Ang likod ko naman ay kitang-kita rin dahil backless ang istilo ng ipinasuot nila sa akin.
“Just tell me if imposible siyang magmukhang tao. Mahirap ba?”
Napalunok ako nang biglang pumasok si Raizel sa silid. Nakasuot na siya ng kulay itim na semi-formal tuxedo ngayon na para bang binagay din sa damit na suot ko. Maayos ang buhok n'ya at napakabangong tingnan.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Bigla naman nitong iniwas ang tingin sa akin saka tumalikod. Laking gulat ko na lamang nang makitang nakalahad na ang kanang braso n'ya sa harapan ko.
Pakiramdam ko ay mayroong dumaang isang daang anghel sa pagitan naming dalawa.
Ibig sabihin ba nito ay kakapit ako sa braso n'ya?
Nakakaloka! Wala naman siyang balak ipa-salvage ako, 'di ba? Sa ganda kong 'to ngayon? No way!