“NAGHIHINTAY ba sa ‘yo si Mang Nestor?” tanong ni Aki pagkatapos naming kumain, umiling naman ako at ngumisi. “I still have a meeting but it won’t take long. Hintayin mo na ako.” “Okay.” Hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis. Nanatili ako sa opisina niya ng ilang sandali bago nagpasyang lumabas at maglakad-lakad. May pwesto pa akong narating na kung saan matatanaw mo ang kabuuan ng siyudad. Napakaganda. Bigla kong naalala ang hardin na nasa labas. Agad akong naglakad at nagpasyang pumunta ro’n. It’s not that I’m really fond of flowers and plants but I just found them refreshing. Hindi po ako tuluyang nakakalabas ng pinto ay nakita kong papasok si Keli. Nang makita niya ako ay napahinto siya. Ngumiti ako sa kanya at kumaway, bakas naman sa mukha niya ang pagtataka. I was about t