Chapter Fifty-two Nagising ako dahil sa matinding lamig. Pareho kaming walang saplot ni Quiran at tanging init lang ng katawan ng isa't isa ang sumusubok pumatid sa lamig na iyon. "Quiran," ginising ko ito. Nanlalagkit din ako. Gano'n din ang lalaki. May weird ngang amoy na alam kong dahil iyon sa ilang round nang pagtatalik namin. "Yes?" paos ang tinig ng lalaking naalimpungatan. "Maligo tayo. Ang baho natin." Bulong ko rito. Imbes na bumangon ay mas isiniksik pa nito ang katawan sa akin. "Malamig, Bituin." "Okay lang. Tara na. Maligo tayo." Pangungulit ko rito. Hindi naman na ito nagpapilit. Nanguha ito ng short. Habang iyong t-shirt n'yang malaki ang ipinasuot niya sa akin. Binitbit na rin nito iyong lagayan namin ng sabon, shampoo, toothpaste, at toothbrush. "Ulitin ko na