"Your Majesty..." Napatingin kaming lahat sa nagsalita at si Snow iyon. At si Genevieve naman ay nagulat dahil sa paglabas ni Snow at dahan dahan niyang niyakap ang manika na punit. Parang ayaw niyang ipakita kay Snow.
Di ko alam parang na guilty ako sa nangyayari. Kapakanan lang ni Snow kaya ko ginawa iyon.
"Bakit po kayo umiiyak?" Inosenteng tanong ni Snow sa Empress. Agad namang pinunasan ni Empress ang luha niya at pilit na ngumiti kay Snow.
"Napuling lang ako, Snow. Wag kang mag aalala." Di maiiwasang suminok sinok si Genevieve habang sinasabi yun.
"Ano po yang hawak niyo? Sa akin po ba yan? Yan po ba yung surprise niyo sa akin na special gift?" Tanong ni Snow. Close sila ni Empress? Di na siya takot kay Gene?
"P-Pasensya na Snow di pa talaga tapos ito." Sabi ni Genevieve. Pinagtakpan niya ang ginawa ko.
"Patingin po." Nagdadalawang isip si Genevieve na ipakita ang manika pero sa kagulihan ay inilahad naman niya ang manika kay Snow.
"Ako na po ang tatapos nito. Ang ganda po nito. Salamat.... Mom." Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi ni Snow kay Gene.
Empress Genevieve POV*
Teka anong sinabi niya? Mom?
Lumapit si Snow sa akin at niyakap ako.
"The best Mom ka sa akin." Sabi niya na kinatulo ng luha ko. Ito ang gusto kong marinig kay Snow noon pa man.
Lumuhod ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Salamat, My Baby Snow."
Red POV* (Emperor's right hand)
Kinabahan ako nang makita ang pinaghirapan ni Empress Genevieve na manika. Saksi ako sa paggawa niya sa manika at tatlong araw iyon habang ginagawa niya ang manikang iyon dahil araw araw ko siyang binabantayan dahil yun ang utos sa akin ng Emperor at ngayon ang pinaghirapan ng Empress at punit na punit na dahil sa Emperor.
Di ko napaliwanag sa Emperor ang tungkol sa manika dahil doon ko na irereport na ibibigay na niya ang Manika kay Princess Snow. Pero huli na at nakita nga namin ni Hannah ang nangyayari. Pinaliwanag sa akin lahat ni Hannah ang tungkol sa magandang pagbabago ng Empress at sa mga regalo na binigay niya kay Princess Snow kaya kami magkasama.
"Sige, Snow. Kailangan ko ng umalis may gagawin pa ako. Keep smiling always ha." Sabi ng Empress kay Princess Snow.
"Yes po, Mom." At yumuko ng kaunti si Empress Genevieve sa Emperor at nagmamadaling umalis doon. Napatingin kami kay Snow na nag aalalang nakatingin sa naglalakad na Empress.
Napatingin si Snow sa Ama niya at napatingin sa Manika.
"Humingi ka ng patawad kay Mom, Dad. Kung ayaw mong magalit ako sayo." Maski ako nagulat sa sinabi ni Princess Snow. Ito ang ugali ni Princess Snow na di alam ng Empress.
Malamig ito kagaya ng Emperor pero pagdating sa Empress ay iba ang pinapakita niya.
"Nakita ko ang ginawa mo sa manika na ibibigay niya sa akin. Anong karapatan mong paiyakin ang Mom ko." Kunot noong sabi pa din niya sa Emperor.
"Princess Snow, di pa alam ng Emperor ang lahat ng nangyayari kaya patawarin mo na siya." Sabi ko.
"Anong di ko pa alam ang lahat? Anong ibig mong sabihin, Red?" Tanong ng Emperor.
"Ipapaliwanag ko po pero wag po dito."
Nasa living room kami at kasama ko ang mag amang malalamig ang awra na nakatingin sa akin. Ano ba yan parang nasa hot sit ako nito ha.
"Ehem, Emperor, ang lahat ng nasa isipan mo ay di katulad sa nangyayari ngayon. Dahil ang Empress ay tuluyan na talagang nagbabago walang halong magic." Sabi ko habang nakatingin sa Emperor na malamig pa ding nakatingin sa akin.
"Explain to me all the details."
"Okey, okey, ito na. Araw araw binibigyan ni Empress Genevieve si Princess Snow ng regalo at parati itong nagpapakita ng magandang pakikitungo sa Prinsesa. Kahit sa mga katulong niya sa Empress Palace ay puro positive ang lahat ng comments tungkol sa kanya at binigyan pa nga sila ng mga alahas at damit na din." Nakita ko na nakikinig din si Princess Snow sa likuran ko.
"Totoo ba, Snow, ang lahat ng sinabi ni Red na binibisita ka niya araw araw?" Tanong ng Emperor kay Princess Snow.
"I know how to read people kaya alam ko na totoo ang mga ginagawa niya at napakasakit sa kanya na punitin ang ginawa niyang regalo para sa akin? Alam mo ba Dad na wala siyang hiningi sa akin kundi ang mga ngiti ko lang? Tapos ngayon pinaiyak mo lang siya?" Kunot noong sabi ni Princess Snow sa ama nito.
Mag ama talaga sila kasi walang nagpapatalo sa kanilang dalawa sa malamigang titigan.
"Di ko alam. Di sinabi sa akin ni Red ang lahat."
"Busy ka po sa nagdaang tatlong araw matapos ka pong makasal." Sabi ko agad baka masibak pa ako ng wala sa oras.
"At nakalimutan po ninyo na dapat may isang beses kang sumabay sa kainan niyo araw araw at di ka parati naka attend dahil sa sobra niyong pagka busy." Paliwanag ko pa. Mabuti nang may dahilan kaysa matanggal ako na di makapagpaliwanag.
Napaisip naman siya ng wala sa oras at napabuntong hininga.
"Okey, It's all my fault. I'm sorry." Sabi nito.
"Mabuti alam mo na. I hope tomorrow nakikita ko na ang ngiti ng Mom ko at magsorry ka sa kanya." Pagbabanta ni Princess Snow sa Emperor bago umalis ng silid.
Napabuntong hininga ang Emperor.
"Pati ikaw Red may problema ka sa akin?" Agad akong umiling.
"Wala po, Your Majesty. Pero sa akin po humingi po kayo ng tawad. Wag niyo ipagpabukas ang galit nakakasama po yan sa relasyon ninyo." Sabi ko at napaisip naman siya bago tumayo at lumabas. Saan yun pupunta?
Empress Genevieve POV*
Nasa kwarto ako ngayon at nakatingin sa labas ng bintana. Kumikirot ang puso ko dahil sa ginawa ng Emperor sa manika kanina. Bakit niya pinunit ang Manika?
Ganun na ba talaga ang galit niya sa akin? Ganun na lang ba? Napabuntong hininga nalang ako at luminga linga sa paligid at kinuha ang unan inimagine ko na iyon ay ang Emperor.
"Ikaw! Inano ba kita! Grabe tatlong araw ko iyon pinagpuyatan tapos ganun lang kung makapunit wagas!" Sigaw ko habang pinagsusuntok ang unan. Lahat ng galit ko ay ibinuhos sa kawawang unan na iyon.
Hinihingal akong napaupo sa sahig nang malabas ko na ang lahat ng galit ko sa kanya.
Ang mas masakit ay ang makita ang reaksyon ni Snow. Kulang ang ngiti niya dahil ba sa di pa tapos ang manika ko at nakita pa niya na wasak wasak ang mukha nung manika.
Napahinto ako sa pag iisip nang may kumatok sa pinto at lumapit ako at binuksan iyon.
Natigilan ako sa taong nakatayo doon dahil yun ay ang Emperor.
"Greetings, Your Majesty the Emperor." Bati ko. Ano naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito?
"Pasok ka." At pumasok naman siya. Mabuti sumunod siya.
Umupo kami sa single sofa at nilagyan ko ang baso niya ng tea at ganun din sa akin.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, Emperor Amon?" Tanong ko at di pinakita ang pagkainis ko sa kanya.
"Gusto ko sanay humingi ng tawad dahil sa ginawa ko sa manikang gawa mo." Mahinahong sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa kanya.
"Ayos lang naman kung galit ka sa akin basta wag mong pangunahan parati ang nasa isipan mo na masasamang bagay na kaya kong gawin dahil di ko kayang manakit ng inosenteng bata. Kagaya ng sinabi mo sa rules mo na di ko sasaktan si Snow kaya ginawa ko at binago ko ang relasyon ko sa kanya."
"I'm sorry. Ngayon ko lang nalaman."
"Ayos na yun. Kagaya ng sinabi mo walang pakelamanan at wag manghimasok sa pribadong buhay."
Nakita ko na tumango siya.
"Magpapahinga na ako sana ikaw din. Wag mo nang isipin ang tungkol sa nangyari ngayon. Wala ka namang dapat ikapag alala dahil asawa lang tayo sa papel." Sabi ko sabay ngiti. Nakita ko na nag iba ang kanyang awra at tumango tango siya bago tumayo.
"Kailangan ko ng magpahinga. Good night."
"Good Night, Your Majesty." At lumabas na siya ng kwarto at napabuntong hininga nalang ako. Biglang may kumurot sa puso ko di ko alam kung anong nangyayari. Kanina pa ito nung sinabi kong walang pakealaman sa pribadong buhay at sa papel lang kami kasal.
Pilit kong inalala ang nasa libro baka may konek ito sa nangyayari ngayon. Ano ba ang totoong nararamdaman ni Genevieve sa Emperor?
Pwesto lang ba sa Empress at kayamanan lang ba ang gusto niya o may gusto talaga siya sa Emperor noon pa?
Sana yung una lang wag ikalawa. Ako atah ang magiging dehado pag may feelings siya sa Emperor. Patay na talaga.
******
LMCD22