Pagtigil ng sasakyan sa harapan ng mataas na building ng Sanders ay agad nang bumaba si Archer para pagbuksan ng pinto si Mr. Valencia. "Iwan mo na ang susi ng sasakyan sa valet at sumama ka sa akin," utos ng ginoo kay Archer, habang kinakawayan nito para lumapit ang staff ng Sanders. Agad namang nagpunta ito sa kinaroroonan nila. "Could you please park our car," anang ginoo. "Yes, Sir!" mabilis na tugon naman ng lalaking nakasuot ng pulang uniporme. Gaya ng utos ni Mr. Valencia, inabot ni Archer ang susi ng sasakyan sa lalaki. Ipinagtataka niya kung bakit kailangan pa niyang samahan ito sa loob. Naglakad papasok ng building si Mr. Valencia at nakabuntot lang siya sa likod ng ginoo hanggang sa sumapit sila sa elevator, sumakay sila roon at nagpahatid sa seventh floor. Sa ikapitong pa