MARAHAN akong umupo sa silya habang isinasalin ni Akihiro ang iniluto niyang chopsuey sa mangkok. He placed some of it in front of me and gave me rice on my plate.
“Ang dami na.” Saad ko at marahang inilayo ang lalagyanan ng kanin. Tumawa naman siya at umiling.
“You have to eat more, baby. Pumayat ka ng sobra.”
“I’m slim.” I stated matter of factly. Nagsalin siya ng tubig sa basong nasa harapan ko bago umupo katabi ko.
“Yeah and I don’t like it.”
“Ikaw lang ang lalaking ayaw sa slim na babae.”
Nagkibit-balikat siya. “Well, I like seeing other girls who are slim, but not you.” Sumubo ako ng isang beses at hindi na sumagot.
Silence covered us for a moment, but then, an awkward moment of silence makes me want to know more of those lost memories which is not good because I know for a fact that I might get pressured, in the end, I was the one who broke that silence.
“P’wede ba nating puntahan si Hera ngayon?” He stared at me for a moment before answering.
“You have to rest. Bukas na lang.” Mahinahon niyang sagot.
“Hindi ka ba magtatrabaho?” Tanong ko na hindi nakatingin sa kanya.
“Nope. I’ll take care of you.”
“Sinong gagawa sa mga naiwan mong trabaho?”
“Papa will do, tutulungan naman siya ni Papa Marco.”
“Dalawa Papa mo?” Muntikan ko nang sapukin ang sarili ko sa naging tanong ko.
Damn! I just want to open some topics and it turns out the wrong way. Common sense nowadays is not really common. Ayoko lang na tahimik kaming dalawa. Pakiramdam ko ay takot akong mamayani ang katahimikan sa aming dalawa. Iyong parang may maalala akong makakasakit sa akin?
It’s kind of ironoic because I want to remember everything, but then, part of me is afraid of remembering everything. I don’t get myself…
“Silly. I am referring to your father.” Marahan siyang humalakhak pagkatapos sabihin ito kaya nag-iwas ako ng tingin, tumango na lang ako at ngumiti.
“Alam ko, I just want to make you laugh.”
“Yeah, and you never failed to do so.”
“Anyway, am I allowed to work?” Marahan naman siyang tumango, uminom din siya ng tubig bago nagsalita.
“You can do household chores, but don’t let yourself get tired too much. Bukas naman babalik na si Nanay Leni tapos ikinuha na rin kita ng driver para kung sakaling may gusto kang puntahan at wala ako, si Tatay Nestor, asawa ni Nanay Leni.” Mahabang sagot niya.
“Thank you. But I am not referring to that kind of work, I mean, sa kompanya niyo o kaya namin.” Saglit niya akong tinignan bago umiling.
“No.” His voice is filled with finality.
“No?” Pagkumpirma ko, tumango naman siya. “Bakit naman, I mean, I just can’t let myself be here the whole time.”
“You can at least ask Hera to go shopping with you. P’wede kang pumunta kahit saan. Bilhin ang lahat ng gusto mong bilhin. As long as I am your husband, hindi ka magtatrabaho.”
“Hanggang kailan ba kita magiging asawa?” Muntikan ko na namang batukan ang sarili ko.
“Until I die, Anya. Kaya huwag ka nang mangarap na magtrabaho pa.” Sagot niya ng nakasimangot. Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. “Kung tapos ka na, iwanan mo na lang diyan ang pinagkainan mo at magpahinga ka na.” masungit na saad niya at nakasimangot pa rin.
“M-Manonood na lang ako ng TV sa sala.” Sagot ko at iniwanan na siya pagkatapos kong kumain. Mula sa sala ay kita ko ang likod niya habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan namin.
Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko pero may parte sa akin ang nagsasabing may mali. Huminga ako ng malalim at itinuon na lang ang mga mata ko sa pinapanuod.
“What are you watching?” I nearly jump out of startle as he talked. Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya.
“Ah, I don’t know.” Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Pakiramdam ko kanina ay naiinis siya kaya parang ayoko siyang harapin, gusto kong mag-ingat sa mga salitang bibitawan ko. Naramdaman ko ang pag-galaw ng sofa hudyat na umupo siya sa tabi ko.
“What are you thinking?”
“Hindi ko rin alam…” Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.
“You’ve been answering things coming from your own world when you’re lying, baby.” Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa naging sagot niya.
“My own world? Tingin mo sa akin, hindi tao?” Marahan siyang humalakhak at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
“I guess that’s my way of explaining it.” Sagot niya. “Now, tell me what’s on your mind. I know you enough to say you’re lying.”
“N-Naiinis ka ata sa akin eh. Nakasimangot ka kanina.” Ngumiti naman siya at hinalikan ang kanang kamay ko na hawak niya.
“You want to know why?” marahan akong tumango, “Nainis ako sa tanong mo kung hanggang kailan mo ako magiging asawa. I feel like anytime soon, you’ll just going to leave me. And I don’t like that. I don’t want that to happen. I scared, baby. I am so scared.”
“S-Sorry.” Umiling siya at nginitian ako.
“I don’t easily accept apologies when I’m pissed. A kiss will do.” Bago pa ako magsalita ay hinalikan na niya ako sa pisngi. Napailing na lang ako. A simple act of sweetness, still, it made me smile.
We stayed at the living room watching TV for I don’t know how long. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako na nakasandal sa braso niya. Marahan kong iminulat ang mga mata ko makalipas ang ilang oras at nakita ang TV na nakapatay na. Nag-angat naman ako ng tingin.
I saw Akihiro with his eyes closed. Tumayo ako at agad na nagpunta ng kusina para kumuha ng tubig. Habang umiinom ng tubig ay nakatingin ako kay Akihiro na natutulog. Hanggang ngayon ay parang ayaw pa rin tanggapin ng sistema ko na asawa ko siya.
I don’t know if I am lucky or what by that fact, but one thing’s for sure. There’s really something that I need to find out. And as of now, I need to think hard on how to make my lost memories come back.
I am married to him. We have a promise ring. And I feel so damn happy about that fact. Hindi ko man maalala kung ano ang k’wento naming dalawa, alam ko sasarili ko na may nararamdaman ako para sa kanya. But why do I feel like there’s some things on my lost memories that I just want to remain lost?
Is it because of my insecurities? Or there’s really something wrong that I just want to forget because it will only hurt me?
“Hey.” Bigla akong napatingin sa kanya. Saka ko lang namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan ko. “Is there a problem?”
“Wala naman, m-may iniisip lang ako.”
“Anya.” His voice’s authority’s telling me exactly that he’s trying to warn me.
“I know. I know, okay? I’m not pressuring myself.”
“Please, Anya. I know how hard this thing is for you, but I don’t want to see you hurting. Dr. Mariano told you exactly that your memories will eventually come back, please.” Lumapit pa siya lalo sa akin bago hinaplos ang kanang pisngi ko.
I stared at his face, his wavy hair just added to his prominent manly features, his jaw line, perfectly white teeth, pointed nose, kissable lips and chocolate brown eyes. No wonder that tons of girls are shedding interest on him.
“Do you want a sandwich? I’ll make some.” Ipinakita ko sa kanya ang bread pan at mayonnaise na nasa harap ko.
Akmang bubuksan ko na ang mayonnaise pero inagaw niya ito sa akin at siya ang nagbukas. Hinawakan din niya ang kutsarang hawak ko para siya na ang gumawa ng sandwich.
“You have to rest, so let me just do it for you. Wala ka pang maayos na pahinga.”
“Pero wala ka pa rin namang pahinga. Ikaw rin ang nagluto kanina.” I replied matter of factly.
He gave me an amused look as if he found my words interesting. I looked away as I felt a familiar feeling of awkwardness. Was I always this spoiled? Parang ayokong paniwalaan. Ayoko rin na makasanayan kasi naniniwala ako na walang permanente sa mundo.
If we let ourselves stay only on one thing, then there’s a lot of possibilities that we might get hurt. Hindi natin alam kung sino ang totoo at hindi sa mundo. Hindi natin alam kung sino ang mananatili sa tabi natin hanggang sa dulo.
Kasi minsan, kahit pamilya mo iniiwanan ka. It’s a matter of fact. A simple thing that makes me believe that everything in this world is dynamic.