Tumigil ang minamaneho kong sasakyan sa harap ng isang... Talyer? Hindi ganito ang inaasahan ko! Wait, relax ka lang, Shakki. Kaya nga nga narito kasi may kailangan ka sa kaniya. Think this, sa oras na makaharap mo siya, kumilos kang normal sa harap niya! Isipin mo, wala lang...
I released a heavy breath. Lumabas ako sa sasakyan. Pinindot ko ang lock sa remote na hawak ko. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. My goodness, may mga lalaking nakatambay sa may sari-sari store, ang sagwa nilang makatingin sa direksyon ko! Akala mo ngayon lang nakakita ng tao! Shocks, I hate drugs!
Tumayo ako nang ayos. Isinuot ko ang Chanel shoulder bag ko. Taas-noo akong naglakad papasok sa talyer. According to my source, narito daw si Vaughn Ho. Ang lalaking hihingian ng tulong. And please, sana narito siya!
Napangiwi ako dahil ang dumi ng na nakikita ko sa loob. Kawawa ang Prada shoes ko! Anyway, okay lang 'yan, I can manage, mag-iingat nalang ako kung anuman ang matatapakan ko kapag nagkataon.
"Magpapagawa po ba kayo?"
Halos matalon ako sa gulat nang biglang may sumulpot na lalaki sa harap ko. Sapo-sapo ako sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko! "My god!" bulalas ko.
"Po?" pakurap-kurap pa siyang tumingin sa akin.
Umayos ulit ako ng tindig. Tinaasan ko siya ng kilay. Hinubad ko ang aking Chanel shades. "May I know if Mr. Vaughn Ho is here?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatunganga lang siya sa akin. Muli ako napangiwi. Ano bang problema ng isang ito?!
"Pasensya na, miss, ha? Hindi kasi ako nakakaitindi ng Ingles. Pwedeng tagalugin mo nalang?"
I rolled my eyes and sighs. "Ang sabi ko, pwede ko bang malaman kung narito ba si Mr.Vaughn Hochengco. I need to-Oh, ibig kong sabihin, kailangan ko siyang makausap."
"Aaaaahhhhh, si Vaughn. Nag-aayos siya ng sasakyan ngayon, miss." sagot niya. "Pwede ko naman siyang puntahan. Teka, tatawagin ko lang-"
"No!" malakas kong sabi kaya natigilan siya. Humarap siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Ako nalang ang pupunta sa kaniya. Pwede naman niya akong... Kausapin habang may ginagawa siya..." As far as I remember, he's a multi-tasker!
"Ah, sige po." may itinuro siyang direksyon. "Kung makikita ninyo ang puting kotse na 'yon, iyan ang inaayusan niya ngayon."
"Okay, thanks." nagmartsa na akong papunta sa direksyon kung nasaan si Vaughn. But of course, nag-iingat pa rin ako baka may masagi ako dito at mabahiran ng grasa ang sapatos ko.
Hindi ko inaasahan na dito magtatrabaho si Vaughn. Sa labas palang ay makikita na ang liit-liit nang talyer na ito pero kung papasukin ang lugar na ito, malapad pala siya. May mga nakahilerang sasakyan din na mukhang inaayos pa. Lahat ng mga iyon ay puro mg mamahaling sasakyan.
Natigilan lang ako nang makita ko ang likod ng lalaking hinahanap ko. Mukhang abala siya sa kaniyang ginagawa na pag-aayos sa may bandang hood. Pero shetness naman, bakit naka-top less ang isang ito!? Hindi na ba uso sa kaniya ang damit?!
Marahan kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay na kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Lumunok ako ng ilang beses bago man ako tuluyang nakalapita sa kaniya.
"E-excuse me," shocks, bakit bigla ako ginapangan ng kaba ngayon! No, you can do this, Shakki! Remember your purpose, alright?
Kitang kita ko kung papaano siyang tumigil sa kaniyang ginawa. Humarap siya sa akin pero mas lalo nanlaki ang mga mata ko tumambad na sa akin ang katawan niya! My goodness, he's like a greek god! Ang ganda ng pagkafirm ng upper body niya! Tapos... Tapos ang abs pa niya... It's eight!
"Shakki?" tawag niya sa akin, may halong pagkagulat pa. "Anong ginagawa mo dito?"
Agad ko iniwas ang aking tingin. Hinimas-himas ko ang aking batok. "I need to talk to you..." mahina kong tugon.
Binawi niya ang kaniyang tingin at ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang ginagawa. "Tungkol saan?"
Humakbang ako ng dalawa palapit sa kaniya. "I need your help." saka ngumiwi ako. "I want you to marry me."
Muli siyang tumigil. Inilayo niya nang bahagya ang kaniyang sarili sa sasakyan. Hinarap niya ako na kunot na ang kaniyang noo. "What?" tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Y-yes, I mean it, Vaughn... I want you to marry me."
"Pagkatapos nating magpalitan ng laway, hihiwalayan mo ako? Ang masaklap pa, lalapit ka ngayon sa akin dahil may kailangan ka? Nice, Shakki..." nakangising pahayag niya habang hinuhubad niya ang mga guwantes sa mga kamay niya. Pagkatapos ay humarap siya sa akin. "Hindi ko na binabalikan ang mga naging ex ko, alam mo 'yan."
Sa mga binitawan niyang salita, para akong pinagsakluban ng langit at lupa! Natameme ako.
Damn you, really, Vaughn Ho!
Huwag kang papaapekto, Shakki. You can do this! "Well, they said it's sweeter the second time around. And I think, there's no worries about it." pero meron naman talaga! s**t lang, ha? Sa akin pa talaga nanggaling mga katagang iyon? Pero hindi iyon ang concern ko, hindi ako uuwi hangga't hindi ko mapa-oo ang isang ito!
"I prefer my principles. It's better for you to go home. Ngayon palang, tumatanggi na ako sa alok mo." aniya.
Napaawang ang bibig ko. "W-what? Are you rejecting me, huh?"
"Wala akong panahon para sa mga biro mo, alright? Please, go home because I'm really busy at this moment." malamig niyang turan saka tinalikuran na niya ako para bumalik na siya sa kaniyang trabaho.
I clenched my fist and bite my lower lip. "Continental f**k you, Vaughn Hochengco. Lemme me tell you this, I won't stop until your answer is yes! Remember that." hindi ko mapigilan ang aking inis nang sambitin ko iyon.
Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Continental f**k you? Minumura mo ba ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay saka nagchin up ako. "Oo, minumura kita. Pinasosyal ko lang." pagkatapos ay inirapan ko siya't nilayasan ko siya. Bwisit siya, hindi talaga nagbabago ang hinayupak!
__
Padabog kong hinagis ang bag ko pagdating ko sa condo unit ko. Hinagis ko din ang aking sarili sa kama padapa. Pinagsusuntok ko ang kuston para ibuhos ang frustrations ko. Hindi ko akalain na isang tulad ko... Si Shakki Eallaine Hamilton, tatanggihan ng isang lalaki! Like, siraulo ba siya? Pasalamat pa nga siya at ako pa ang nag-alok sa kaniya ng kasal dahil ngayon ko lang ginawa iyon sa buong buhay ko!
"Damn you, Vaughn! I hate you!" hiyaw ko kahit wala ang presensya niya dito sa loob ng master's bedroom.
Nang mahimasmas ay naisipan ko nalang na magluto ng dinner. Kailangan kong kumain bago ko ulit haharapin ang problema sa kumpanya. Hindi ko rin pa nakakausap ang pinsan kong si Anrod. Paniguradong tatawanan lang niya ako sa oras na masabi ko sa kaniya na tinanggihan ni Vaughn ang inaalok kong kasal!
Habang kumain ay nanonood din ako ng iilang videos through youtube. Minsan pa ay nagtitingin ako ng mga latest designs ng mga bahay.
After I ate, I decided to wash the dishes then, pupunta na ako sa kuwarto para magshower, magbihis at uumpisahan ko na ang trabaho ko.
Umupo ako sa high stool. Inilatag ko ang drafting paper, mga lapis at ilang gamit panukat sa drafting table. Kahit na malaki ang pinoproblema ko sa kumpaniya, hindi ko rin pwedeng iwan ang trabaho ko bilang arkitekto. Gayunpaman, may mga iilang proyekto din ang hawak ko pati na din si Anrod. Masasabi ko na kahit hindi pa pumapayag si Vaughn sa kagustuhan ko na pakasalan ako, atleast kahit dito lang sa mga ito ay mapupunan ko ang utang ng pamilya ko.
_
Tumigil ako sa aking ginagawa. Sumilip ako sa wall clock. Hindi ko na namalayan na alas onse y media na ng gabi. Mahabang oras pala ang ginugol ko sa pagguguhit ng mga desinyo ng mga bahay na isasagawa ko for next month.
Tumayo ako para mag-inat. Lumabas saglit para daluhan ang kusina. Magtitimpla ako ng kape. Hindi ako pwedeng matulog agad hangga't hindi ko pa natatapos ang trabaho ko.
Bumalik ako sa kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Marahan kong ipinatong sa side table ang tasa ng kape para lang silipin kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko dahil unknown number at bakit natawag ito ng ganitong oras?
Sinagot ko ang tawag. "Yes, hello?"
"It's me, nasa labas ako ng unit mo."
Natigilan ako nang bahagya nang marinig ko ang baritonong boses na 'yon. Kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari n'on. Wait, did he just said nasa labas siya?!
Aligaga akong lumabas ng kuwarto. Nakalimutan ko pang patayin ang tawag hanggang sa nabuksan ko ang pinto. Napaawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang bulto ng isang lalaki. Bakas sa mukha ko na hindi makapaniwala. Siya nga ang nasa harapan ko!
"H-how..." hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tagumpay siyang nakapasok dito sa unit. "Ano bang problema mo?" naiirita kong tanong sabay bawi ko sa aking kamay.
Humarap siya sa akin na seryoso ang kaniyang mukha na animo'y may ginawa akong malaking kasalanan sa kaniya! "Ikaw ang problema ko, Ms. Hamilton." mariin at galit niyang sagot.
Laglag ang panga ko. "Ano? At anong problema mo sa akin, ha?"
"How dare you to propose me in that way, huh?"
Natigilan ako. Anong problema niya sa proposal ko sa kaniya? Wala naman akong makitang mali doon! "Eh anong problema? Inaaya lang naman kitang pakasalan!"
"Oh yes, inaaya mo akong pakasalan pero bakit sa ganoon sitwasyon at eksena pa? Really, sa talyer ko pa ikaw magpoprose? Na ganoon ang histura ko?"
Kumunot ang noo ko. "Anong masama ba?" naguguluhan na ako, ha!
Napatampal siya sa kaniyang noo. "Oh motherfucker, hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyo." humakbang siya palapit sa akin at walang sabi na pinulupot ng isang braso niya ang bewang ko hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasandal na sa kaniyang katawan!
"Vaughn!" malakas kong suway sa kaniya. "Anong gagawin mo? Umayos ka kung ayaw mong mabasag ang jelly beans mo!"
"Alam mo kung anong ikinagagalit ko? Ayokong ikaw ang magpoprose sa akin." biglang namaos ang kaniyang boses. Titig na titig sa aking mga mata. "Marry me. Anytime, anywhere pero may kapalit."
"K-kapalit?" ulit ko pa. s**t, bakit nag-iinit ang magkabilang pisngi ko?! Dahil ba sa masyado siyang malapit sa akin?
"Yes, gusto kong ikaw ang magiging architect ng magiging bahay ko. I'll pay any amount." ibinaba pa niya ang mukha niya sa akin! He's getting closer to me!
Napalunok ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Take it or leave it? Answer me, mi amor (my love)..." he said. "Ikaw na din ang nagsabi, it's sweeter the second time around."
"V-Vaughn..."
"I know what's going on with you, mi amor. You want my name? I'll give it to you willingly. Pero may kapalit din iyon." then he smiled. "Tu corazon (your heart)."