Kay bilis ng panahon, hindi mo namamalayan na matatapos na naman ang taong ito, babalik tayo sa unang buwan ng kalendaryo, numero at araw pero hindi ang taon at takbo ng kwento ng buhay natin. Sa taong lumilipas hindi mo namamalayan na ang dating paslit na walang ibang problema kundi kung paano tumakas sa mga magulang para maglaro sa ilalim ng araw at ayaw matulog pagdating ng hapon. Tulad ngayon hindi lang ako nagdadalaga, naranasan ko na rin pa'no magmahal at paano mahalin, iba ang feeling na habang lumalaki ka nalalaman mo ang kalakaran ng mundo, nangagamit lahat ng senses mo at higit sa lahat emosyon mo. Pero habang tumatanda, ang akala mo na puro lang saya ang mararanasan mo pero hindi pala, minsan kailangan din nating masaktan, kailangan din nating maging emotional. Magpapasko