1

2422 Words
Pera o pagmamahal? Pera para kay Marie. Hindi siya kailanman bubuhayin ng lintek na pagmamahal na kinukulit sa kaniya ng lalaking nagngangalang Gallagher Svensson. Isang pipitsuging magsasaka. - R18 All Rights Reserved Copyrights © 2020 by VraielLajj *** Walang emosyon na tiningnan ni Marie ang kaibigan. “Magtrabaho na lang tayo.” Naiiling na saad niya at mabilis na dinampot ang basket. Isa silang fruit picker sa malaking Village farm ng Hokkaido Japan. Isang OFW na pikit ang matang nagpunta sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya. “Ito naman si Maria, ang killjoy talaga! Nagkikwento pa ako, eh.” Hindi niya pinansin ang pag-iinarte ng kaniyang kaibigan. Nakilala niya ang babae nung nandito na siya sa Japan. Ito ang unang pumansin sa kaniya sa kabila ng kaniyang pagiging tahimik sa isang tabi. “Mamayang gabi na natin pag-usapan ‘yang crush mo.” “Pero totoo ang sinabi ko, Maria! May gwapo tayong kasama. Nakita ko siya kanina tapos parang hindi na yata crush nararamdaman ko, parang love na! Paluin mo ako sa kilig!” Hindi pa nito mapigilan ang humalakhak ng malakas na halos lahat ng kasamahan nila ay napatingin dito. Napailing na lamang siya sa kaharutan ng kaibigan. Kaya siguro naging magkaibigan sila para siya ang laging susuway sa malanding cells na nasa katawan nito. Hinila niya ang kaibigan nang magsimula na naman itong magdaldal at mangarap. Mapapadali ang pag-alis nila rito sa Japan sa ginagawa nito. Dalawang taon ang kanilang kontrata sa lugar na ito at may isang taon pa sila bago sila pwedeng makauwi sa Pilipinas. “Magsimula ka na.” Binigay niya rito ang isang basket. “Yes, Ma’am!” Nagsimula silang mamitas ng bunga ng mga strawberries. Malusog at maganda ang mga bunga ng kanilang mga pananim at kahit papaano, masaya siya habang ginagawa ang trabahong ito. Graduate siya sa kursong Hotel and Restaurant Management pero kabilang sa mapait na reyalisasyon sa mundo ang katotohanang hindi lahat ng gusto ng tulad niyang OFW, natutupad. May mga kasama siya banyagang lugar na ito na ang iba ay nagtapos ng Engineering, Teacher at Nurses pero pinili ang trabahong ito sa ibang bansa. Maliban sa malaki ang sahod, napapahalagan din ang bawat puyat at pagod ng mga taong tulad niya sa tuwing nakikita nilang maganda ang sitwasyon ng mga iniwang pamilya. Ang tanging mahirap lang, malayo sila sa pamilya. “Maria!” “Oh?” “Ang sungit mo talaga, Maria. Kailan ka kaya magiging mabait sa ‘min para makahanap ka ng jowa rito. 29 ka na at malapit na magpaalam sa kalendaryo!” Nagkibit lang siya sa sinabi ni Judith. Wala sa edad ang basihan ng pagpasok sa isang relasyon. Ang nasa isip lang ni Marie ay trabaho at mag-ipon para makapagpatayo ng negosyo pag-uwi ng Pinas. Ang plano niya, limang taon siyang mag-OFW at pagkatapos, saka na siya papasok sa isang relasyon. Tumataas ang kaniyang edad pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Hindi karera ang pag-ibig. “Ilang taon ka nga ulit?” “25! Grabe ka, hindi mo natandaan ang edad ko? Nakakasakit ka ng puso.” Nakuha pa nitong magdrama at tulad niya, marami ng laman ang basket nito. May nagbabantay sa kanila pero nasa malayo lang ito kaya kahit papaano, malayang nakakausap siya ni Judith. Hindi mahigpit si Mr. Yamoto sa kanilang mga tauhan nito pero ayaw nito sa taong batugan at tamad. “Hindi ko kinalimutan ang edad mo, Judith. Ang pinuponto ko, 25 ka pa at hindi na rin mabilang ang lalaking iniyakan mo pagkatapos kang lukuhin. Mas mainam na walang sagabal sa buhay, Judith. Walang sakit sa ulo. Ang mga lalaki, kusa ‘yan darating. Hindi pinipilit ang pag-ibig. Lagi mo ‘yan tatandaan.” Napasimangot ito sa kaniyang sinabi