Nagsimula na siyang mag-impake habang hinihintay na matapos maligo si Kaito. Inimpake niya na din ang mga damit ni Kaito at natutuwa siya dahil gawain iyon ng isang asawa. Pakiramdam ko tuloy parang isa na akong asawa sa ginagawa ko. Siguro nanaginip lang siya kagabi ng marinig niya na sinabihan siya nito ng I love you. Sinabi naman niya na girlfriend niya ako sa kaibigan niya. Kaya lang, ano na kayang status naming dalawa? Nakaka-inis naman kasi. Ito lang sana ang problema ko dumagdag pa ang bwisit na iyon. Lumabas si Kaito sa banyo at napatingin ako dito dahil nakatapis lang ito ng tuwalya sa baywang niya at sigurado siyang walang suot ito. Ang mga abs nito ay may mga butil ng tubig na natira at gusto niyang dilaan ito. Nag-iinit tuloy siya at napalunok. Napakagat siya ng labi ng inalis