“Walang tawad diyan?” Ngumisi ako sa tindera ng bulaklak. Napaismid siya. “Si Ma'am talaga. Mukhang yayamanin naman iyong asawa niyo. Tatawad pa talaga.” Sinulyapan niya si Hades na nakapamulsa sa unahan. “Mukhang mayaman lang yan pero butas din bulsa niyan,”bulong ko sa kaniya. “Si ma'am talaga. Ang mahal-mahal ng suot, oh. Mukhang mamahalin ang damit.” Pinanlisikan ko ng mata si Hades no'ng maglabas ng mamahaling cellphone. May sinagot itong tawag pero kunot noong binaba noong makita akong nanlilisik ang mga mata sa kaniya. Dumedeskarte ako dito para makamura, e. Tapos siya diyan nagpapahalata. “Ayon. Latest na íphóne 'yon, 'di ba? Ang mahal-mahal no'n-” “Uso installment ngayon, 'no! Hello? First time mo ba sa earth?”agad kong sansala. Napabuntong hininga ako. “Kung ayaw mong ma