at matagal bago sumagot. Mabait ito at magaan kausap ang kaibigan niya. Pero may pagkakataon din na matigas ang ulo nito at nakikipag-away minsan sa kaniya sa mga walang kwentang bagay. “At least, Maria, alam ko ‘yong salitang paano magmahal. Kahit lagi akong naloloko, totoo lahat ng pagmamahal na pinaramdam ko sa kanila kaya kung may lugi man, sila ‘yon. Sinayang nila ang tulad kong totoong nagmamahal. Eh, ikaw ba?” Hindi niya na pinansin ang mahabang lintanya ni Judith. Mag-aaway lang sila at wala siyang oras para ro’n. Nandito siya sa Japan para magtrabaho, hindi makipagtalo sa walang kwentang pagmamahal na iyan. Kung alam lang ni Judith kung bakit ayaw niya ng pumasok sa ganiyang sitwasyon... kung alam lang nito. Napahugot siya ng malalim na hangin at nagpatuloy sa ginagawang pamimitas. “ARAY!” Galit na pakli niya nang may sumagi sa kaniyang balikat. Malakas iyon. Mabuti at ‘di nalaglag ang mga dala niyang prutas kundi ipapakain niya lahat sa nakabangga sa kaniya. “I’m sorry.” Nagtagpo ang kaniyang kilay nang dumapo ang kaniyang mata sa suot nitong boots ng pang-magsasaka. Hindi siya sumagot. “Miss!” Nagpatuloy siya sa paghakbang. Alam niyang kasamahan lang nila ito sa farm at wala siyang balak makipag-usap sa kasama nilang mga magsasaka. Sakit sa ulo ang mga lalaki. “Miss, hey!” Nakakunot ang noong binalingan niya ito. May american accent ang boses nito. “Phone mo.” Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang hawak-hawak nga nito ang kaniyang cellphone. Imbes na pasalamatan ito, walang sabing kinuha niya sa kamay nito ang kaniyang cellphone sa lalaking banyaga at naligaw yata sa Hokkaido. Agad niyang isinilid sa bulsa iyon at tumalikod. “Tama sila. Suplada ka nga.” Narinig niyang pahabol nito pero pinagkibit niya lang iyon ng balikat. Deretso niyang nilagay sa tabi ng nakaparadang truck ang mga nakuha niya. Sanay na siyang magbuhat ng mabibigat. “Maria!” “Ano?” “Ay snob agad? Maldita ka talaga, ‘Te. May tsimis akong maganda sa ‘yo! Kikiligin ka ‘pag maririnig mo ‘tong sasabihin ko!” Nag-ikot siya ng mata at ‘di pinansin ang pagdadaldal ng kaibigan. Hinarap lang niya ang kaniyang dalang mga strawberries at inayos sa nakahimpil na truck. “Last time na kinilig ako, namatay ‘yong taong ‘yon.” Napa-sign of the cross ito nang wala sa oras. “Susme ka naman Maria! Ang dry ng lovelife mo. Wala ka na ba talagang kilig sa katawan na natira?” Tinatamad na sinulyapan niya ito at tumango. Napabusangot naman ito at kandahaba ang ngusong sumunod sa kaniya. Nagdadabog pa ito kung bakit wala siyang kalandian cells sa katawan pagdating sa usapang pag-ibig. Usapang pag-ibig? Pagdating sa ibang bansa, usapang paanong mabuhay at kumita ng pera lang ang laman ng tao. Karamihan sa mga tao na tulad niyang OFW, sini-set aside ang paksang pag-ibig. Ang nasa kaniya ngayon, pagmamahal para sa pamilya. "Aray!" galit na pakli niya nang may sumagi sa kaniyang balikat. Malakas iyon. Mabuti at 'di nalaglag ang mga dala niyang prutas kundi ipapakain niya lahat sa nakabangga sa kaniya. "I'm sorry." Nagtagpo ang kaniyang kilay nang dumapo ang kaniyang mata sa suot nitong boots ng pang-magsasaka. Hindi siya sumagot. Baka pag nagdakdak siya rito sa loob ng farm, may magsumbong pa sa team leader nila. Napailing siya sa isiping iyon lalo na at may mga kasama rin siyang sipsip sa kanilang manager. Gustong pumapel. Samantalang ang gusto lang naman niya, magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya. "Miss!" Nagpatuloy siya sa paghakbang. Alam niyang kasamahan lang nila ito sa farm at wala siyang balak makipag-usap sa kasama nilang mga Filipino. Sakit sa ulo lang ang mga lalaki. "Miss, hey!" Nakakunot