Chapter Twenty-four Huminto ang sasakyan sa isang malaking gate na kulay gray. Si Rosally na nasa bintana lang talaga nakatingin ay amaze na amaze sa nakikita niya. "'Te, prinsipe po ba ang nakatira d'yan? Palasyo po iyan, 'di ba?" tanong nito na medyo may lakas ang tinig halatang nae-excite. "Prinsipe ? Well, pwede ngang tawaging prinsipe iyong nakatira d'yan. Kasi ang name niya ay Prince Quiran Mcfline." Tugon ni Nevara. Napasinghap muli si Rosally ng kusang bumukas ang gate. "Ate, m-ay multo? Kusang nagbukas ang gate." Napahagikhik si Nevara. "Automatic ang gate na iyan. Hindi multo ang nagbukas d'yan." Aliw na ani ni Nevara sa kapatid ko. Umusad ang sasakyan papasok. "Wow! Ligo ako d'yan?" inginuso nito iyong water fountain na nilagpasan namin. "Hindi pwede d'yan, Rosall