Chapter Twenty-five "Totoo po? Magiging kwarto ko po i-to?" sa sobrang excited nito'y medyo naghabol pa ito ng hangin. Ako naman ay medyo na bahala. Hindi rin naman kasi ito pwedeng masyadong magsaya dahil mabilis siyang mahapo. Iniabot ko agad dito ang inhaler niya in case na kailanganin niya. Tinanggap naman niya iyon pero hinawakan lang. "Nagustuhan mo ba?" "Opo. Gustong-gusto po. Libre po ba ang pagtira rito?" "Oo, Rosally." Tugon ni Nevara. "Malambot ang higaan." Tumutok ang tingin nito sa kamang parang higaan ng prinsesa base sa ayos no'n. May para pang kurtina. "Gusto mo ba ng ganyang higaan?" "Gustong-gusto, Ate Bituin. Hindi na sasakit ang likod ko." Napahagikhik pa ito. "Pero kailangan po may suot ako laging diaper. Kasi paano kung maihi ako d'yan? Kawawa naman po i