Chapter Thirty Six•

1836 Words

Dahil ayaw na ni Tiffa nang panibagong gulo ay hindi na siya nagsampa ng kaso laban kay Chris, sa kabila ng ginawa nitong pagtatangka sa kaniya. Inisip na lamang niyang masamang panaginip ang nangyari. Hindi na muna siya naglalabas dahil nagkaroon na siya ng trauma. Hindi na rin niya ipinaalam sa kaniyang ama ang nangyari dahil natatakot siyang baka mas lumaki pang lalo ang issue. Kilala niya ang kaniyang ama, ayaw nito na naaagrabyado siya at hindi ito papayag na basta na lamang palampasin ang mga ganuong pangyayari. Isang hapon ay may hindi inaasahang bisita ang dumating, agad na pumunta si Karen sa silid ng kaniyang amo para ipaalam dito. "Huh! Sinong mga bisita ang tinutukoy mo?" tanong ni Tiffa sa kaniyang assistant. Kalalabas lang niya sa banyo, katatapos lang kasi niyang maligo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD