Prologue
PAANO nga ba ang magmahal? ‘Yan ang tanong na pilit na naglalaro sa isipan ko. Noong una kasi, hindi ko talaga alam kung paano.
Pero noong dumating siya, lahat nagbago. Lahat ng pananaw at paniniwala ko sa buhay, nabago niya. One of our professors asked us back then if what love is.
Sabi no’ng kaklase namin na binabae: “Love is the most mysterious thing people can experience. Kapag kasi sinabing Love, hindi ibig sabihin ay para sa opposite s*x lang. Kapag puso na ang nagsalita, sa kapwa babae o sa kapwa lalaki ka man na-inlove, wala ka ng magagawa.”
I laughed sarcastically with what I just heard.
Sabi naman no’ng kaklase naming lesbian: “Love is all about the sacrifices that you can give. We, lesbians also wanted to be love without criticizing and underestimating what we have and what we can give.”
I was actually taken aback with what she just said. Still, I was not convince enough to believe in it.
My story is not about same s*x relationship. It is about how far we can go through bad sides of love and life without giving up.
Sabi no’ng kaklase kong babae: “Love is the most romantic but most dramatic thing people can experience. Romantic kasi masaya sa pakiramdam, dramatic kasi sa panahon ngayon bihira na lang ang true love. ‘Yong tipong ibibigay mo na ang lahat pero hindi parin masuklian ng sapat.”
Kahit kailan talaga ay hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ng mga babae.
Ako naman ang sunod na sumagot: “When we say Love, it’s just the shortest term for spread legs, enter in and feel the pleasure.”
Lahat nagtawanan sa sinagot ko. Well, that’s what I thought. Ayokong maniwala sa pagmamahal. Marriage is not a solution to prove how much you love each other. Once someone got married, I believe they thought that they’re just matured and old enough to tie the knots.
Bakit nga ba naniniwala sila sa pagmamahal kung puro pasakit lang ang ibinibigay nito? Most probably they are all a fan of fairytales back when they’re still little. Hindi kagaya ko, sa murang edad puro problema na ang hinaharap ko.
Mama and Papa were always fighting. Why? Simply because they don’t really love each other. They’re fixed marriage. Kaya lang sila nagta-tiyaga na magsama ay dahil sa akin. Bago ako matulog, lagi ko silang naririnig na nag-aaway.
Fairytales are just fairytales. They’re just stupid things that makes a hopeless romantic believe in shits like happily ever after exist.
Papa even told me not to let my emotions dictate me. At ‘yan ang dahilan kung bakit patuloy na tumatak sa isipan kong hindi totoo ang pagmamahal. I do have girls with me, but there’s no feeling involve.
Mama died when I was twenty-one because of cancer. I cried a liter of tears, and so Papa did. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak samantalang hindi naman niya naiparamdam kay Mama na mahal niya ito.
Dahil sa nangyari muntikan nang malugi ang kompanya namin. Pero may mga kaibigan si Papa na handang tumulong at ang kapalit? We need to do a fix marriage to merge our company. Ayos lang sa akin. Iyan naman talaga ang dahilan kung bakit nila ako binuhay.
And there she came. We got married. She slayed and tamed all my demons. She made me believe that love exists. Iminulat niya ako sa mga magagandang bagay at hindi iniwanan kahit na sobrang nasasaktan ko na pala siya.
Mataman kong pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Hindi ako makapaniwala na ngayon ko lang nakikita ang lahat ng meron siya. Ang lahat ng ginawa niya para sa akin.
We were fixed marriage just like what happened to Mama and Papa. I thought at first that, that’s just it. But I thought wrong. She made me feel love. She melts the icy wall that was wrapped around my heart.
Unti-unti kong binitawan ang kamay niya at pinagmasdan siyang lumayo sa akin. I love her. That’s the truth. Pero totoo nga na nasa huli ang pagsisisi. May bakas pa ng natuyong luha sa kanyang mga mata.
Malalaman mo ang lahat ng pagkakamali mo kapag nasa sukdulan na. Biglang bumalik sa akin ang sinabi niya no’ng minsang makita ko siyang nanonood ng paborito niyang love story na A Walk to Remember.
“That’s the reason why certain people believe in love. That’s bull.”
“Love is true.”
“How can you say so?”
“Because it is.”
“That’s just infatuation. People are just being in love with the idea of in love. Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano malalaman na love na nga ang nararamdaman mo?”
“Iyong tipong siya lagi ang iniisip mo. Iyong tipong napapangiti ka niya kahit na sobrang naiinis ka na. Iyong tipong kaya mong gawin lahat ng gusto niya, at iyong tipong nananatili ka pa rin sa tabi niya kahit na sobrang nasasaktan ka na.”
Napa-upo ako sa sahig at nanlalamig ang mga kamay, pinagmamasdan ang unti-unting paglayo niya sa akin.
Nagmamadali ang lahat ng nurse at doktor. I can’t lose her. I… I just can’t.
“Aki, w-what happened?” Dinig kong tanong ni Marco Umali, ang kanyang ama. Pero hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa papalayo niyang katawan na walang malay.
“Oh my God…” narinig kong bulong ni Anne Umali, ang kanyang ina.
“Anya…” Bulong ko nang maipasok na siya sa emergency room, “Please fight for me Anya… I can’t afford to lose you. Please fight. I love you.”