KAGAYA nang napag-usapan ay pinuntahan rin namin ang iba pang isla, magaalas tres ng hapon nang matapos kami at makabalik sa Lake House dahil hindi naman kami nagtatagal. We just visited and tried some of their best shots and then we’d move from one island to another. “Heto po manong, salamat.” Nakita kong inabutan ni Red ng tatlong libo si Manong. Ngumiti si manong at tumango kay Red. “Salamat din po. Sa uulitin.” Kumuha ng limang daan si Manong sa bulsa niya at inabot ito kay Red ngunit umiling si Red. “Keep it, manong.” Muli ay nagpasalamat si Manong bago namin siya iniwan. “Aren’t we going to swim?” Kyra asked. “What do you think?” tanong sa akin ni Aki. I don’t really feel like swimming but I don’t want to spoil the moment. “Sure.” Pumalakpak naman si Chloe at Hera na parang ak