Gaya ng gusto ni Ma'am Olga. Bumisita ulit kami doon. Nag-bake kami. Tinuruan niya ako at maayos naman ang takbo ng usapan namin. Minsan pumapasada sa kusina si Obrey para tarayan lang ako. “Obrey, honey. Come here. Subukan mo itong niluto namin. I think it's fine but-” “You thinks it's fine, right? So be it. That's fine. Kailangan pa ba ako diyan? At isa pa, wala akong ganang makipagplastikan sa isa diyan,”sansala ni Obrey sa sasabihin pa dapat ng Mama niya. Nilampasan niya kami sa kusina at padabog na umakyat. Kita mo iyong isang 'yon. As if naman na gusto ko ring makipagplastikan sa kaniya. The feelings is mutual, 'no! “What did you say- Oh, my God, Obrey! Come back here!” Gusto pa yatang sundan ni Ma'am Olga ang anak niyang ulíkba. Pero di na siya pinakinggan ni Obrey. Kung ako ma