Lunes ng umaga ay maingay ang boys pagkalabas ni Paprika sa kanyang kwarto para kumain ng breakfast bago pumasok sa opisina. Maaga s’yang nagising dahil sa notice ng Manager ng Marketing Department na magkakaroon daw ng emergency meeting sa umagang iyon. Kaya alas syete pa lang ng umaga ay bihis na bihis na s’ya at lalabas na lang para magkalaman ang sikmura bago pumasok sa opisina. Napangiti s’ya nang makita si Kris na inaambaan ng yakap ang kapatid n’ya na pulang-pula ang tenga dahil siguro sa hiya kay Llewyn dahil nandoon ito at pinapanood ang dalawa habang nagluluto ng kung ano. “Stop it, Kris. Nakakahiya kay Llewyn…” narinig n’yang saway ng kapatid n’ya sa nobyo nito kaya nakangiting naglakad s’ya palapit sa mga ito na mukhang hindi alintana ang paligid. “Don’t mind me, Pete. I can