Chapter Fifty-three "Here," pareho kaming napatingin ni Fely sa inilapag ni Quiran na mangkok na may lamang luto ng instant noodles. Sunod nitong kinuha iyong tirang ulam at kanin. Hindi pa kami kumain, late na. Pero okay lang iyon. Sanay naman ako sa gano'n. "Mainit pa, baby. Baka mapaso ka." Bilin nito nang damputin ko ang kutsara at subukan humigop ng sabaw. "Fely, kain tayo." Alok ko rito. "A-h, kumain na ako kanina." Mahinang ani nito. Ngumiti pa ito bago niyuko iyong ginagawa niya. "Baby," malambing na ani ni Quiran. Pareho kami ni Fely na napatingin dito. Gago, sinong baby n'ya? Lagi niya akong tinatawag na baby. Siyempre titingin ako. Nakatingin na ako rito, sa akin din naman ang tingin ni Quiran. Habang si Fely, no'ng tignan ko'y parang naghihintay na tignan siya ng asawa k