Kabanata 1

1391 Words
Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Papunta na ito ng pier. Ngayon ang araw ng alis ko pauwi ng probinsiya. Siksikan sa loob at sobrang init habang panay ang kabig ko sa tiyan upang hindi masiko o masagi ng mga kasabayan ko ngayon sa sasakyan. “Ano ba kasi ang ginawa mo sa condom na binigay ko? Ginawa mong balloon?” Sarap talaga sapakin ng tiyahin kong ito. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil kailangan na kailangan namin ang pera ay baka hindi ako pumayag sa offer niya. “Sabi ko suotan mo ng condom. Ayan! Buntis ka na. Gaga ka talaga.” “Ni hindi ko nga alam paano ilagay iyon, e.” “Hindi mo medyas 'yon. Medyas niya 'yon!” Napakamot ako. “Akala ko akin.” Namura niya ako pagkatapos. Kaya pala pahaba. Malay ko ba? NBSB ako. First time ko iyon. “O, so paano na ngayon iyan?” Humina na ang boses niya. Alam niyang magagalit ang Papa ko kapag nalaman niyang nadisgrasya ako ng lalaking naka-one night stand ko lang. Si Papa na lang bumubuhay sa amin noong sumama si Mama sa ibang lalaki. Lumuwas ako dito sa malaking syudad para makapagtrabaho at mapadalhan sila sa probinsiya. Kumapit na ako sa patalim noong nabalitaan kong nadisgrasya sa motor ang kapatid ko. Ngayo'y comatose pa nga. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa katangahan. Ang tanga-tanga ko talaga! “Uuwi na lang ako.” “Sa Papa mo? Nababaliw ka na ba? Gusto mong atakihin sa highblood ang Papa mo?”singhal niya. “Hindi naman ako uuwi sa amin. Magtatrabaho ako sa kabilang bayan. Pero hindi ako magpapakita kay Papa.” “Ang tigas ng ulo mo. Iwan ko sa'yo. Sabi ko kontakin na'tin ang ama ng bata, e.” Ayan na naman siya. Kaya pinatayan ko na ng cellphone. Sabing hindi pwede, e. Ang kulit. Ayokong malaman ng lalaking iyon ang tungkol sa bata. Mayaman iyon, samantalang slap-soil lang ako. Maisipan pa no'n na kunin ang anak ko sa akin baka nga-nga na lang ako bigla. Ilang saglit nang makarating kami sa pier. Maraming tao sa labas na naghihintay rin sa barkong paparating maya-maya. Advance ng isang oras ang dating ko. Mas maigi na iyon kaysa ma-late ako. Tirik ang araw at sobrang init. Panay ang paypay ko sa sarili. Feeling ko warm up ito bago isalang sa empyerno. Noong papasukin na kami sa loob ay saka ako nakahinga ng maluwag. May mga upuan na rin naman doon. Nagsisimula na rin kasing sumakit ang puson ko. Maselan pa man din dahil two months pa lang. Tatlong buwan na rin ang lumipas noong may mangyari sa amin noong mayamang lalaki na boring ang life. Hindi ko akalaing mag-iiwan pa ng remembrance sa akin ang lalaking iyon. Hindi ko naman pinagsisihan ang mabuntis dahil twenty three na rin naman ako. Sakto na ang edad ko para lumandi. Pero, seryoso? Di ko man lang naranasan ang magkaroon ng boyfriend bago nabuntis? “Attention, attention.” Biglang tumunog ang mga speaker sa paligid. Napatingin ako sa relo ko. Wala pa naman ang barko. “There's a quick inspection. Kindly remain on your seats.” Napanguso ako. Akala ko bago kami sumampa ngayon saka ang inspection. Pero dito pa pala talaga sa waiting area iyon gagawin. Usually kasi bago kami aakyat ay inspection ng mga bagahi namin. “Ay anong mayroon?” Biglang nagsalita iyong babae. Napalingon din tuloy ako. Nakita ko ang mga matatangkad na lalaking naka-black uniform na pumasok sa waiting area. Nasa 20 lahat at ang iba ay hinarangan pa ang doble door palabas ng waiting area. Sampu ang agad lumapit sa mga pasahero. Napansin kong isa-isa nilang tiningnan ang mga ID ng mga nandoon. Hindi na nila hiningan ang mga lalaki pero ang mga babae na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin ang priority nila. Naglabas ng ID ang ibang babae na nasa edad 40 pero hindi na sila pinansin. “Anong ID ang kailangan?” Kinalabit ako ng babaeng katabi ko. “Hindi ko alam,”sagot ko sabay kuha ng pitaka ko kung saan nakalagay ang mga ID ko. Magtatanong na lang ako kung ano ang kailangan nilang ID. May