IGINALA ko ang mata ko sa paligid. Sabay naming dinaanan ang mga tao sa loob ng restaurant na pinasukan namin. Ang ibang mga babae ay tumitingin sa direksiyon namin pero mukhang wala namang pakealam si Aki. Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko at nginitian ako. Ngumiti ako pabalik kahit na nahihiya na ako sa mga tinging ibinibigay ng mga tao. “Anya!” Agad akong nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ni Hera. I saw our friends occupying one of the tables. Medyo nasa dulo sila. Katabi ni Hera si Kyra, nasa harap naman nila sina Red, Yanhur at Chloe. Agad kaming lumapit ni Aki sa kanila at umupo. “Um-order na kami.” Saad ni Kyra. “Thank you.” I stared at Aki in confusion as he handed me the menu, “What?” He just shrugged his shoulders. “Foods here are good. You might want to tr