ang noong binalingan niya ito. "Phone mo." Tumaas ang kaniyang kilay nang makitang hawak-hawak nga nito ang kaniyang cellphone. Sandali niyang binaba ang bitbit na basket sa kaniyang paanan. Imbes na pasalamatan ito, walang salitang na kinuha niya sa kamay nito ang kaniyang phone sa lalaking banyaga at naligaw yata sa Hokkaido. Agad niyang isinilid sa bulsa iyon at muling binitbit ang basket na puno ng pinag-harvest niya. "They're right. Suplada ka." Narinig niyang pahabol nito pero pinagkibit niya lang iyon ng balikat. Deritso niyang nilagay sa tabi ng nakaparadang truck ang mga nakuha niya. Sanay na siyang magbuhat ng mabibigat at lumalaki na rin ang kaniyang braso. "Maria!" "Ano?" "Ay snob agad? Maldita ka talaga, 'te. May tsimis akong maganda sa 'yo! Kikiligin ka 'pag maririnig mo 'tong sasabihin ko!" Nag-ikot siya ng mata at 'di pinansin ang pagdadaldal ng kaibigan. Hinarap lang niya ang kaniyang dalang mga strawberries at inayos sa nakahimpil na truck. "Last time na kinilig ako, namatay 'yong taong 'yon." Napa-sign of the cross ito nang wala sa oras. "Susme ka naman Maria! Ang dry ng lovelife mo. Wala ka na ba talagang kilig sa katawan na natira?" Tinatamad lang niya itong sinulyapan at tumango. Napabusangot na lang ito sa naging sagot niya at kandahaba ang ngusong sumunod sa kaniya. Nagdadabog pa ito kung bakit wala siyang ka-amor sa katawan pagdating sa usapang pag-ibig sa lalaki. Usapang pag-ibig? Pagdating sa ibang bansa, usapang paanong mabuhay at kumita ng pera lang ang laman ng tao. Karamihan sa mga tao na tulad niyang OFW, sini-set aside ang paksang pag-ibig. Ang nasa kaniya lang ngayon, pagmamahal sa pamilya. Napangiti siya nang maabot nila ang quota sa araw na iyon. Makakapagpahinga siya ng maayos kapag ito ang usapan. Masyado siyang focus sa trabaho kaya kahit gaano kahirap ang quota nila, naabot nila iyon. Bawal sa Japan ang tatamad-tamad na worker. Ginto ang oras para sa mga Haponista. NAPANGITI siya nang maabot nila ang quota sa araw na iyon. Makakapagpahinga na siya kapag ito ang usapan. Masyado siyang focus sa trabaho. Bawal sa Japan ang tatamad-tamad na worker. Ginto ang oras para sa mga Hapones. Nang makitang okay na ang lahat, nagmamadali na siyang nagtungo sa quarter nilang mga workers. Gusto niya nang matulog sandali at tatawag pa siya sa kaniyang pamilya sa Pinas. Nakakapagod ang 10 hours a day pero sulit ang sahod kada buwan kaya pwedeng-pwede na para sa mga taong tulad niyang gustong umasenso ang buhay. Matapos siyang mag-half bath, agad siyang humiga na suot lang ay makapal na pantulog. Tinapay at jam lang ang kaniyang kakainin mamayang hapunan. Akmang ipipikit pa lang niya ang kaniyang mata nang marinig niya ang tilian at hagikhikan ng mga kasama niya sa silid. Naiinis na naglagay siya ng unan sa kaniyang mukha para hindi marinig ang hagikhikan ng mga ito na parang teenager na kinikilig. “Ang gwapo niya, Judith!” “Sabi ko sa ‘yo, ‘di ba?” Humagikhik ito. Kahit nakadiin na ang unan sa kaniyang teynga at mukha, dinig na dinig pa rin niya ang boses ng mga kasama niyang naghaharutan. “Isa kaya siyang Filipino? Mukha siyang foreigner.” “Mukha siyang future husband ko!” Malanding sagot ng kaniyang kaibigan. “Mukha rin siyang maging Tatay ng mga anak ko. Yiiehhh!” Sabay-sabay na nagsitilian ang mga ito. Agad naglinya ang kaniyang kilay at tinanggal ang unan. Deretso siyang bumangon at sinamaan ng tingin ang mga ito na ngayon ay nasa balcony at halatang may sinisilip sa kaharap na staff house. Two storey ang mga staff houses na nando’n at may mataas na pader ang pagitan ng babae at lalaki. Tamang-tama lang na hindi makakapuslit ang mga kasamahan nilang lalaki para makipagkwentuhan sa mga babaeng workers. “Iyang mga kalandian niyo ang siyang magpapahamak sa inyo, alam niyo ba ‘yon?” Nagulat ang mga ito sa kaniyang sinabi pero si Judith lang ang mabilis na lumapit sa kaniya. Habang ang iba niyang kasamahan ay tinaasan lang siya ng kilay at hindi siya pinansin. Patuloy ang mga ito sa pag-swooning na parang mga batang hindi maka-get over sa crush nung elementary. “Maria! ‘Yong gwapong crush ko, nasa harap sila nakatira Susme Maria! Ito na yata ‘yong sinasabi nilang gumawa ng way ang universe para mapalapit siya sa ‘kin.” Hindi nagbago ang kaniyang ekspresyon. Naglinya pa rin ang kaniyang kilay na nakatingin sa kaibigan. “Gusto mo ba matulad sa kasamahan natin dati?” Agad naman itong napaismid at napahalukipkip sa kaniyang sinabi. May dati silang kasamahan na tinanggal sa trabaho dahil nakitang nakipaglandian sa kapwa nila Filipino. Nahuli ng kanilang Superior nang dalawang beses at tinalsik. Isa sa rules ng company, mahigpit na pinagbabawal ang magkaroon ng ugnayan ang babae at lalaki. Trabaho ang dapat asikasuhin at hindi pakikipagrelasyon. “Alam mo, ang killjoy mo talaga. Crush lang naman kasi ‘yon. Hindi naman ako bibigay ng ‘Ooʼ kapag niligawan niya ako.” Muli itong humagikhik. Tiningnan lang niya ito ng masama at hinayaan ito. Hindi siya nagkulang sa pangaral dito at kung mapapauwi ito sa kaka-crush sa kapwa workers nila, problema na ni Judith iyon. Huwag lang itong iiyak-iiyak sa kaniya kapag nasaktan. Bumalik siya sa pagkakahiga at muling tinakpan ang mukha ng unan. Nakatulog siya kahit papaano at nang magising siya, tahimik na ang paligid. Nagtaka siya nang makitang siya na lamang ang mag-isa sa loob ng room nila. Nakakunot ang kaniyang noo na tinungo niya ang balcony at nag-ikot ng noo nang makitang nasa baba ang mga ito at may kaniya-kaniyang katawag sa cellphone. Ang iba ay masayang nagki-kwentuhan sa kapwa Pinay. Siguro, ayaw ng mga ito na madisturbo siya sa kaniyang pagtulog dahil masama ang kaniyang ugali ayon kay Judith. Totoo naman, hindi niya iyon ikakaila ang bagay na iyon. Muli siyang pumasok sa loob pero bago iyon, napasulyap siya sa kaharap ng staff house nang tawagin ni Fidel ang kaniyang pangalan. Kasama nila itong fruit picker pero sa ibang prutas ito na-assign. Mabilis itong kumaway sa kaniya. Napansin niyang may bagong kasamahan ang mga ito at mukhang foreigner. Sandali siyang nag-isip, ito siguro ang pinag-aagawan ng kaniyang mga kasamahan at crush ni Judith. Kung hindi siya nagkakamali, ito ‘yong lalaking bumangga sa kaniya kanina. “Marie kumain ka na ba?” tanong ni Fidel. Tiningnan lang niya ito. Hindi kay Fidel, kundi sa lalaking gusto ni Judith. Nasa likuran ito ni Fidel at nakatingin sa kaniya. Pinag-aralan niya ang kabuuan nito at kung ilan baldeng luha ang masasayang ni Judith. “Marie ang ganda-ganda mo talaga! Para kang kapatid ko! Baka magkapatid tayo tapos Ate kita?” Sinabayan nito ng malakas na tawa. Pero walang reaksyon pa rin ang nakuhang sagot sa kaniya. Ilang segundo niyang tinitigan ang lalaking pinagkaguluhan ng mga kasamahan niya at saka binawi ang tingin na parang walang nangyari. Agad siyang tumalikod at sinara ang pintuan. “Ang snob mo talaga sa ‘kin, Marie!” Nagkibit siya ng balikat sa sigaw ni Fidel. Hinayaan niya ito kung ano ang iisipin laban sa kaniya. Agad niyang tinungo ang lagayan ng mga pagkain. Tinatamad siyang nagtimpla ng gatas at naghanda ng tinapay na may strawberry jam sa gitna. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at binuksan ang messenger sa kaniyang cellphone. Tatawag siya sa Pinas habang maaga pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD