Ruby: Kinaumagahan... "Hi good morning." "Anong ginagawa mo dito?" Nakita ko si Jacob na naglilinis ng buong mansiyon at ngayon ay nasa kusina ito at nagluluto. "Pinagsisilbihan ka." Nakangiting sabi niya. Inirapan ko siya at naupo na ako para kumain. "Pagkatapos mo diyan linisin mo kuwarto ko." Walang emosiyon kong sabi sakanya. Ngumiti naman ito at sumunod sakin. What's with him? Naiinis lang ako lalong makita siya. Talagang paninindigan niya ah well humanda siya. Matapos kong kumain ay umakyat na ako aa kuwarto ko. Nakita kong malinis na ito at wala na si Jacob. Nagtungo ako sa banyo at tulad ng inaasahan ay malinis na ito. Kaya naman naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay ginlulo ko ulit ang kuwarto ko. Pati ang banyo na talagang magulong magulo. Nagayos na ako ng sarili