Biglaan ang paglipad ng pamilya Valencia patungong America upang dalawin ang ina ni Robert na may sakit. Sinamantala ni Archer ang pagkakataon na makauwi sa probinsiya para dalawin ang kaniyang pamilya ngayong wala ang kanilang amo at wala siyang trabaho. Pinayagan naman siya ni Robert ng magpaalam siya rito. "Wow, ang swerte mo naman, Archer. Pwede bang sumama ako sa 'yo sa pag uwi mo sa probinsiya ninyo para makilala ko naman ang future family ko?" sabi ni Munding. "Huh! Ikaw nga Munding, tigil-tigilan mo na nga si Archer. Feeling mo naman may relasyon kayo. Huwag kang mangarap ng gising," sita ni Duday kay Munding. Inisnab lamang ito ni Munding. "Mami-miss kita, Archer. Wala na akong makikitang gwapo rito sa mansiyon, ilang araw ka bang mawawala?" tanong ni Ugay. Sa pag uusap nila