Chapter 06
3rd Person's POV
Napaatras ang mga parents doon. Ang mag-asawa na iyon ang may ari ng park at kilalang pamilya sa bansa na iyon. Kilalang judge ang babae at detective ang matandang lalaki.
"Tama ang pagkakabasa ko sa bituin. Tama ang pasya ko na pumunta dito ngayon araw," ani ng matandang babae na nakangiti. Matapang ang expression nito at talagang makapal ang make up.
"Kiel! Siya iyong matandang manghuhula na sinabing hindi ka aabot ng 23 at bigyan kita ng bracelate!"
Tuwang-tuwa si Sylvia at tinuro ang matanda. Kumunot ang noo ni Jc dahil pamilyar sa kaniya ang matanda na iyon.
"Nagkita na ba tayo somewhere?" tanong ni Jc sa matandang babae. Para kasing pamilyar ito sa kaniya.
"Ikaw iyong kasama 'nong napagkamalam kong elementary student na babae."
Napatigil si Jc then biglang tumawa. Tinanong ni Harold kung kilala ni Jc iyong babae.
"Siya iyong kinuwento ko na matanda. Dinala sa lost and found si Hershey. Nilagay sa push cart si Hershey," ani ni Jc. Napasapo si Kiel sa noo. Tinanong ng matandang lalaki ang asawa kung paano nakilala ng asawa ang nga bata na iyon.
"Destiny— sinabi ko na sa iyo last time na iyong bituin ko konektado sa mga bituin ng mga batang doble ang age gap sa akin. Mga taong hindi ko kilala," ani ng matanda at hinawakan ang baba niya.
"Grandma, play," ani ng batang nasa tatlong taong gulang at tinuro sina Gavin sa hindi kalayuan. Kumakaway ang mga ito na parang tinatawag ang bata.
"Sige play ka na."
Bumitaw ang bata sa kamay ng lolo nito at tunakbo palapit kina Gavin. Natuwa ang matandang babae dahil nga nalaman nito na nailigtas ni Sylvia si Kiel at magkasama na sila.
Tiningnan ng matanda si Sorenn. Bumakas ang lungkot sa mukha ng matanda.
"Sobrang liwanag ng bituin ng batang ito. Hindi nakakapagtaka na anak mo siya," ani ng matanda. Sinabi ni Sylvia na iyon din ang sinabi ng matanda noong nakita siya nito sa labas ng school.
"Kayo din nagsabi na hindi maganda ang ibig sabihin kapag masyado maliwanag ang bituin."
Taningnan ng matanda ang dalawa pang nasa stroller. Napangiti ang matanda at sinabing magiging okay din ang anak ni Sylvia.
"Anyway, ang gwapo pala talaga ng husband mo. Nakakuha ka ba ng hinahanap mong love potion?" tanong ng matanda. Nataranta si Sylvia at sinabing huwag maingay. Napatingin si Kiel
"Manang— kamusta si Kiel? Hindi na ba delikado ang buhay niya?"
Bulong ni Sylvia. Napatingin ang matanda kay Kiel na ngayon ay kausap ang asawa niya at si Harold. Napangiti ang matanda at lumingon kay Sylvia.
"Hindi porket sinabi ko na walang liwanag ang bituin ng husband mo ay ibig sabihin 'non nanganganib siya."
Ang mga bituin na katulad ng kay Kiel ay mas delikado. Pinagmasdan ng matanda si Kiel, si Jc then si Harold.
"Kadalasan sila pa ang mga delikado," natatawa na sambit ng matanda. Biro lang iyon ngunit naagaw nito ang pansin ni Jc since siya ang nakakarinig sa usapan ng dalawa.
"I want to make sure lang naman. Ayaw ko mabiyuda ng maaga," ani ni Sylvia na nakanguso. Tumawa ang babae at sinabing mahaba ang buhay ni Kiel.
"Ang galing mo talaga manang manghuhula."
Hinawakan ng babae ang kamay ng ginang at winagayway iyon. Natawa ang matanda. Napatigil si Sylvia sandali matapos bumitaw na si Sorenn at lumingon.
Binaba na ni Sylvia ang damit at sinabi na busog an si Sorenn. Natawa ang ginang at tinanong kung pwede nito hawakan ang bata.
Binigay ni Sylvia si Sorenn. Sinabi ni Jc na mabuting mommy si Sylvia.
"Mukhang malusog ang mga anak mo."
Natawa si Sylvia sinabing alagang-alaga niya ang triplets.
"Maganda talaga sa mga baby ang breastfeeding kaya nga tuwang-tuwa ako noong makita ko si Sylvia. Sa panahon kasi ngayon bihira na sa mga nanay ang nagpapa-breasfeed at nag-aalaga ng mga anak nila," ani ng matanda. Naiintindihan iyon ni Jc.
Kung mayaman ang isang pamilya. Pipiliin mo pa ba ang magpa-breastfeed at alagaan ang mga anak mo kung may nanny naman at kaya mo bumili ng mamahaling nga gatas.
Incovenient pati iyon dahil malaking sacrifice iyon para sa mommy hindi lang sa physically pati na din emotionally.
Pinuri nina Jc si Sylvia na medyo nahihiya na. Sinabing hindi naman bigdeal iyon. Isa siyang mommy.
"I love them. Mahal ko sila katulad ng kung gaano ko kamahal si Kiel. Siyempre kapag mahal mo gagawin mo iyong mga bagay na alam mong best para sa kanila. Mahirap maging mommy— pero hindi pwede sumuko," ani ni Sylvia at itinaas ang kamao.
Natawa si Jc dahil sa lakas ng fighting spirit ni Sylvia. Natawa si Harold sinabing kita sa mukha ni Kiel ang pagka-head over heels nito sa asawa. Nakatitig kasi si Kiel kanina pa sa asawa nito na tumatawa kausap sina Jc.
"You idiot. Mas wierd kung hindi ako ganito sa asawa ko hindi ba?" tanong ni Kiel at nilingon si Harold na natatawa na tinaas ang kamay.
Noong lunch na at talagang mainit na sa park ay nagkaayaan na bumalik. Napagod na din ang mga anak nina Harold na hindi na umalis sa tabi ng ama nila.
"Aww, napagod yata ang mga anak ko," ani ni Sylvia. Nakatulog na kasi ang tatlo pag-uwi nila at matapos ito linisan ni Sylvia.
Humiga din si Sylvia sa kama at tumagilid. Inantok din kasi siya after 'non. Nakatingin lang siya sa mga anak na natutulog hanggang sa hilahin na din nga siya ng antok.
Pagtaas ni Kiel ng hagdan para ayain na si Sylvia kumain. Nakita niya na mahimbing ang tulog ng mag-iina niya. Natawa na lang si Kiel dahil pareho ng sleeping posture si Sylvia at Elija.
Isinara ni Kiel ang pinto at naglakad palapit kay Sylvia na natutulog. Humiga na lang din si Kiel sa tabi ni Sylvia since hindi pa din naman siya nagugutom. Tumagilid si Kiel at inihiga si Sylvia sa mga braso niya. Iniikot niya ang babae paharap sa kaniya at niyakap ito.
Namimis niya ang amoy ni Sylvia. Mas naging masarap ang tulog ni Sylvia dahil sa warm na nararamdaman niya galing sa asawa at sa natural scent nito.
Hindi alam ni Sylvia kung ilang oras siya nakatulog dahil noong magising siya ay nagugutom na siya. Nakita niya din ang sarili na nakakulong sa mga braso ni Kiel. Agad na namula ang babae at bumilis ang t***k ng puso. Tumingala si Sylvia at bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Kiel.
Ngayon nakikita niya ito parang isa lang iyon panaginip. Napakagwapo kasi ni Kiel at hindi siya makapaniwala na asawa niya ito.
Humagikhik ang babae at niyakap ito ng mas mahigpit. Hindi kasi niya pa din maiwasan kiligin sa simple gesture nito like— tumabi ito sa kaniya at tapos niyakap na lang siya.
"Mukhang mas maganda mood mo ngayon," ani ni Kiel. Nagising si Kiel. Bahagyang tuminhala si Sylvia at ngumiti. Bahagyang natulala si Kiel.
"Pakiramdam ko kasi nanaginip pa din ako tuwing nagigising ako tapos bumubungad sa akin ang gwapong mukha ng asawa ko."