Halos laklakin na ni Liby ang mouthwash sa sobrang mumog nito. Hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan na nagawa niya ang bagay na iyon. Para sa kaniya ang paghalik kay Ador ang pinaka hindi katanggap-tanggap na bagay na nagawa niya sa buong buhay niya. At kung maibabalik ang oras ay itatama niya ang bagay na iyon at hindi na niya uulitin na makipaglaro ng truth or dare sa kaniyang mga pasaway na kaibigan. "Tama na 'yan, uy! Pang ilang bote mo na ba 'yan? Masyado ka namang OA, naglapat lang naman ang labi ninyo hindi naman bumuka ang bibig nung tao," sabi ni Mitch. Sinamaan siya ng tingin ni Liby. "Ikaw kaya sa kalagayan ko, baka mas worst pa ang gawin mo," inis na sabi nito. "Oh, ayan ah, nagawa ko na ang ipinagagawa ninyo sa akin, yung susunod 'kailangan walang reklamo, gawin agad