Chapter 3

1849 Words
Empress Genevieve POV* Di ko pa natapos ang manika na ireregalo ko kay Snow kaya sapatos muna ang ireregalo ko. Tiningnan ko ang limang magagandang sapatos na nasa harapan ko at dinala pa dito ang may ari ng nagbebenta ng sapatos para lang sa akin. "May napili na po ba kayo, Your Majesty?" Tanong nung may ari ng mga sapatos. "Hmm... Yang pink." Turo ko. Kinuha naman ni Hannah at inilapit sa akin at tiningnan ko ang boung katawan ng sapatos at napangiti ako dahil maganda nga siya. Nag imagine muli ako na sout ito ni Snow at napangiti ulit ako. "Ito na ang ireregalo ko sa kanya. Ibalot mo na Hannah at bigyan mo siya ng times two payment." Sabi ko na kinasaya naman ng may ari ng sapatos. Masayang naglalakad ako hanggang mapunta ako sa kung saan si Snow ay nagbabasa. Sa library! "Snow." Napatingin siya sa akin at nahihiya pa din. "Greetings, Your Majesty." Sabi niya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya. "Bakit po kayo nandito, Your Majesty?" "Gusto ko sanang ibigay ito." Inilahad ko sa kanya ang regalo ko para sa kanya. Gulat naman siyang napatingin sa regalo na inilahad ko sa kanya. "Di ko naman po kaarawan." "Regalo ko lang yan sayo dahil anak kita." Sabi ko at nakita ko na napangiti siya at tinanggap ang regalo na binigay ko. At binuksan ang regalo at tumambad sa kanya ang sapatos na pink at di ko mabasa ang reaksyon niya kasi gulat lang naman di ko alam kung masaya ba siya o hindi sa regalo ko. "A-Ayaw mo ba sa regalo ko? Gusto ko sanang makitang sout mo yan." Tanong ko at agad naman siyang napatingin sa akin at umiling. "Gustong gusto ko po ito, Your Majesty. Salamat po ng marami." Masayang sabi niya. "Ano yan?" Sabay kaming napatingin sa nagsalita. At si Duchess Aurora lang pala ang nagsalita. "Greetings, Your Majesty." Bati niya. "Greetings, Your Highness." Bati ko din sa kanya. "Nakakagulat at nandito ka at kausap mo ang pamangkin ko, Your Majesty?" Sabi niya na kinakunot ng noo ko pero ngumiti pa din ako. "Binisita ko lang siya." Sabi ko at napatingin naman siya sa sapatos na hawak ni Snow at nakita ko na nanginginig si Snow habang di makatingin kay Duchess Aurora. "Pink shoes?" Tanong nito kay Snow. "Ikaw ba ang nagbigay ng sapatos na iyan, Your Majesty?" Tanong ni Duchess Aurora. Ngumiti naman ako at tumango. "Ako nga ang nag bigay." "Hindi mo ba alam na hindi nagsusuot ng mga light colors si Princess Snow?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko. Kaya pala puro dark color gowns ang sinusuot niya pang mature colors. "Bakit naman hindi mo pinapasout ng mga light color things si Princess Snow? Bata pa siya at hindi bagay sa kanya ang dark color clothes." Di ako magpapatalo sa babaeng ito. "Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa pamangkin ko, Your Majesty? Ang sabi mo diba sa akin na ako na ang masusunod sa kanya?" "Duchess, Pwede namang I'll change my mind diba? At may karapatan na ako sa kanya kahit di kami magkadugo ay parang anak na ang turing ko sa kanya." Sabi ko at di naman siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. "Ano't..." Napatingin ako sa relo ko at oras na para ipagpatuloy ang mga gagawin ko pa. "Kailangan ko ng umalis. Snow, mag aral ka ng mabuti ha." Nakangiting sabi ko sabay pat sa ulo niya. At tumalikod na ako at lalabas na sana ng pinto nang marinig ko ang tawag sa akin ni Snow. "Your Majesty!" Napatingin ako sa kanya at tumatakbo siya papalapit sa akin. "Bakit, Snow? Wag kang tumakbo baka madapa ka." Itinaas niya