Chapter Eleven Sobrang tahimik ng silid. Mas malakas pa yata ang kabog ng dibdib ko. Madilim na naman ang pwesto ni 'boss' at ang spotlight ay nasa pole lang kung saan ako sasayaw. Binuksan ko muna ang speaker saka lumakad patungo sa pole. Paghawak ko roon ay medyo nagitla pa ako dahil sa lamig no'n. Pero humigpit din ang hawak ko. Hinihintay ang tugtog para magsimula. Dumeretso ang tingin ko sa madilim na parte ng silid. Hindi ko inalis ang tingin ko roon kahit na nagsimula na akong sumayaw. Wala akong makita sa parteng iyon dahil sa kadiliman. Kasabay nang maharot na tugtugin ay ang pagpilantik ng katawan ko. Ang bahagyang pagyugyog ng dibdib ko na parang nais kumawala sa masikip na brang suot ko, parang sumasabay rin sa tugtog mula sa speaker. Ginamit ko ang pole para dagdagan ang