Kabanata 6
Nang matapos kaming kumain ay hindi pa kami kaagad umuwi ni Homer. Sina Cedrix at Steffan ay nauna nang umuwi dahil gabi na. Ihahatid pa ni Steffan ang bata sa bahay ng Tiyahin ni Angel.
"Ayos ka lang ba, Veronica?" Huminto sa paglalakad si Homer para lang tanungin ako.
"Yeah, saan tayo pupunta?" Ang sakit kasi ng tiyan ko sa sobrang kabusugan. Hindi ko inakala na ganito ang magiging kahihinatnan ko.
"Bibili ng groceries." Nakangiting sagot niya sa akin. Napabuntong hininga ako at sinipatan ko siya! Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Homer. Tumalikod siya sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad, nababagot na sumunod ako sa kanya.
Pagdating namin sa groceries ay nakatingin lang ako sa aking kapatid. Ni hindi ko alam kung ano ang pinaglalagay nito sa cart basta ako ay parang bloated talaga ako.
"Alam mo, mauna ka nalang munang umuwi. Sa tingin ko'y hindi ka okey." Nababahalang wika ni Homer.
"No, I'm okey." I insist. Mas kailangan ko pang maglakad-lakad para matunawan ako sa dami kong kinain kanina.
Habang abala si Homer sa pagkuha ng mga hilaw na pagkain ay inabala ko na rin ang aking sarili sa pagtitingin ng mga maari naming magamit.
Halos isang oras rin kami sa loob ng grocery mart. Madali lang namin nabayaran ang mga ito sa cashier kaya heto kami ngayon, dala-dala ang aming mga pinamili.
Palabas na kami ng mall nang huminto si Homer at dali-daling kumaway sa isang babae na hindi kalayuan sa amin. Namumukhaan ko siya, iyon yong babaeng kausap ng kapatid ko kanina. Hindi ko matandaan ang kanyang pangalan.
"Ikaw ha, kailan mo siya ipapakilala sa amin?" Tudyo ko kay Homer at inirapan lang ako. Nauna na itong naglakad palabas. Nainguso ko nalang ang aking labi sa inis. Hindi man lang ako pinansin ng gago. May hinala akong hindi seryoso ang kapatid ko sa babaeng iyon!
Pagsakay namin sa saksakyan ay inunat ko ang aking katawan. Sa wakas ay nakaupo na rin ako matapos ang isang oras na nakatayo! Tiningnan ko si Homer habang pinapaandar nito ang kotse. Ngayon ay medyo seryoso siya.
"Naku, Homer. Alam ko ang mukhang iyan, kailan mo pa natutunang maging babaero, ha?" Hindi ko alam kung tama bang salita ang ginamit ko dahil napatingin siya sa akin.
"I'm not playing, hindi ko ugali iyon Veronica. Alam mo iyon." Wika niya sa akin. Napangiwi lang ako pero hindi ako naniniwala sa kanya.
"Alam mo, puwede kang magsinungaling sa iba pero hindi mo magagaa iyon sa akin. I know you very well my brother." Kumindat ako sa kanya. Sabay kaming lumaki ni Homer at halos araw-araw ay magkasama kami kaya masasabi kong kilalang-kilala ko na siya!
"Stop it, Veronica. I'm still confused and curious sa feelings ko, okey. I'm not ready yet na pumasok sa mga relationship." Aniya.
Nai-ekis ko ang aking kilay na tiningnan siya na nagmamaneho na. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
"So you are playing, Homer. Alam mo, ayos lang naman na gawin mo iyon kung ganoon din ang gusto ng babae. Pero what if mahulog siya saiyo? What if, mahal ka na niya? Alam mong madaling mahulog ang puso ng isang babae." Paliwanag ko.
"So you are telling me na puwede kang mahulog kay Steffan."
Napakunot noong tiningnan ko siya. It wasn't a question, it was a statement na sinabi niya. Bakit nasali ang lalaking hambog na iyon sa usapan?
"Huwag mong ibahin ang usapan, Homer." Giit ko sa kanya. Nililigaw niya lang ang utak ko dahil ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol sa kanya.
"Haist, puwede ba Veronica, humanap ka nalang ng ibang topic. Huwag ang tungkol sa akin dahil ayokong pag-usapan iyon. At just limit your pambabara sa akin, I'm still your brother at kapatid kita. Dahil matanda pa ako saiyo, you're under my roof."
"Now you are talking that way." Naiinis kong wika. Ginagamit na naman niya ang estado niya sa aming pamilya. Alam niyang nagi-guilty ako kapag pinapaalala niya sa akin na kuya ko siya at kailangan ng respeto.
Minabuti kong hindi na kumibo. Pagdating namin sa parking lot ng condo ay dinala ko ang maaari kong madala. Nang makapasok na kami ay inilapag ko lahat ang aking bitbit sa mesa.
Nakapamaywang akong tiningnan si Homer habang iniaayos ang aming mga pinamili.
"Ikaw nalang muna rito, Homer. Parang gusto ko nang magpahinga." Wika ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at pinagtabuyan akong umalis gamit ang kanyang kamay. Papasok na akong kwarto nang maalala ko ang aking bag sa couch. Kinuha ko ang bag sa couch at pumasok sa kwarto. Agad na bumungad sa akin ang malamig na air condition. Nakalimutan namin itong mapatay kanina. Kaya ganoon nalang kalamig ang buong kwarto.
Agad ko nang isinampa ang aking katawan sa malambot na kama at tuluyang nakatulog. Kinaumagahan ay nagising ako sa sobrang tahimik ng buong condominium. Napabalikwas ako ng bangon at lumabas ng kwarto.
Hindi ko makita si Homer at walang nararamdamang bakas na may ibang tao sa loob. Nakaalis na ang kapatid ko at hindi man lang ako ginising. Anong oras na ba?
Tiningnan ko ang wall clock at ang aking phone na hawak-hawak ko. Napasinghap ako nang tanghali na pala, malamang dahil sa pagod ay napasarap ang aking tulog.
Pagtingin ko sa mesa ay napangiti ako nang may nakahanda ng mga pagkain. Lumapit ako roon at may napansin na papel. Kinuha ko ito binasa.
"Hindi na kita ginising, maaga ako ngayon dahil may photoshoot ako. Breakfast is ready, initin mo nalang baka malamig na. -Homer." Malakas na basa ko.
Napaupo na ako. Nagpapasamalat ako dahil handa na pala ang pagkain kahit hotdog lang iyon at boil egg! Inabot ko ang toasted bread at kumain na.
Nang matapos ako ay naisipan kong maligo. Solong-solo ko na ang buong condo kaya nagtatampisaw na ako sa malamig na tubig.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagpupunas ng basa kong katawan nang may narinig akong kaluskos sa labas. Parang may tao, hindi ko alam king sino iyon baka si Kuya Douglas lang o hindi kaya si Homer. Tinapos ko ang pagpupunas at nagsuot na ng tuwalya. Paglabas ko ay wala namang kahit na anong tao. Baka sa kabilang condo iyon, napabuntong hininga akong pumasok sa kwarto. Hinubad ko ang tuwalya at naglagay ng lotion sa aking buong katawan. Nang matapos ako ay kumuha na ako ng underwear. Pabukas na ako ng cabinet nang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ang pumasok.
"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko at hinablot ang aking mga damit na maaaring matakpan ang aking maselang bahagi.
"Sorry! Sorry!" Nagmamadali siyang lumabas sa kwarto at isinara ang pinto. Sa aking takot ay wala pang isang minuto ay nakapagbihis na ako. Bwesit na lalaking iyon!
Galit na galit kong binuksan ang pinto at naabutan ko siyang nakaupo sa couch.
"Walanghiya ka, ba't hindi ka man lang kumatok, ha!"
"Wala naman akong ibang nakita." Ngayon ay kalmado na ang boses ni Steffan. Kumukulo parin ang dugo sa nangyari kanina.
"Teka nga, ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka nakapasok sa loob? Magnanakaw ka ba?"
"Wow ha. Sa gwapo kong ito magnanakaw ako?" Kumindat siya sa akin at tiningnan ang buo kong katawan. Nakaramdam ako ng kilabot kaya napaatras ako! s**t! Nagsisinungaling si Steffan na wala siyang nakita kanina!
"Bastos!" Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at ini-lock iyon. Agad kong hinanap ang aking cellphone para tawagan si Kuya Douglas ngunit wala sa kama. Doon ko napagtanto na bitbit ko iyon kanina habang kumakain ako! Naiwan ko sa mesa.
"s**t! Kailangan kong makuha iyon."
Pagbukas ko ng pinto ay siya ring paghawak sana ni Steffan sa doorknob. Agad akong napaatras sa sobrang kaba, bakit siya papasok?
"Diyan ka lang? Huwag kang magkakamali sa binabalak mo. I tell you, kung nakakatumba ako ng baka ay hindi mahirap sa akin ang magpatumba ng tao." Pagbabanta ko sa kanya. s**t lang dahil iba ang titig ni Steffan sa akin. Hindi ko alam dahil parang nagbabanta siya. Napalunok ako ng laway dahil nanginginig na ang buong tuhod ko.
"Easy, Veronica, walang mangyayari saiyo kapag hindi ka manlalaban."
Nagsitayuan ang aking mga balhibo sa katawan ng kagatin ni Steffan ang ibabang bahagi ng labi nito. s**t, talagang may binabalak siya sa akin!
"Subukan mong hawakan ako, papatayin talaga kita, Steffan."
Tinitigan ko siya sa mukha. Bigla nalang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at namula ito. Nakita ko nalang siyang tawa ng tawa!
Galit akong tiningnan siya, "are you making fun of me?" Inis na inis ako. Gusto ko siyang suntukin iyong masusugatan ang labi niya at may maraming dugo na lalabas!
"Hindi pa ba obvious? Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gahasain ka, Veronica. Bakit kailangan ko pang gumahasa eh, sa simpleng kindat ko lang ay nalalaglag na ang kanilang mga panty."
Shit! Nangangalaiti ako ngayon sa sobrang kayabangan ng lalaking ito!
"Ano ba ang kailangan mo, ha? Para makaalis ka na." Ani ko nalang.
"Well, nandito ako para hiramin ang libro ni Douglas sa medicine. Hindi niya makukuha rito ang book dahil dumating ang mga magulang ni Angel at ang parents ni Douglas. Kaya ako nalang ang nagboluntaryo rito." Aniya.
Agad akong kinabahan, well, hindi naman totally kinakabahan dahil sigurado akong alam na naman siguro ng pamilya ni Angel.
Hindi ko pinansin si Steffan kaya hinanap na nito ang libro. Madali naman niya iyong nahanap kaya nang aalis na sana ito ay pinigilan ko siya saglit.
"Sandali lang." Ani ko sa kanya. Huminto siya at lokong ngumiti sa akin. "Pupunta ka na bang ospital?" Gusto kong makiintriga sa mga pag-uusapan nila. Sigurado akong sa ospital ang punta ng pamilya ni Angel at maging sina Tito Andrew at Tita Vanessa.
"Yes, may operation ako mamaya kaya kailangan ko nang bumalik roon." Sagot ni Steffan.
Napasinghap ako, "sasabay ako saiyo." Nakakahiya man pero mas mainam na iyon. Wala si Homer kaya sigurado akong wala ang kotse nito.
"Fine."
"Hintayin mo ako sa baba." Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Kailangang presentable ako sa harap nila!
Hindi na rin ako gaanong nagtagal kaya nagmamadali akong lumabas. Pagpunta ko sa harap ng parking lot ay agad akong nanlumo at pinanghinaan ng loob nang walang kahit ni isang kotse roon! Iginiya ko ang aking tingin para hanapin si Steffan ngunit hindi ko makita ang lalaki!
"Bwesit ka Steffan!" Mas lalo pa akong nanggigil sa lalaking iyon. Hindi man lang ako hinintay.
Wala akong nagawa kundi mag-abang ng taxi! Nakakainis lang dahil sobrang init ng araw, agad akong pinawisan.
Halos sampung minuto rin akong naghintay bago nakasakay ng taxi.
Inis na inis ako sa loob ng kotse. Sobrang nakakagalit ang ginawa ni Steffan sa akin.
"Nakakainis!" Gigil na gigil ako.
"Okey lang po ba kayo, Ma'am?" Nagtatakang tanong ng driver.
"Huwag mo akong pansinin, kuya. Galit lang ako sa isang tao." Galit na galit, isinusumpa kong makakaganti rin ako sa lalaking iyon!
Pagdating ko sa loob ng ospital ay pasulyap-sulyap ako baka makita ko si Steffan ngunit hindi ko siya nakita. Sinulyapan ko ang impakta na nakaaaway ko kahapon. Wala ito sa upuan baka hindi lang pumasok. Dumiritso na lamang ako sa itaas para makita na sina Angel.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng room ni Angel nang may tumawag sa akin. Agad kong naikuyom ang aking kamao ng makilala ang boses.
Nandidilim ang mga kong hinarap si Steffan. Nakangiti siya sa akin na wari'y bay wala itong ginawang kasalanan sa akin.
"Ang bilis mong dumating." Aniya at nakapamulsa pa ang gago.
Sa halip na kausapin ko siya ay lumapit ako ng bahagya at ubod lakas na sinuntok ang labi niya. Napabagsak ang lalaki at kitang-kita kung paano tumagos ang dugo nito sa sugat ng kanyang labi.
"Bwesit ka! Akala mo natutuwa ako sa ginawa mo sa akin kanina." Tatadyakan ko sana siya nang dumating sina Kuya Douglas, Tita Vanessa at Tito Andrew. Nanlaki ang mga mata nila sa ginawa ko kay Steffan.
Mabilis na tumayo si Steffan at pinunasan nito ang dugo gamit ang kanyang panyo. Namumula ang mukha kong tiningnan sina Kuya Douglas.
"Bakit mo sinuntok si Steffan?" Nagtatakang tanong ng pinsan ko.
Napabuntong hininga akong tiningnan si Steffan, "why don't you ask him kung ano ang ginawa niya sa akin." Galit kong wika.
Ngayon ay na kay Steffan ang mga mata nila. Sandaling nagtaka ang lalaki ngunit nagawa nitong ngumiti.
"She thought na iniwan ko siya kanina sa condo mo, but the truth is nag-CR pa ako."
"Sinungaling, wala na ang kotse mo nong bumaba ako." At talagang pinapakita nito na kasalanan ko talaga.
"Nasa akin ang kotse ni Steffan." Si Kuya Douglas ang nagsalita at inilabas niya iyon sa bulsa ng walking short.
-ATHAPOS