ang palda niya at nakita ko na sout na niya ang pink na shoes na bigay ko sa kanya. "Sout ko na po." Sabi niya na kinangiti ko. "Ang ganda po talaga nito. Salamat po talaga, Your Majesty." Sabi niya. Nagsquat ako para magkapantay kami at tiningnan ko siya sa mga mata at hinawakan ang pisngi niya. "I'm happy to see your smile. Mas lalo kang naging cute." "Salamat po. Kailangan ko na pong bumalik." Sabi niya at tumango ako at bumalik siya habang nag paalam sa akin. Napatayo ako at ngumiti. Lumakad na ako nang mapansin ko sa labas na nakasout ang Emperor ng pangtraining. At may hawak siyang espada. At ang cool niya habang nakasout ng ganun. Gusto ko ding masubukan na makipag laban gamit ang espada kasi nung nag aaral pa ako sa dating mundo ko ay kasali ako sa Martial Arts club. Napatingin ako sa kamay ko. Di ko siguro magagawa ang mga bagay na ginagawa ko noon dahil di sanay ang katawang ito sa hirap na pag eensayo araw araw. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin ulit sa baba kung nasaan ang Emperor at nagulat ako kasi nakatingin na pala siya sa akin. Ngumiti ako at yumuko ng kaunti bago lumakad paalis doon. Sa susunod na araw ay excited akong tumatakbo habang dala ang jar ng cookies na ginawa ko para kay Snow. I'm sure gusto niya ito at aabangan ko ulit ang reaksyon niyang priceless sa ganda. Nasa garden siya ngayon nagpapahinga at nang makita ko siya at huminto ako at huminga ng malalim sabay buga ng mahina at ngumiti at umayos ng lakad at itinago ko sa likuran ko ang jar ng cookies. Lumapit ako at agad kong nakita siya na seryoso sa pagbabasa niya ng libro. At tinawag ko siya. "Snow." Mahinang tawag ko at nagulat siyang napatingin sa akin. "Y-Your Majesty, kanina ka pa diyan nakatayo? di po kita napansin." Kinakabahang tanong niya at napatingin ako sa hawak niya tatlong bulaklak. "Ngayon lang." Nakangiting sabi ko. Nang may naalala siya bigla. "Teka lang po." Sabi niya at tumakbo siya papunta sa gilid niya at may kinuha doon at agad siyang bumalik sa harapan ko. "Uhmm, para po pala sa inyo, Your Majesty." Sabi niya sabay lahad ng tatlong bulaklak sa akin. Napangiti ako kasi ang sweet niya hnat kinuha ang bulaklak na inilahad niya. "Salamat, Snow. Ang ganda nito." Sabi ko na kinangiti naman niya. "Ah, muntik ko nang makalimutan. Para sayo, Snow." Inilahad ko ang jar of cookies na gawa ko. Sana magustuhan niya. "Cookies?" Tumango ako at umupo kami sa bench. "Thank you po." Ayan na ang hinihintay kong ngiti. Waaa bakit ang cute niya! "Tikman mo gawa ko yan." Masaya at excited kong sabi. Agad naman niyang binuksan at tinikman agad. "Ang sarap ng cookies!" Napahawak ako sa puso ko dahil sa kacutan niya! Parang ilang hearts atah ang tumama sa akin. Para akong lumulutang sa kalangitan at katabi ko ang isang Anghel na may pangalang Snow. "Ayos lang po ba kayo, Your Majesty." Natawa nalang ako sa reaksyon ko at tumango. "Super duper okey ako. Sana parati kong makikita ang ngiti mo." Sabi ko sa kanya kasi yun lang kasi ang energiser ko. Tapos ko ng nagawa ang manika na ireregalo ko kay Snow. At parang mini Snow ang nakikita ko. At ang damit nito ay ginaya ko sa damit na nababagay talaga sa kanya. "Wow, Your Majesty ang ganda ng gawa niyo po. Saan niyo po natutunan na gumawa ng manika?" Gulat na sabi ni Hannah sa akin. Malamang di pa niya nakita si Genevieve na gumawa ng manika noon. "Sa manika ko dati?" Sana maniwala ka wala na akong ibang maisip. "Ah oo nga po katulad ng manika mo dati." Mabuti sumakay. Inilagay ko