Napatitig siya rito habang walang salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Panay pa rin ang patak ng kaniyang mga luha pero pinupunasan iyon ni Gheron. Nung mahimasmasan na siya at naging okay na ang takbo ng kaniyang isipan, mabilis niyang winaksi ang kamay nito. Hindi niya pa nakalimutan ang ginawa nito sa kaniya sa loob ng bus kanina at kung paano siya nito manyakin. “Umalis ka.” Tiningnan niya ito ng blangko. “Here comes the tiger,” pang-aasar nito. Tiningnan lang niya ito at tinalikuran. Okay na siya… sa ngayon. Hindi siya pwedeng umiyak habang andiyan sa paligid ang lalaki. Kailangan pa niyang kausapin ang kaniyang kapatid para alamin ang buong detalye kung bakit. Malalaki ang kaniyang hakbang. Nakatuon ang kaniyang mata sa kaniyang cellphone para tawagan sa messenger ang kaniyang