napalapit sa aming isa na kasamahan no'ng mga nakauniporme. Matitikas ang pangangatawan. May sukbit na baril sa tagiliran. NBI kaya sila? Bakit ang dami naman yata nila? Usually sundalo ang mga nagche-check, e. Minsan dala-dalawa lang din ang nakatukang mag-check. May bitbit pang mga aso tapos pinapaamoy-amoy lang sa mga bags. Paano kaya kung may sipon ang aso? Paano niya naaamoy iyon? Napangiwi ako sa itsura ko sa ID no'ng ilabas ko na. Jejemon days pa ito noong kuhanan ako. May side bangs pa na akala mo rakista na natatae. Buti na lang natauhan na ako ngayon. Nag-improve na ang features ko at nawala na ang bakas ng pagka-jejemon. “Patingin ng ID, miss.” Nilahad ng mabangong lalaki ang kamay niya sa akin. May ugat-ugat pa ang braso at malalim ang boses. May black mask siyang suot kaya di ko nakita ang itsura. Matangkad din at maskulado. Napansin ko nga na titig na titig itong babaeng katabi ko sa kaniya. Sana lang mahigpit ang garter ng panty niya. Ilang segundo na tinitigan ng lalaki ang ID ko tapos ililipat ang tingin sa akin. Kumunot ang makinis niyang noo na tila naguguluhan. “Nasaan itong babae mong kapatid, miss?” Napanganga ako at ilang saglit ay alanganing tumawa. “Ah, ako po talaga iyan.” Di lang halata kasi medyo mukhang tao na ako ngayon. Sumeryoso ang mukha niya at binaba ang ID na hawak. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. My gosh! Itatanan niya na ba ako? Namilog ang mata ko. Di pa ako ready. Bakit ang bibilis ng mga lalaki na dumating sa buhay ko? Parang itong ama ng dinadala ko. Sumenyas siya sa mga kasamahan. Mas nagulat ako nang biglang pinalibutan na kami ng mga kasamahan niya. May pinindot siya sa bandang tainga niya bago nagsalita. “Nahanap na namin ang subject. Do you copy?” Naguguluhan na napalingon ako sa katabi kong babae. Puno ng pagtatanong ang mga mata ko. Anong subject? Math, English, Science? Nagkibit balikat ang katabi kong babae. Napansin kong nakatingin na rin sa amin ang lahat ng mga pasaherong nandoon. Karamihan ay nagbulungan pa. “A-Ano po ang kasalanan ko?” Kinakabahan na ako. “Sumama ka na lang sa amin, Miss Zabiral. Huwag kang mag-alala wala kaming gagawing masama.” Malumanay ang boses ng lalaking may baritunong boses. Wala akong ibang nagawa kundi ang magpatangay sa hila ng lalaking may hawak sa braso ko. Dinala rin nila ang bagahe ko. Tila isang pulutong ng mga sundalo ang nakahilera na nakasunod sa likuran namin. Tagtatlong tauhan sa magkabilang side ang nakapwesto na humahawi sa mga taong sagabal sa daan. Dinaig pa ang mga artista na may mga body guard. Hindi ko maintindihan. Nababahala ako. Walang gustong magsalita. “Saan po tayo pupunta?” May alanganing ngisi sa labi ko nang balingan ang lalaking nakahawak pa rin sa braso ko. Sa mga oras na ito ay inaalalayan niya na akong pumasok sa itim na van. May mga kotse na nakapwesto sa unahan ng van at maging sa likuran. Tinanggal ng lalaki ang itim niyang mask bago nagsalita. Napanganga ako nang makita ang mapupula niyang labi. Hindi nga ako nagkamali. May itsura ang isang ito. “Kay Mr. Mondejar. Dadalhin ka namin sa kaniya.” Mondejar? Sino iyon? May atraso ba ako sa kaniya? Binawi ko ang braso ko sa kaniya nang may ma-realize. Bakit nga ba ako sumama sa mga 'to? Uuwi pa akong probinsiya. “Hindi ko po kilala iyon. Sorry, pero maiiwan ako ng barko kung sasama ako sa inyo.” Naglakas loob na ako. Halata naman na hindi basta-basta ang binanggit nilang Mondejar. Humarap siya nang maayos sa akin at namulsa. “Iyon nga ang dahilan kaya kami inutusan,”aniya. Iyon ang dahilan? Anong dahilan? “Pinapunta kami dito para pigilan kang makauwi. Hindi mo po pwedeng itakas ang anak ni Mr. Mondejar, Miss Zabiral.” Sinenyasan niya ang ibang tauhan. Nagulat ako nang hawakan ako ng dalawa sa braso at sapilitang ipasok sa sasakyan. Anak nino? Namilog ang mata ko at napahawak sa tiyan. Alam niya bang buntis ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD