Chapter 07
3rd Person's POV
Hinalikan ni Kiel si Sylvia sa labi. Agad naman sumagot ang babae at hinawakan ang pisngi ng asawa.
Naging maganda ang araw na iyon para kay Sylvia at sa mga sumunod pa na araw then buwan.
"Oh my! Nakakatayo na si Elliseo! Papa look!"
Tuwang-tuwa si Sylvia. Naglalaro kasi ang triplets tapos nakita niya nagpupumilit na tumayo si Elliseo.
Nakatingin lang naman si Elija na nakaupo din at nasa labi ang daliri. Agad naman kinuha ng matandang Villiegas ang phone niya at kinuhanan ng video ang apo. Tuwang-tuwa sina Ward na tshini-cheer ang mga alaga nila.
Humiga si Sorenn sa carpet at dumipa. Natawa si Leon at kinuha si Sorenn sinabing huwag tamad si Sorenn at mag-practice na din maglakad.
Itinungkod ni Elija ang dalawang kamay then pilit din timutulak ang sarili. Nagawa ni Elija din tumayo ngunit agad din ito napaupo.
Na-frustrated ito at nagtawag ng mama. Natawa si Sylvia at lumapit. Inalo ang anak.
"Gosh, huwag susuko baby. Magagawa mo din tumayo okay?"
Natutuwa si Sylvia at hinalikan ang noo ng anak para i-comfort ito. Nakita ni Sylvia si Elliseo na nakatayo ngunit noong sinubukan nito humakbang ay nasubsob ito. Hindi naman nag-aalala si Sylvia dahil malambot ang matres na nilagay nila sa living room para sa mga bata since nagsisimula na nga ang mga ito tumayo.
Sumalubong ang kilay ni Elliseo. Natawa sima Ward at sinabing bigla nila nakita ang pinuno nila.
Hindi umiyak si Elliseo ngunit umupo ito at tinitingnan ang mga kamay. Nagtaka si Sylvia matapos gumapang palapit sa kaniya si Elliseo.
Inilagay nito ang mga kamay sa hita niya at tumayo.
"Why baby?"
Nilapit ni Elliseo ang kamay sa ina. Nagsalita ng hurt.
Natawa si Sylvia at tinanong bakit hindi ito umiyak. Hinawakan ni Sylvia ang maliit na kamay ng anak then sinilip iyon.
"Okay ibo-blow na lang ni mommy para mag-woshoo woshoo ang pain!"
Hinipan ni Sylvia ang kamay ni Elliseo. Tumawa ang bata at umupo ulit. Lumapit din sima Elija at Sorenn. Then binigay kamay nila.
"Blow ko din?"
Parang magkakaroon ng heart attack si Sylvia. Ang cute ng mga anak niya tapos may mga mata ito na katulad sa asawa.
"Ow my god. Feeling ko in love ulit ako. Ang cute ng mga anak ko."
Niyakap ni Sylvia ang mga anak. Natawa sima Caith at sumang-ayon. Kinuhanan nila ng video sina Sylvia at sinend agad iyon sa pinuno nila.
Binilin kasi ng pinuno nila na laging kuhanan ng video ang mag-iina niya. Natutuwa ang matanda na kinuha si Elija na lumapit sa kaniya at may inaabot na toy.
"Hindi pwede iyon. Sa akin ka lang pwede ma-in love."
Dumating si Kiel. Halata sa mukha ni Kiel ang stress at pagod then agad iyon nawala noong maliwanag ang mukha na napatingin si Sylvia at tinawag siya.
"Da! Da!"
Nakita ni Kiel na nag-uunahan ang triplets palapit sa kaniya. Napanguso si Sylvia at sinabing inunahan siya ng triplets.
Binati ni Kiel ang mga anak. Lumuhod ang lalaki at niyakap ang mga anak matapos halikan ang mga ito sa pisngi.
"Namis niyo si daddy?"
Tumayo na si Sylvia mula sa pagkakaupo sa carpet at lumapit sa asawa. Sinabing gusto niya din ng kiss. Hindi pwedeng wala siya 'non.
Parang bata na lumingkis si Sylvia sa leeg ni Kiel na natawa na lang. Napangiti na lang si Abel. Nawala kasi bigla ang black aura ni Kiel noong pagtapak niya ng mansion at nakita ang mag-iina niya.
Hindi naging maganda ang araw na iyon kay Kiel dahil sa mga bagay na kailangan niya ayusin sa black sector at pagha-hunting sa langaw na umaaligid sa organization ng mga Villiegas.
"Naku nagpapakitang gilas si Elliseo," komento ni Sylvia na natatawa. Bigla kasi tumayo si Elliseo matapos tumalikod sa kanila. Nagsimula ito humakbang ng isa noong pangalawa na ay bumangon ito at nagsimula muli maglakad.
Natawa ang matanda sinabing gusto na ni Elliseo agad na tumakbo. Gumapang si Elija at sinundan ang kapatid.
"Ya! Ya!"
Nagpapalakpak si Sorenn at para bang tshini-cheer nito ang mga kapatid. Sinabi ni Leon na walang balak si Sorenn maglakad. Nakaupo si Sorenn sa mga hita ng ama. Natawa si Kiel at pinanood ang dalawang anak na lalaki.
Maingay sa living room dahil todo cheer sina Ward sa mga alaga nila. Tuwang-tuwa naman ang mga bata.
Nakatingin lang si Kiel sa mga anak at kay Sylvia. Nahawakan ni Kiel ng mahigpit ang mga tuhod.
Nakatingin lang ang matanda sa anak then noong pumunta si Kiel sa garden dala ang can ng beer at lumapit ang matanda sa anak.
"Iba ang tingin mo kanina kina Sylvia. Anong problema?" tanong ng matanda. Bahagyang lumingon si Kiel.
"Sumusobra na si mom, dad. Hindi na pwede manahimik pa ako specially sa position ko ngayon. Natatakot din ako para sa mag-ina ko."
Sinabi ng matanda na gawin ni Kiel kung anong sa tingin ni Kiel ang tama. Napatigil si Kiel at napaharap sa ama.
"Dad, sinasabi mo ba na patayin ko si mom?" tanong ni Kiel. Hindi lang ang ina ni Kiel pati na din ang pamilya ni Sylvia.
"Tandaan mo Kiel na isa ka ng mafia boss. Isa ka din ama at may bago ka ng pamilya na kailangan mo protekatahan," ani ng matanda. Napatigil si Kiel. Matapos marinig iyon.
Tinanong ni Kiel ang ama kung magagawa ba iyon ng ama niya kung siya ang nasa posisyon nito.
"Pinatay ko ang nakakabatang kapatid ng mom mo na bestfriend ko at para ko na din kapatid," ani ng matanda. Napatigil si Kiel. Naglakad ang matanda patungo sa pond.
"Gusto niya sirain ang organisasyon. Alisin sa pwesto ang mga Villiegas," ani ng matanda. Sinabi ng matanda na iyon ang dahilan bakit ganoon na lang ang galit ng ina ni Kiel sa kaniya.
"Dad, bakit— ikaw ang pumatay kay uncle?"
Naalala ni Kiel na close ang ama niya at kapatid ng ina niya. Mabait ito sa kanila at halos ito din nagpalaki sa kanila dahil busy lagi ang ama.
Sumalubong ang kilay ni Kiel at tinanong kung gaano ba kahalaga ang organisasyon na iyon para sirain ng matanda ang pamilya nila.
"Hindi ang organisasyon ang mahalaga sa akin kung hindi kayo ni Kian."
Napatigil si Kiel. Sinabi ng matanda na sumpa ang pagiging Villiegas. Kung may mapagpipilian lang siya ay matagal niya ng iniwan ang organisasyon at namuhay ng tahimik kasama ang ina nila.
"Pero wala akong choice. If i give up ko ang organisasyon para ko na din sinuko ang buhay niyo kay kamatayan."