KUNG gaano kagandaang mga bulaklak sa hardin ni Mama Betty ay ganoon naman kasama ng panaginip ni Marissa kagabi. Napanaginipan niyang nagsuot daw siya ng nighties at kumatok sa pinto ng piano room ni Lance. Mabuti na lang nagising siya bago pa man bumukas ang pintong iyon. My god! Kahit ibitin siya nang patiwarik ay hinding-hindi niya gagawin ang ginawa niya sa panaginip! Grabe! Ang sama talaga. At wala siyang ibang sinisisi kung bakit iyon ang napanaginipan niya kundi si Lance. Si Lance na tinutukan siya ng patalim kagabi. “Dahan-dahan, hija. Baka mabunot mo ang mga ugat ng bulaklak,” paalala sa kanya ni Mama Betty. OMG! Muntik na niyang makalimutan na nasa hardin pala siya at tinutulungan ang ginang na magpunla ng mga rosas. Siya mismo ang nag-