Tulad ng kaniyang nakasanayan tuwing day-off, nagpunta siya sa Restaurant kung saan siya nagdi-dishwasher. Maganda ang bigayan do’n at kampante siyang walang mangdidisturbo sa kaniya. Hindi niya alam kung saan ang lalaki, huling nasilayan niya rito ay nung huwebes kung saan personal na nagpunta si Inukito sa farm at dumalaw sa kaniya. Kitang-kita pa niya ang paglinya ng makapal na kilay ni Gheron. Pagkatapos n’yon, hindi niya na nakita si Gheron na labis niyang ikinatuwa. “Ohayo!” Tumango lang siya kay Inukito. Baka iniisip nito na may gusto siya rito kaya ang lawak ng ngiti nito. “You look beautiful today.” Straight na pagsasalita nito ng English. Tango ulit ang kaniyang naging sagot at hindi na pinansin ang sinabi ng lalaki. Nagsuot siya ng apron at hair net saka siya nagsimula sa ka