Sa buong oras ng emergency meeting ay tama si Monette. Bukod sa formal announcement sa pagreretiro ni Sir Lawrence Russel ay binanggit din ang pansamantalang papalit sa posisyon ni Jarvis na si Mrs. Czarina Alejandre, the youngest sister of Sir Lawrence. Ito ang kasalukuyang namamahala sa mga branches ng RD Pharma sa mga probinsya kaya ipinagtaka hindi lang ni Paprika pati na rin ng halos lahat ng mga empleyado ang paglipat nito sa main branch ng RD Pharma para pansamantalang pumalit sa posisyon na maiiwan ng pamangkin nito. Mrs. Alejandre has an only son na halos kaedaran lang ni Jarvis na s’yang katulong nitong namamahala sa mga hawak nitong branches. Ang asawa nito ay isang businessman rin pero ang sentro ng negosyo ng asawa nito ay sa construction industry. Maraming nagsasabi at madal