Chapter Twelve "Ito iyong kwarto, Bituin. Kasya na ang tatlo o apat na tao rito lalo't wala namang maraming gamit. Gumagana iyang aircon pero siyempre kung gagamitin ninyo ay makikihati kayo sa bill ng kuryente." Tumango ako kay Dyosa. Nakilala ko na si Sassy na kapatid niya. Abala iyon sa kusina at naghahanda ng pa-order niya. "Sa pagkain ay ambagan na lang pero kung hindi kayo okay roon ay pwedeng magluto kayo. Basta depende pa rin sa inyo." "Magkano, Dyosa?" tanong ko rito. "Sa upa ay pwede na ang dalawang libo. Tapos sa mga bill ay mag-compute na lang tayo kapag dumating na ang bills." "Sige. Sa pagkain ay makikiambag na rin kami ni Rosally." "Okay. Kayo ni Sassy ang mag-usap d'yan kasi si Sassy ang nakatoka sa kusina." Tumango-tango ako. Binalikan namin ang kapatid nito. May me