Chapter Fifty-six Back to work na si Quiran. Marami na raw itong trabaho na naghihintay sa kanya sa office. Nagpapasaklolo na raw si Nevara. Kaya kahit gabi na'y nagtatanong pa rin ako kay manang kung ano ang kailangan ng asawa ko. Lagi na lang ako ang inaasikaso nito. Kaya gusto ko rin namang pagsilbihan siya. Inilista ko talaga. Mula sa sapatos hanggang sa kulay ng brief... well, white lang naman daw ang kulay ng brief ni Quiran. Hindi ko naman pansin ma gano'n. Minsan kasi'y hindi naman ito nagbri-brief. Pati kung anong kulay ang ipapares na tie ni Quiran ay inalam ko rin. Kaya naman ng araw ng pasok ng lalaki ay inihanda ko ang mga iyon pagbangon at pagpasok pa lang ni Quiran sa banyo. Nagkukumahog pa nga ako, tinitignan pa ang checklist ko kung tama ba ang lahat. Tama naman. Nang l