prologue
Hindi ko mapigilan na hampasin ang isang kamay ko ang aking desk. Umaapaw ang inis sa aking sistema sa mga oras na ito. Hindi ko akalain na mapupunta sa wala ang pinaghirapan kong proposal letter! Kahit kanina ay nakatanggap ako ng tawag na hindi ko siya maaaring makita kahit saglit lang para lang pag-usapan ang importanteng bagay.
It's all about business!
To Hamilton Building Corp.,
Thanks for your detailed proposal.
Taking a look at the materials, it seems like your firm's key strengths don't quite overlap with what we need for this project. Thanks again for taking the time to put this proposal together for us.
Best wishes,
Hochengco Prime Holdings
I really need a help of Hochengco Empire, para lang maisalba ko ang kumpanya namin lalo na't lumulubog na ito. Alam kong hindi lang sila magaling pagdating sa food business, they have a chains of housing companies, especially condominiums! Damn it. Hindi pwedeng mawala sa amin ang kumpanya na ito dahil noong nabubuhay pa ang great grandfather ko, ay naitayo na ang construction firm na ito!
Pagod akong umupo sa swivel chair saka hinilot-hilot ko ang aking magkabilang sentido dahil sa problemang hinaharap ko ngayon. Aware na din ang parents ko tungkol sa lagay ng kumpanya, still, they seeking any help from their friends and business partners pero hanggang ngayon ay wala pang balita.
Naputol ang pag-iisip ko nag biglang may kumatok sa pinto ng Opisina ko. Inaabangan ko kung sino ang papasok. Bulto ng isang lalaki ang pumasok, nakangiti habang nakapamulsa sa kaniyang slacks. My only cousin, Anrod. Isa din siya sa mga empleyado ko dito sa kumpaniya. He's an Architect, by the way.
"What's with that face?" he asked.
I rolled my eyes. "I got a rejection letter earlier. Sheesh." hindi mawala ang iritasyon sa aking boses.
"Pang-anim mo na 'yan, ah. Anong kumpanya ba 'yan?"
"Hochengco Prime Holdings," tugon ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Umupo siya sa aking desk. "Nice target." he commented. "Hindi nga talaga maipagkaila, they are one of the largest Philippine Real Estate Developers. That will be a great catch.."
"Pero nareject nga ang proposal ko, Anrod." mariin kong sambit. Naroon pa rin ang frustrations sa boses ko. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit pa kasi tayo nagkaroon ng malaking utang? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mareceieve ang file reports nang mga nakaraang taon..."
"Bakit hindi mo muna pakinggan ang suggestion ko, Shakki?" biglang sumeryoso ang kaniyang boses.
Natigilan ako. Bumaling ako sa kaniya. "What is it? Siguraduhin mong makakatulong iyan sa kumpanya."
He shrugged. "Kahit may mga asawa na ang mga apo ni Madame Eufemia Hochengco, may mga apo pa rin siya na hindi pa kasal. Nariyan pa si Vaughn..."
Natigilan ako. "Vaughn?"
"Yeah, he was treated by Grande Matriarch as a bastard. Well, anak talaga siya sa labas ni Mr. Kyros Ho. Bakit hindi ka magpatulong sa kaniya? Or, mas maganda kung magpakasal ka sa kaniya para mas masisiguro mo ang sekyuridad ng kumpanyang ito." tumitig siya sa akin nang mas seryoso. "Wanna go for it or leave it?"
Matagal bago ulit ako nagsalita. Marriage? Sa lalaking iyon? Bakit sa dinami-dami na lalaki sa mundo, bakit pa sa lalaking iyon? Bakit kung kailan problemado ako, siya naman na magkukrus pa ang mga landas namin? Damn it.
Umayos ako ng upo. Nagde-kuwatro ako saka humalukipkip. "Okay, call. Now, where is Mr. Vaughn Hochengco? I need to see him as soon as possible." kahit na itatali ko na ang sarili ko sa kaniya nang wala sa oras, sige lang. Sisiguraduhin kong hinding hindi mahuhulog ang loob ko sa kaniya kahit na magiging kasal na ako sa kaniya!