agad sa gift box at ginandahan ko ang ribbon. "Maganda ba ang pagkakabalot, Hannah?" Tanong ko sa kanya. "Napakaganda po, Your Majesty." Napangiti ako at kumuha ng perfume at pinabanguhan ang regalo. "Tadah, alam ko magugustuhan ito ni Snow." Tumayo ako at dinala ang regalo na ibibigay ko kay Snow. "Sasamahan ko po kayo, Your Majesty." Sabi ni Hannah. "Ako na, ayos lang ako." Masayang sabi ko at lumakad na palabas ng kwarto ko. Masaya akong naglalakad habang dala ang regalo ko kay Snow nang biglang nakita ko ang Emperor na kinahinto ko sa paglalakad. Bakit ngayon ko pa siya makikita! "Greetings, Your Majesty." Bati ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at napatingin sa regalong hawak ko. "Mukhang masaya ka atah ngayon, Empress? Saan ka pupunta?" Malamig na sabi niya. "Bibisitahin ko si Snow." Nakangiting sabi ko sabay tingin sa regalo at tumingin din sa kanya. "And?" Napatingin siya sa regalo na hawak ko. "Ibibigay ko kay Snow itong regalo ko sa kanya." Sabi ko habang nakangiti. I'm sure magugustuhan niya ito. Excited na akong ibigay sa kanya ito. Wala kasi akong nakikita kahit isang doll sa kwarto niya. Di ko na mahintay na makarating doon. Makakarating na sana ako doon kung di lang sagabal tung Amon na toh. Emperor Amon POV* Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa regalong hawak niya. "Ano ang laman niyan?" Tanong ko. Ngayon ko lang narinig na nagbigay siya ng regalo. Baka may gagawin siyang di maganda kay Snow. "Manika." Nakangiting sabi niya. Nakita ko na excited siya na ibigay kay Snow ang manika. Baka sa manika may karayom sa katawan ng manika at yun ang tutusok kay Snow. Alam ko ang ugali ni Genevieve at kilala ko na siya simula pagkabata pa namin. Spoiled siya sa pamilya niya at lahat ng gusto niya ay nakukuha niya ng madalian. Makikita mo agad sa reaksyon niya kung ayaw niya sa isang tao dahil pranka siyang tao na kung ayaw ka niya ay sasabihin niya agad. At kung gusto niya ang isang bagay ay makukuha niya agad. Kahit na ang katayuan ng Empress ay nakuha niya agad sa pamamagitan ng mga magulang niya at magulang ko. Gusto siya ng Ama at Ina ko dahil makikita sa kanya ang ugali ng isang Empress. "Kailangan ko ng mauna. Ibibigay ko ito kay Snow." Sabi niya at aalis sana siya nang magsalita ako. "Teka." Napahinto naman siya at tumingin sa akin. Agad kong kinuha ang regalo at agad iyong sinira sa harapan niya ang lalagyan at agad kinuha ang manika at pinunit iyon baka may patalim o karayom na iniwan niya sa manika. Napunit ko na ang boung manika pero walang patalim ang nakalagay doon. Napatingin ako sa kanya na gulat na gulat at nakatakip ang kamay sa bibig na di makapaniwala sa nangyayari. At may luha na lumabas sa mga mata niya. "B-Bakit mo pinunit ang manika?" Natigilan ako at napatingin sa manika na hawak ko at biglang kumirot ang puso ko dahil sa nangyayari. "Your Majesty!" Narinig ko na may sumigaw sa likod at si Hannah iyon at kasama si Red na gulat na gulat dahil sa nakita sa sahig at sa hawak ko. "A-Ang manika na gawa ni Empress..." Gulat na sabi ni Hannah. "Emperor, bakit mo pinunit?" Sabi ni Red sa akin. Bakit ganito ang reaksyon nila. Dahan dahang kinuha ni Genevieve ang manika sa kamay ko habang umiiyak pa din at pinilit niya itong idinikit pero di na madikit dahil sa punit punit na iyon lalo na ang damit ng manika. "Your Majesty." ***** LMCD22 Napatingin kami sa nagsalita at si Snow iyon na kinalaki ng mga mata ni Genevieve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD