Ruby:
Pagkalabas ni Jane ay inayos ko narin ang gamit ko at nagpunta na sa conference room kung san gaganapin ang meeting.
Ako nalang pala ang hinihintay at maguumpisa na. Umupo na ako sa pinaka gitna kung san nakaupo ang CEO ng kompanyang to. Itinaas ko ang long sleeve ko at nagsimula ng makinig sa nagsasalita.
"What? Bakit nandito si Jacob? Hindi ba dapat si Nikko ang narito dahil siya ang business partner ko at iprepresent niya ngayon ang PowerPoint na ginawa niya?" Ang dami kong tanong sa isip ko ng makita kong si Jacob ang nagsasalita sa harap habang nagprepresent.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko kayang makinig sa power point na prinepresent niya. Dahil sakanya lang nakatuon ang atensiyon ko at naiinis ako sa mga nangyayare sakin.
Ang maamo niyang mukha, makisig at matipunong katawan, ang magaganda niyang mata. s**t I hate this ayoko siyang tignan. Naiinis na ako sa sarili ko.
Bigla naman akong napaupo ng maayos ng tawagin niya ako.
"Ma'am do you have any questions?"
Matagal ako bago nakasagot at tila nalunok ko na ata ang dila ko. What's happening to me? Inis na inis na ako sa sarili ko.
"I don't have Mr. Aguierre please continue." Sabi ko ng makabawi ako.
Tumango naman ito at muli ng nagpatuloy.
Natapos ang presentation niya na maganda dahil nagustuhan lahat ng mga members at head director ito. Hindi naman ako nagsalita pa dahil masama na ang pakiramdam ko. Sumasama ata to dahil nakikita ko siya.
Nagsipaglabasan na ang lahat at kami na lamang natira sa loob ng conference room. Inaayos na niya ang projector na ginamit niya habang inaayos ko naman ang mga papeles na dala ko.
Nagmamadali na ako at akmang aalis na ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Ms. Shantal."
Napahinto ako ng mga sandaling yon at hindi ko siya nilingon.
"I'm sorry for what happened yesterday. It was my fault. Nagulat lang ako na kamukhang kamukha mo ang asawa ko. Hindi na kita guguluhin Ms. Shantal."
What? Kapal ng mukha niya talaga sa tingin niya ba maniniwala ako sakanya? Tsk! Sabi ko sa sarili ko.
"Mahal na mahal ko ang asawa ko na si Ruby. Kaya siguro ganito nalang ako sayo kasi inakala ko talaga na ikaw siya. Sorry Ma'am hindi na mauulit pa ang mga nagawa ko."
This is bullshit! Akala ata ng lalaking to e maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan niya. Ang kapal talaga ng mukha niya.
"It's okay Mr. Aguierre atleast ngayon naliwanagan kana." Nasabi ko nalang kahit na sa loob ko ay gustong gusto ko ng sumabog at sampalin siya.
"So friends?" Alok ko sakanya.
Ngumiti naman ito at inabot ang pakikipagkamayan ko.
"Friends." Sagot niya.
Uto uto ka talaga Jacob tignan lang natin kung san ka pupulutin pagkatapos ko makuha ang lahat lahat pa ng sayo. Wala akong ititira sayo kahit katiting. Wala.
Napangiti nalang ako sakanya at ganon din siya. Wala siyang kaalam alam na balak ko siyang alilain at malapit na ang araw na yon kaya mag handa siya.
Lumabas na agad ako ng conference room at nagtuloy sa opisina ko.
Isinubsob ko na ang sarili ko sa mga nakatambak na trabaho.
Maya maya pa ay tumawag sakin si Arthur.
"Hey babe buti nasagot mo ang tawag ko. Magpapaalam kasi ako sayo. Aalis ako pupunta ako ng Australia dahil aayusin ko pa ang business na naiwan ko don." Doctor si Arthur at may isa pa itong kompanya at siya ang namamalakad nito.
"Okay babe kelan pala ang alis mo?"
"Actually mamaya ng gabi babe. Puwede ba muna tayo mag dinner bago ang flight ko?"
"Ang bilis naman ata? Sure what time?"
"Sunduin kita mamayang 6pm okay lang?"
"Okay babe sige ahm pano pala yon dala ko yung car ko?"
"Magpapahatid nalang ako sa driver ko babe para yung car mo nalang ang gagamitin natin."
"Okay sige."
"I love you babe." Sabi niya.
Bigla namang nagflash sa utak ko ang mukha ni Jacob na tila mali.
"It's okay babe kahit hindi mo pa masabi sa ngayon yan. Maghihintay padin ako sayo." Bakas kay Arthur ang kalungkutan sa mga sinabi niya.
Nainis naman ako sa sarili ko dahil simula palang na naging kami ay hindi ko pa nasasabi sakanya ang salitang 'I love you' at sa 5 buwang relasiyon namin ay wala pang namamagitan samin na tanging mag asawa lang ang nakakagawa.
Kung tutuusin ay malaya naman naming gawin yon pero hindi pa talaga ako handa.
Naisip kong ibibigay ko ang sarili ko sakanya sa oras na handa na muling magmahal ang puso ko.
Pagkatapos ng mahabang usapan namin ay lumabas ako saglit hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit hinahanap ng mga mata ko si Jacob.
Alam kong hindi maaari to dapat ay galit at pagkasuklam ang maramdaman ko sakanya ngunit bakit tila kabaliktaran naman ang nararamdaman ko ngayon?
....
Natapos ang dinner namin ni Arthur at nagpasiya na siyang umalis dahil sasakay na ito sa private plane niya. Ako naman ay nagmamaneho pauwi ng mansiyon ng makita ko ang lalaking kanina pa gumugulo sa isip ko.
Malakas ang ulan ng gabing iyon at nakita ko siyang nakatayo lamang sa malaking gate ng mansiyon habang nagpapaulan.
Di ko mapigilan ang sarili ko at kinuha ko agad ang payong na nasa loob ng sasakyan ko at pinuntahan ko siya.
"Jacob? Bakit ka nagpapaulan? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko habang pinapayungan siya.
Tumingin lang sakin ito at ngumiti.
Oh my mukha siyang nakainom.
"Tara sa loob dali basang basa kana." Sabay akay ko sakanya dahil lasing nga ito.
Inalalayan ko siya hanggang sa makapasok sa loob at inutusan ang maid na ipatawag ang driver ko at ipasok ang kotse ko.
Tumango naman ito at inalalayan ko na si Jacob umakyat sa kuwarto ko.
"Ang bigat mo grabe." Sabi ko sakanya habang inaalalayan siya.
Inihiga ko na siya sa sofa ng makarating kami at dali dali ko siyang hinubaran dahil basang basa ito.
Kumuha din ako ng bimpo para punasan siya. Pagkatapos ay inakay ko na siya papunta sa kama at kinumutan ang hubad niyang katawan.
"Ruby" rinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko habang nananaginip na tila masama.
"Ruby patawarin mo ako. Please wag mo akong iiwan."
"Sssshhh Jacob nananaginip ka." Ginigising ko siya.
"Ayokong mawala ka Ruby nasasaktan ako." Nakita ko ang mga luhang nagsiagusan sa mga mata niya habang patuloy paring binabanggit ang pangalan ko.
"Jacob wake up." Niyugyog ko siya hanggang sa magising ito.
"Ruby?!" Agad niya akong niyakap at tinulak ko naman siya.
"Hindi nga ako si Ruby! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Ikaw si Ruby wag ka ng magkaila kilala kita alam kong di mo ako dadalhin dito kung hindi ikaw yan!"
Agad siyang tumayo at nilapitan ako.
"Please wag mo na akong pahirapan pa ng ganito." Lumuhod na siya sakin habang nagmamakaawa.
"Kulang pa yan Jacob! Kulang pa yan sa lahat ng sakit na ginawa mo sakin at sa pagkamatay ng anak ko!" Di ko napigilan ang sarili ko at iyon na lamang ang kumawala sa bibig ko na siyang kinagulat ni Jacob at tumayo."
"Ikaw nga?! Bakit? Asan ang anak natin Ruby? Please sabihin mo."
Sinampal ko siya ng napakalakas.
"Ang kapal ng mukha mo Jacob. Nawala ang anak natin dahil sayo! Dahil sa nakita ko ang pag amin mo kay Bianca!" Di ko na napigilan pa at napayuko na ako habang humahagulgol. Di ko na kayang itago pa dahil nahihirapan na ako.
"Wife please listen to me. Hindi mo ako binigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Please pakinggan mo ako." Pagsusumamo niya habang nakahawak sa dalawang braso ko at nakatapat sakin ang mukha.
"Tama na! Para ano pa?! Patay nadin naman ang anak ko! Dahil sayo! Dahil sayo to!"
Natulala siya sakin habang ako ay patuloy na umiiyak.
Matagal bago siya nakapagsalita.
"Kaya ba pinagpalit mo na agad ako kay Arthur?" Mahinahong sabi niya.
"Oo dahil mahal niya ako!"
"Nagkakamali ka Ruby! Kay tagal kitang hinanap kay tagal na panahon."
"Tumigil kana! Ayoko ng makinig sa mga paliwanag mo!"
"Bakit? Ako padin ang asawa mo Ruby. Mahal mo ba si Arthur?"
"Oo mahal ko siya! Dahil hindi siya katulad mo! Mahal ko siya dahil inaalagaan niya ako!"
Nakita ko ang pag dilim ng mukha ni Jacob habang nakayuko na ito at binitawan ang pagkahawak sakin.
"Kung ganon handa ako Ruby. Handa akong masaktan, handa akong parusahan mo sa lahat ng nagawa ko. Handa nadin akong magpaalipin sayo para pagbayaran ang nagawa ko sayo at sa anak natin. Handa narin akong maging pangalawa mo diyan sa puso mo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi na muli itong nagsalita at kinuha ang basang damit at isinuot ulit. Kahit hirap sa paglalakad ay umalis na ito patungo sa pintuan.
Lumingon muli ito at nagsalita.
"Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang my Wife. Handa na akong pahirapan mo." Ngumiti ito ng mapait at tuluyan ng lumabas.
Napaupo naman ako sa sahig at tuluyan ng nagbuhos ang mga luha ko. Bakit ako naaapektuhan? Dapat nga ay masaya pa ako. Bakit pati ako nasasaktan? Bakit?