PROLOGUE

551 Words
______ "Ayusin mo and pag arte mo ha! Kailangan mag mukhang totoo ang mangyayaring aksidente!" Ipinikit ko ang mga mata ko para pahupain ang napakaraming emosyon na lumulukob ngayon sa pagkatao ko. Gutom, pagod, sakit ng katawan, takot. May kulang pa ba sa mga nabangit ko? Napakyaw ko na yata lahat. "Oh! Titigan mong mabuti ulit yung litrato!" sabay padarag nitong isinubsob sa mulha ko yung larawan. MAy ilang beses ko na ding nakita ang larawan na iyon. Short dark-brown hair, sapphire-green eyes, and a touch of rugged yet dignified face to finish the Roman God looks. Kung hindi ako nagkakamali isa siyang foreigner at isa din itong maimpluwensiyang tao. Dear Lord, how will I ever do this? Hindi pa din maialis sa isip ko kung makakaya ko bang gawin ang ipinapagawa ni Bruno, siya iyong maitim, kalbo na maa na kasama ko nagon dito sa gilid ng bundok. MAy malaki din itong tattoo ng cobra sa kaliwang braso. ALam kong hindi siya ang mastermind ng lahat ng ito dahil mayroon din itong sinusunod na ibang tao base na lang sa pag uusap nila nito sa telepono. "Wala kang karapatan na magkamali, iyan ang tandaan mo!" dagdag pa nitong sabi sa akin. I remained quiet habang piping nag dadasal na sana walang mangyaring masama. Nahilakbot ako ng bigla nito akong dinaklot ng pagka higpit-higpit sa magkabila kong braso. "Alam mo na ang kalalabasan ng pag palpak mo, naiintindihan mo ba?!" sigaw pa nito sa akin habang inaalog nito ang buo kong katawan. "I-I'll do w-what I can," garalgal kong sagot sa kanya saka lang nito ako binitiwan. Niyakap ko ang sarili ko ng buong higpit na para bang doon ko mapo-protektahan ang aking sarili ng muli itong magbanta. "Sasaktan namin ang mga mahal mo sa buhay sa oras na magkamali ka, iyan ang ipasok mo sa bungo mo." walang kagatol-gatol na sabi nito. Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang iyon. At saka nag unahang umagos na naman ang mga luha ko. Umiling ako sa aking sarili saka tinuyo ang mga mata ko. Nanaig ang galit sa puso ko, kung patuloy akong matatakot papaano ko maililigtas ang mahal ko sa buhay? "I won't make a mistake," I said in equal anger at him. Napakawalang puso nila! Mga hayop! Tinawanan lamang niya ako then I heard his cellphone rang. He turned to answer the call, listened for a moment, then turned it off. Lumingon siya sa akin at parang baliw na ngumiti. "It's show time! Hahahahaha!!!" bungisngis nitong sabi. NAg panic ako bigla ng kinaladkad nito ako papunta sa gilid ng kalsada. "S-sandali...pa-paano kung...papaano kung maling tao siya? Pa-paano kung hindi ako masaktan? Pa-" I did not finish what I'm saying for his fist swung to my face so quickly, hindi ko na nagawang umiwas. His knuckles slammed against my cheekbone that made my head snap back. Nakakita din ako ng mumunting butuin sa paligid kahit na pahapon pa lang. I would have fallen to my knees if he hadn't still held me up. "Wala ng paano at pero, sumakay  ka na sa bisikleta!" hiyaw nito sa akin. I brushed away the tears of pain as I claimed on the bike. Maya-maya lang ay may narinig na akong papalapit na sasakyan, at isang malakas na ingay ang nagdala sa akin sa kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD