Kinabukasan ay lumabas si Tiffa para siputin ang mga commitment niya. Isa sa pinuntahan niya ay ang shop ng fashion designer na si Marky. Dahil ipina-cancel niya ang dapat sana ay pagkikita nila kahapon, para makabawi ay siya na mismo ang sumadya rito. "I'm so sorry, Miss Tiffa. For now, I need to postpone our contract signing. I hope you understand, mainit ka pa sa publiko dahil sa issue na kinasasangkutan mo. It wouldn't be good for my business and for my image too as a designer, using you as the model for my clothing brand. Siguro makabubuting hintayin muna natin na makalimutan ng mga tao ang issue mo," paliwanag ni Marky. Bago pa pumutok ang balita tungkol sa hiwalayan ni Chris at Vanessa ay naialok na ni Marky kay Tiffa na ang dalaga ang gagawin niyang modelo para sa kaniyang latest