QUEEN MERCURY DALAWANG TAON Na ang lumipas, graduating na ako at isang semester na lang ang kulang. Nandito ako ngayon sa bahay nang biglang nag-text sa akin si Tita na umuwi na sila galing America kasi wala na raw pag-asa pang mabuhay si Stallionne. Ang sabi niya sa akin, mas lumala na raw ang leukemia ng mahal ko at napagdesisyunan nilang i-uwi na lang. Halos isang taon na rin hindi nagparamdam si Tita sa akin and I don’t know why. Araw-araw akong nangungumusta sa kanya pero wala na akong reply na nakukuha sa kanya. Pagkatapos ngayon ay biglang nag-text siya at ganito pa kulungkot ang natanggap kong balita. Agad kong itinabi ang mga school projects na ginagawa ko para puntahan sila. Gusto ko na silang makita. Matagal na akong nangungulila sa kanila. Lalo na sa lalaking mahal ko. Nang n